Chapter 11

140 6 6
                                    

 " I don't know, but I feel something strange...! Natatandaan mo ba nu'ng pumunta tayo sa dormitory nina Jaqy at Zian. Yung una, pagkamatay ni Jaqy.... Nauna ako sa inyo doon. Tapos may nagparamdam s'kin na multo ng isang girl...! Kaya naabutan ninyo ako doon sa exit door... " Aileen said while chilling her body. She never forget that moment.


" Sino naman 'yun? Huwag mong sabihin na, hindi kaya.... " si Reymark.


" Na ano? Ewan, naguguluhan ako pero isa lang naisip ko sa pagkamatay nila. Sinadya! "

" How will you stand by that reason, huh? "

" We need to talk, one of them! We need a paranormal phsychic... "


" You're insane! Pa'nu. May maniniwala ba? "

" Kumilos na tayo habang may panahon pa, Reymark! Maaaring hindi nga kapani-paniwala. Pero malakas ang kutob ko! Kesa naman may mamatay ulit s'tin, hindi ko na kaya... May magagawa pa naman tayo, diba? "


" Ssssh, okey we will talk that, basta 

makabalik yung dalawa, huh... "


" Ok, salamat! " Maikling sagot ni Aileen saka nanahimik muli. Napaisip naman si Reymark sa mga sinabi ng dalaga. Imposible ang hinala nito, but they need to try all the possible thing na nagko-connect sa dalawa nilang kaibigan na namatay.


Pagdaka'y tumayo si Reymark at tumulong sa paghahanda ng makakain ng mga bisita. Naroon din ang magulang ng namatay nilang kaibigan. Pinipilit na maging okey kahit na napakasakit na mawalan ng anak. Lalo na't bata pa ito. Madami pang mga pangarap sana ang pwedeng matupad at maranasan but in just a blink of an eye, wala na ito.


 Kinuha naman ni Aileen ang cellphone ni Angeline na nakita niya. Wala na itong power kaya binuksan pa niya iyon. Buti nalang at naka-silent tone ito. Hindi lumikha ng anumang ingay doon. Agad niyang pinag titingnan ang mga messages nito sa inbox. Wala namang kapuna-puna doon. Pati email nito na nalimutang i-log out. Inisa-isa niya, pero wala rin namang sign doon na konektado sa pagkamatay nito.


" O, Aileen, kain kana muna... We need this! Four to five days daw ang burol kase may hihintayin pa. Sabi ng daddy ni Angeline s'kin. " Pukaw ni Reymark sa kaibigan. Hawak nito sa kamay ang isang styro food na ready to eat. Pati juice ay may dala din dito.


Itinabi naman muna ni Aileen ang cellphone na hawak. At inabot ang binibigay ng kaibigan. Pagkatapos ngumiti siya dito, at nagpasalamat. Sa katabing upuan na din niya ito pumwesto. Sabay na silang dalawa na kumain. Alas syete na rin kase iyon ng gabi. " Reymark, si Zian bakit hindi na bumalik? Kala ko ba papasakayin nya lang si Elma ng taxi? Dalawang oras nang mahigit ah...? " Pagkuwa'y wika ni Aileen sa katabing kaibigan.


" Bah...malay ko...? Iyon nga din ang alam ko... "

" Tingnan mo nga muna kung hanggang ngayon ay hindi pa nakakasakay? "


" Sige, d'yan ka na muna. Text kita pag nakita ko agad! "


" Okey, salamat! Ang tagal na kase eh! "

" Kaya nga... "


Lumakad na si Reymark para lumabas ng funeral chapel. Kaunti na lang ang nandoong mga bisita. Ang iba kase'y sumaglit lang at may mga trabaho.


Ipinagpatuloy naman ni Aileen ang pag tingin sa cellphone ni Angeline.


~


 Halos kalahating oras naghintay ng taxi sina Zian, at Elma pero wala talagang dumadaan sa kalsada. Ipinasya ng magkaibigan na maglakad na lang papunta sa may hi-way. Doon kase mas madaling makasakay. Inabot sila ng isa't kalahating oras para makarating doon dahil dumaan pa sila sa isang kainan at kumain. Nagreklamo kase si Elma na gutom na. At saka nalimutan ni Zian na magtext sa mga naiwang kaibigan. Nang makasakay si Elma ay humarap na rin si Zian pabalik ulit para maglakad. Mag isa na lamang siya at wala ng kasabay.


 Maliwanag naman ang kalsadang dinadaanan niya. May mangilan-ngilang dumaraang kotse o tricycle, kaya hindi na rin naman nakakatakot. Ipinasya niyang magsounds habang daan. Umistambay pa siya sa isang bench na parang hintayan ng masasakyan. May ka-chat kase siya sa facebook na bagong kakilala. Saka nag beep ang kanyang message tone sa email niya. Tiningnan niya ito agad. Galing sa


ibang kaklase niya. At yung last ay hindi niya maview ang name. Unknown ang nakalagay doon. Inuna niyang buksan ang email na hindi niya kilala kung kaninu galing.


" I'M ZYRA LOPEZ, I DIED LAST YEAR. I WAS FOUND RAPED, TORTURED, AND HANGING IN MY CLASSROOM. "

Zian smirked a little.


" And then I will die ! Lols! " Bulong pa niya sa sarili. He press again the down button.


" SEND THE E-MAIL TO YOUR 100 FRIENDS. DO NOT IGNORE OR DELETE THIS....OR YOU WILL DIE! "


 Napahagalpak ng tawa si Zian. Hindi nga siya ng naisip. " Ganu'n naman talaga ang mga chain message eh..., " aniya.


" Pero hindi ako naniniwala sa mga kalokohang ito kaya you'll be deleted! Dare me! You're dead already pa'nu ka pang makakapag e-mail? Tsk! Tsk! " Derecho niya iyong binura sa kanyang email box. Saka walang pakialam na lumipat ulit sa facebook niya. Nagsimula na rin siyang maglakad muli pabalik sa funeral chapel. Hindi pa katagalan ay nag-beep ang kanyang message alert tone sa inbox ng cellphone niya. Tiningnan nya agad ito kung kaninu nanggaling.


—ZYRA LOPEZ ang nakarehistrong pangalan.

" Huh, wala naman akong friend na ganitong name, ah? " taka niyang wika. Pero binuksan pa rin niya ang message.


" ZIAN LEYNES IGNORED THE E-MAIL AND DELETED IT, LIKE JAQY AND ANGELINE DID. THE NEXT DAY HE RUN TO THE OVERPASS AND JUMPED TO THE BUSY HI-WAY AND DIED!! "


"What the?! No! " Angal pa niya matapos mabasa ang message. Kinutuban siya ng masama. Dahil naroon ang mga pangalan nina Jaqy at Angeline na pareho ngang namatay na magkasunod. At ngayon ay siya naman!


" Ibig sabihin pareho kaming nakatanggap ng e-mail and everyone of us is haunt by the ghost...? " konklusyon niya pa sa isip.

" Hindi!!! "


Kinakabahan si Zian na hinanap ang numero nina Reymark at Aileen. He need to inform them bago pa siya mamatay o may mangyari...


Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon