" Nagpaparamdam talaga siya, maniwala kayo! " Sagot ni Reymark kay Elma saka bumaling ng harap sa manibela at medyo naasar sa mga kaibigan.
" Reymark, walang multo okey! Tinatakot mo lang ang sarili mo. " Si Aileen na noon ay abala sa pag-cellphone.
Nagkatinginan naman sina Elma at Zian. Parang wala sila sa topic ng dalawa. Saka ipinagpatulog ang pagtawa.
" Ano ba?! Stop laughing! Walang nakakatawa! Palibhasa hindi ninyo naranasan 'yung naranasan ko kagabi... " Napipikon ng saway ni Reymark kina Elma at Zian.
Si Aileen naman ay iniisip ang mga nangyari. Kung bakit magkasunod na namatay ang dalawa nilang kaibigan.
" Is it only accident or may dahilan? At ano naman iyon? Ang babaeng nagparamdam sa kanya sa dormitory nila Jaqy at Zian, sino 'yun? " Mga katanungan sa isip niya na hindi pa masagot.
" Relax lang Reymark, 'to naman 'di na ma-joke! Pinapasaya lang eh! Ang seryoso kase ninyo! " Ani Zian naman. Nabigla siya sa sinabi ng kaibigan pero inunawa nalang niya ito. Si Elma nama'y natameme nalang at hindi na nagsalita pa.
" But it's not the right time to be laughing! Nagluluksa tayo dahil sa pagkamatay nila Jaqy at Angeline, hindi nagpa-party. " Ani Reymark. Saka pina-start na ang van. Hindi naman na sumagot pa si Zian sa sinabi nito, dahil alam naman din niyang tama ang kaibigan at mali sila ni Elma sa inasal.
Sandali pa'y nasa high-way na sila. Kinawayan pa nila ang kotse kung saan nakasakay ang mga magulang ni Jaqy na ginantihan naman ng mga ito.
" Pupunta ba tayo kina Angeline? " Pagkuway tanong ni Elma sa mga kasama.
" Oo, pero dadaan muna tayo sa school to report and make some excuses para naman hindi absent ang ilagay s'tin. Beside, we really need to be there in Angeline's wake. Kaibigan niya tayo na nagmamalasakit. Kahit na ba nagkasamaan pa tayo ng loob nu'ng last na tagpo natin still siya pa rin ang kaibigan natin. She need us, same as what we did to Jaqy's wake. Sasamahan natin siyang hanggang sa mailibing, at sana wala ng susunod pa! " Sagot naman ni Aileen kasama na ang pagpapaliwanag kung bakit sila pupunta.
Tama nga naman ito. Kaibigan pa rin nila si Angeline kahit ano pang nangyari.
Ilang saglit pa'y nasa school na silang apat na magkakaibigan. Si Aileen nalang ang nagpaliwanag sa kanilang adviser na hindi muna sila makakapasok pagkat dalawa ang namatay sa kanilang magkakaibigan. Hindi naman iyon naasahan ng guro nila, kaya nabigla din ito ng malaman na pati si Angeline ay namatay sa isang aksidente. Iyon nalang ang sinabi ni Aileen para hindi na maghaba pa ang paliwanag. Pinayagan sila nito na wag na munang pumasok hanggang mailibing si Angeline. Nagbigay nalang ito ng condolences greetings para kina Jaqy, at Angeline. Hindi na nagtagal pa doon ang apat. Agad ding umalis para makapunta sa burol ni Angeline. Dumaan muna sila sa supermarket para bumili ng ilang maibibigay para mameryenda ng mga dumadating na bisita. Saka dumaan na rin sila sa dormitory kung saan naaksidente si Angeline. Naroon pa rin ang ibang mga pulis, kabilang na si Franz. Natanaw ito ni Aileen kaya pinauna na nya ang tatlo sa room ni Zian. May kukunin kase sila.
" Ahm, ikaw din di ba 'yung nag asikaso kay Jaqy? Sa friend namin? " Ani Aileen sa binatang pulis pagkalapit.
" Yes! And ito? Friend nyo rin ba siya? " Sagot naman nito sa tanung ng una, pero may kasama ding tanong.
" O-Oo! " Maikling sagot lang ni Aileen. Bago iniiwas ang tingin sa kausap.
" Really? Bakit magkasunod naman? Nakakapagtaka? " Si Franz muli, parang di makapaniwala sa narinig sa kausap. Nagkaroon tuloy siya ng mga isipin sa nangyari sa magkakaibigan.
Nakuha naman ang atensyon ni Aileen ng isang bagay na nakita niya sa may kalayuan. Walang paalam na pinuntahan niya ito, at nakitang ito ang cellphone ng kaibigan niya. Agad niya ito isinilid sa bag na dala bago pa makita ng pulis na binata na nakasunod sa kanya.
" Anong pinulot mo? " Anito pagkalapit muli sa kanya.
" Ahm, never mine! Sige salamat! I have to go! Bye! " Wala sa isip na sagot niya sa una, saka ipinasyang
iwan si Franz. Napakamot nalang ito sa batok sa ginawi ng dalaga, at sumagi na naman sa isip ang nalaman sa magkakabarkada. Hindi kase normal na magkasunod namatay ang dalawa nitong kaibigan. Parang sinadya. Parang may hindi tama. Ngunit ipinag kibit nalang iyon ng balikat ni Franz.
~
Sa bahay naman ng Tita Darling niya'y naiwan ito. Hindi pa rin ma-open nito ang cellphone na binigay ng pamangkin galing sa namatay na si Jaqy. Kahit ilang pindot pa nito sa switch botton ay ayaw pa ring gumana. Sayang lang kase maganda pa naman. Nang biglang magpatay-sindi ang ilaw kung nasaan ito. Siya lang ang tao doon ng mga sandaling 'yun.
" Tsk! Magba-brown pa 'ata! " Inis nitong wika sa sarili. Tumayo na ito sa pagkakaupo, at lumabas ng kanyang kwarto. Kukunin na niya ang flashlight para nakahanda siya kahit mamatay man ang ilaw. Subalit hahakbang na sana siya nang..
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
"ONE MESSAGE RECEIVED"
HorrorPROLOGUE It seem like an e-mail chain letter, started circulating within a group of friends in a school campus. "I'M ZYRA LOPEZ. I DIED LAST YEAR. I WAS FOUND RAPED, TORTURED, AND HANGING IN MY CLASSROOM." Jaqy smirked to herself and hit the page do...