Chapter 3

100 4 0
                                    

 Nakita ni Aileen na may mga yellow ribbon na sa paligid. Marami na ding mga pulis na naroon, at rumesponde.

"Hindi! Hindi si Jaqy ang nasagasaan please!", usal-dalangin ng dalaga habang papalapit siya sa bangkay na 'di pa ginagalaw. Nangangatog na ang kanyang tuhod, dahil sa labis na pag-aalala. Anumang oras ay maiiyak na rin ang dalaga. Parang nagpa-flashback sa kanyang isip ang masasayang sandali nila nito. Ang mga happenings, gimmick, and trippings. Nang ganap siyang makalapit nga sa bangkay ay napatakip nalang siya ng bibig. Hindi siya makahinga sa sobrang pagkahabag sa sinapit nito. Lasog man, at 'di makilala ang mukha. Pero ang damit, sapatos, at Identification nito ng nakalagay sa necktai ay nagpapatotoo, na ito nga si Jaqy, ang kanilang kaklase, at malapit niyang kaibigan.

"Hu hu hu hu! Hindi! Jaqy, bakit mo naman iyon ginawa?! Hu hu hu! Nag-ingat ka sana!! Napaka-bata mo pa, katulad ko! Huhuhu!", napa-upo si Aileen sa kalsada. Ang mga pulis ay pilit siyang inilalayo sa bangkay.

"No! Please, no! Kaibigan ko siya!", sigaw niya sa mga ito, at pagmamakaawa.

"Ms, 'di nga pwede magalaw ang bangkay. Kinukunan pa ito ng mga impormasyon. Ang funeral lang ang dapat na gumalaw dito, pagkat sila ang naka-aalam kung ano ang dapat.", paliwanag naman ng pulis sa dalaga. Ito si SPO1 Franz Revilla. Bata pa rin ito, at kasalukuyang on OJT sa kanyang pagkapulis.

"Naitawag na ba ito kina Tito?", sisinghot-singhot na tanong ni Aileen sa binatang pulis. Hindi na siya nagpumilit pa na makalapit. Babantayan nalang niya ito hanggang sa makuha ng mga taga-funeral na mag-aayos dito.

"Hindi pa po sa ngayon. Wala kase kaming makitang numero nya sa mga gamit. Pati ang cellphone niya ay wala. Pero may nakapag-sabing nakita nila ito na hawak pa ng biglang tumakbo sa kalsada at bago masagasaan."

"Ano?? Saan naman 'yun mapupunta?, Okey 'wag nyo na hanapin. Ako na lang ang tatawag kina Tito!"

"Salamat!", sagot naman ni Franz sa dalaga, at tumalikod na ito para asikasuhin pa ang mga trabaho niya.

Nang maiwan si Aileen ay saka pa lang siya tumawag sa mga magulang ng kaibigan. Nasa bisness tour ang mga ito. Labis na pighati ang kanyang narinig. Sinabi na lang nito, na uuwi agad, para sa lamay ng anak. Magpapadala nalang ito ng funeral na mag-aasikaso.

Sunod na tinawagan ni Aileen ang tatlo pa nilang kaibigan. Si Zian na noo'y naghahanda pa lang para pumasok. Napatigil ito bigla, pagkarinig sa ibinalita ng kaibigan. Naalala pa niya na kagabi ay kausap niya lang si Jaqy. Tapos ngayon malalaman niyang patay na ito.

"No! Lyn, you're only joking, 'di ba? Hindi patay si Jaqy!", malakas nang sagot ni Zian sa kabilang linya. Nang may marinig siyang mga katok sa kanya pinto. Napatingin si Zian doon, bago lumapit, at binuksan. Subalit nanlaki ang mga mata niya sa takot. Si Jaqy iyon, na naka dapa sa floor. Bali ang mga buto. Duguan, at unti-unting gumagalaw papunta sa kanya.

"Waaaaaaaah!", tanging naisigaw ni Zian bago nagdilim sa kanya ang lahat.

Nag-alala naman si Aileen para sa kaibigan. Narinig niyang sumigaw ito, bago naputol ang line, kaya nagmamadali siyang naghanda para puntahan ito sa dorm nito. Inihabilin nalang niya ang kaibigan kay Franz na kausap nya kanina lang. Binigay niya ang kanyang numero, para in case na kailangan ng magke-claim dito.

Nagmamadaling sumakay siya ng kotse. Kinontak muli ang iba pang kaibigan na sina Reymark, Elma, at Angeline.

"Guyz, magkita tayo sa dorm ni Zian. Asap!", iyon ang mensaheng ipinadala niya sa mga ito.

Pagkadating sa dorm, ay agad na pinuntahan ni Aileen ang kwarto na ukopado ng kaibigan. Nakasarado iyon, at naka-lock.

Kumatok siya dito. Pero walang nagbubukas. Nang may mahagip sa gilid ng kanyang mata si Aileen. Parang may babaeng mabilis na dumaan sa hallway kung nasaas siya. Nakaramdam din ang dalaga ng kakaibang lamig. Napakatahimik doon, at parang siya lang ang tao.

"hellow!'', tawag niya. Sabay humakbang kung saan tumungo ang babaeng nakita niya kanina. Kabado man, at


nakakaramdam na ng takot si Aileen ay mas pinili niyang sundan ang nakita niya na babae.

Saglit pa'y dinala siya ng mga paa sa exit door ng dorm. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto doon. Parang nag-eecho sa buong lugar ang bawat tunog na nililikha ng pinto, habang binubuksan niya. Lumalamig din ang temperatura na kanyang nararamdaman. May mga hikbi siyang naririnig sa loob. Minabuti ni Aileen na humakbang na papasok dito. Lalong lumakas ang mga paghikbi. Pero wala siyang makita na babae. Ang buong lugar ay napakalamig. Malakas ang hanging nagmumula sa hagdan. Napatingin siya sa bakanteng kabinet na naroon. Sa gilid nu'n ay may natanaw siyang parang damit na inililipad. Natunugan niya ring tila doon galing ang mga paghikbi. Ingat siyang humakbang patungo doon. Ayaw niyang makagawa ng anumang ingay. Nang malapit na siya'y, lalong lumakas ang mga paghikbi. At may napansin pa siya sa tinig nito. Parang 'di karaniwan. Mas malalim, na tila nagmumula sa kailaliman ng hukay. Malapit na sana siya nang may kamay na umakbay sa kanyang balikat. Halos mapatalon si Aileen sa gulat dito. Ang mga kaibigan niya pala iyon. Nagtataka ang tingin sa kanya.


"My God, Reymark, ano ba?! Papatayain ninyo ako sa nerbiyos, eh?!", bulalas na wika niya dito.


"Ha ha ha ha! Nakita ka kaya namin kanina pa. Parang seryosong-seryoso ka na may sinusundan. Kaya sumunod na rin kami sa'yo!", nakangiti namang sagot nito.

"Tawa pa kayo! Hahaha!", pilosopo namang wika agad ni Aileen sa mga ito.

"Hala, asar agad, eh!", si Zian.

"O, nandito ka pala, bakit kanina walang nagbubukas sa dorm mo?!", tanung naman ni Aileen dito.

Napakamot ito ng batok sabay ngumiti.

"Naku naman, naabutan kaya namin 'yan, nakabulagta sa may baba ng kama niya!", sabat ni Reymark.

"Hah? Ano bang nangyari kase sa'yo? Narinig kitang sumigaw sa cellphome nang kausap kita kanina?!"

"Well, let's go nalang to his room! Doon nalang tayo muna mag-usap!", si Reymark.

"Mabuti pa nga!"


Itutuloy...

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon