Chapter 6

87 3 0
                                    

 Subalit naunahan si Angeline ng takot. Nanigas ang kanyang katawan, at hindi niya maigalaw ito. Patuloy na gumalaw ang babae sa driver's seat. Lumingon ito sa kanya, at halos panawan siya ng malay-tao, at katinuan.

"Waaaaah!!", malakas niyang naisigaw.

Wasak ang kalahating mukha ng babae. Duguan ang harapang damit nito. At ang bibig ay abot ang biak sa may tenga. Ngumisi pa ito sa kanya, bago siya mabilis na nilapitan.

Lalong nakadama ng takot si Angeline. Hindi niya alam kung anu ang kanyang gagawin. Gusto niyang gumalaw, at buksan ang pinto ng taxi, subalit ayaw makisama ng kanyang katawan, sa labis na takot.

Itinaas ng babae ang kamay nito, at tangka siyang hawakan sa leeg. Napaka putla ng balat nito, at sa mga sugat ay naroon ang napakaraming uod. Amoy pa niya ang laman nito na para naaagnas na. Amoy bulok kung sa hayop. Pero wala 'ata ito pakialam. Pagkat nang mahawakan nito si Angeline sa leeg, ay mahigpit na bumaon doon ang mga kamay nito. Sinakal siya ng isang multo ng babae na hindi niya kilala kung sino. Ni hindi man lang gumalaw ang kanyang katawan para tutulan ito. Tuluyan siyang nagpasa-ilalim sa takot na kanyang nararamdaman. Ilang beses siyang kumurap-kurap, sa pagbabaka-sakali na iyon ay isang panaginip lamang. Subalit ramdam na ramdam niya ang paninikip ng kanyang paghinga. Ang hirap na paghugot ng kanyang hininga. At ang sobrang lamig na mga kamay na nakahawak sa kanya'y senyales na iyon ay hindi isang panaginip.

Totoo ang lahat. Pero nasaan ang driver na nakita niya kanina lang? Naitanung pa, ni Angeline sa sarili sa gitna ng kanyang sitwasyon. Nang biglang makarinig siya ng tunog ng mga sasakyan. At parang gumagalaw na ang kanyang kinauupuan. Biglang napa ayos ng upo si Angeline, at napagtanto niyang nasa taxi pa rin siya. Bumibyahe pauwi. Nakaidlip pala siya ng 'di niya namamalayan. Ipinilig-pilig pa niya ang kanyang ulo para maiwaksi ang masamang panaginip na iyon. Akala niya'y katapusan na niya kanina. Isang panaginip lang lang pala ang lahat.

Medyo hinamig ni Angeline ang sarili, para magising ng tuluyan ang kanyang isipan.

Late night na rin kase iyon. Naalala pa niya ang cellphone na hawak. Nawawala ito sa kanyang kamay. Hinagilap niya ang kanyang bag na dala, subalit wala din doon ng tingnan niya.

"Tsk! Nasaan ba 'yun?! Hawak ko lang kanina 'yun, ah?!", irita niyang bulong sa sarili. Madilim sa loob ng taxi, kaya 'di niya maaninaw ang upuan man lang. Kinapa niya lang ang kanyang bag nang tingnan doon ang kanyang cellphone. Nag-aalala na siya. Sayang pa naman iyon, at kailan lang niya binili. Nakita pa niya na pumasok ang sinasakyan niyang taxi sa kanilang subdivision. Ibig sabihin malapit na siyang bumaba, pero 'di pa rin niya makita ang kanyang cellphone.

"badtrip naman, oh! Tsss!", ani Angeline. Pinipigil lang ang pagka-inis.

"Waaah! Oh, my God!! Nakalimutan ko ang car ko! Hindi ko na nadaan sa dormitory nila Zian naka-park! Anu sasabihin ko kina Papa?! Wah! Magagalit 'yun!!", naalala nyang bigla ang kanyang sasakyan. Subalit natatanaw na niya ang kanilang bahay. Nakakahiya naman kung papa-balikin pa niya ang taxi driver, para lang ihatid ulit siya nito sa dormitory nila Zian.

Idagdag pa ang cellphone nyang nawawala.

"Manong, paki bukas naman po ilaw ninyo dito sa loob ng taxi nyo. Nawawala kase ang cellphone ko. Titingnan ko lang kung nahulog!", pakiusap ni Angeline sa driver. Kusa naman ito sumunod ng tahimik sa kanya. Nagliwanag nga ng malamlam na ilaw. Sapat para makita niya ang pinaka sahig ng taxi. Yumukod si Angeline para hanapin ang kanyang cellphone, at hindi naman siya nagkamali. Nakita nga niya ito. Inabot ng kamay niya, at nauna nang tumaas ang kanyang ulo.

Nahawakan niya ang kanyang cellphone, at tangkang itataas na rin sana ang kanyang mga kamay ng biglang may kamay mula sa ilalim ang pumigil sa kanyang mga kamay.

"Waaaah!!", naisigaw ni Angeline sa pagkagulat. Sobrang lamig pa niyon, at nanuot sa kanyang laman. Pinilit na hilahin ni Angeline ang kanyang mga kamay.


Nagbalik siya sa reyalidad, at totoo talaga ang nangyayari.

"M-Manong! Tulungan n'yo ako! Ang kamay ko, may humawak dito sa ilalim ng upuan nitong taxi mo!", pag hingi ng tulong ni Angeline.

"Ano bang kamay ang sinasabi mo?!", malalim na boses na sagot sa kanya. At nadinig nya iyon sa kanyang tabi lang.

Nag angat ng paningin si Angeline, at du'n pa lang niya nahila ang kanyang kamay hawak ang kanyang celphone. Pagtingin niya sa kung sinu ang nagsalita'y halos mapatalon siya sa upuan. Iyon na naman kase ang babae kanina. Nakangisi ito, at labas ang nabubulok ng ngipin at gilagid. Napakadumi din ng suot nitong puting damit.

Lumakas na naman ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi na niya kaya pang tagalan ang ganitong tanawin. Nang bigla siyang dakmain nito sa leeg. Napasigaw siya, subalit walang boses na lumabas sa kanya.

Nasundan pa iyon, pero tila isip lang niya ang sumisigaw, hindi ang mismong bibig niya.

Nang may marinig siya busina. Napakisap ng mata si Angeline, at parang bulang naglaho ang multo ng babae kaninang sumasakal sa kanya.

"Ma'am, andito na po, tayo!", anunsyo ng driver kay Angeline, sabay lumingon ito sa gawi niya.

Umayos naman ng tayo si Angeline. At tahimik na kumuha ng bayad para dito. Quarter to twelve na iyon ng gabi ng makauwi siya. Ayaw niyang paniwalaan ang lahat ng nangyari kanina sa taxi. Malamang bunga lang iyon ng kanyang guni-guni. Pero sa isang sulok ng isip niya'y may sumisigaw na mag ingat siya. Isang babala iyon para kay Angeline na hindi niya pinaniwalaan.

Balik sa normal ang lahat. Pagkapasok niya ng kanilang bahay ay napaka tahimik na. Senyales na tulog ng lahat ang tao doon. Nawala na rin ang takot kay Angeline. May headphone pa siya sa tenga, at kakanta-kanta na nagderecho sa kanyang kwarto.

"Walang multo, anj! Panaginip mo lang 'yun!", pagkausap niya sa sarili. Naroon na kase siya sa banyo. Nakatingin sa salamin.

"Oo, wala talaga! Di ba, hindi ako naniniwala! Hmp! Kaya bakit ako matatakot!", huling hirit pa niya, kasabay nang paghubad sa kanyang damit.

Naligo lang siya't nagpatuyo ng buhok. Madalian lang niya iyon ginawa, dahil antok na rin kase siya. Tuluyan na niyang nalimutan ang nangyaring kakaiba sa taxi, at ang mensaheng na-received niya't binalewala.

Hindi na rin niya namalayan kung anung oras siya nakatulog.

Lumipas ang mahabang oras na katahimikan sa kwarto ni Angeline. Nang biglang pumasok ang malamig na hangin sa kanyang bintana. Inililipad-lipad nito ang kurtina, at isang pares ng matang galit na galit ang naroon makikita, habang nakatingin sa mahimbing na natutulog na si Angeline.

~

Ang magkakaibigan namang naiwan sa chapel para bantayan ang lamay ng kaibigan nilang si Aileen ay malapit na ring igupo ng antok. Dagdag pa, ang malamig na temperatura sa loob, dahil centralized ang aircon doon. Naka-sandal ang ulo ni Elma sa balikat ni Zian. Malapit na itong makatulog. Si Reymark naman ay tumayo, at nag inat. Sila na lang kase ang natira doon. Ang mga dumalaw kanina'y nagsi-uwian din. Lumapit si Reymark kay Zian na nakapikit na rin, at tinapik ito.

"O, bakit?", tanung nito na napamulat.

"Magbanyo lang ako.... Huwag kayo matulog, at baka dumating ang parents ni Lyn, anytime ngayong madaling araw."

"Eh, ang antok kaya?!", angal ni Zian.

"Magkape nalang. Hindi ba sabi nyo babantayan natin? O,eh, walang matutulog dapat!"

"Oo, nah! Naka idlip naman ako ng konti! Sige ako na muna bahala. Magbanyo kana!"

"good!"

Iniwan na ni Reymark ang mga kaibigan.

Paglabas niya ng chapel ay katahimikan ang sumalubong sa kanya. Sinilip niya amg kanyang pambisig na relo. Qwarter to three na ng madaling araw iyon. Mahabang corridor ang lalakaran pa ni Reymark, bago makarating sa elevator. Nasa 3rd floor kase sila, at ang banyo, ay nasa ground floor ng funeral. May kadiliman, kaya naman binilisan ni Reymark ang..


itutuloy. . .

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon