Chapter 4

95 4 0
                                    

 Nauna nang lumakad ang mga kaibigan ni Aileen. Nagpahuli pa siya pagkat hindi si mapakali na hindi makita ang kanina'y naririnig nyang iyak ng isang babae. Malapit na siya sa may kabinet ng dalawang kamay na duguan ang humawak sa tabi ng cabinet. Napalundag siya sa pagka-gulat. Kasabay na malakas na kaba sa kanyang dibdib. Napaurong siya ng hakbang pagkat unti-unti nang nalalantad sa kanya ang may ari ng mga kamay na duguan na 'yun. Walang iba kundi ang kanyang kaibigan na si Jaqy. Wasak ang bungo nito. Naka-labas ang mga mata. Ang katawan nito'y parang gumagapang sa sahig papunta sa kanya. Hindi alam ni Aileen kung anong gagawin. Parang ang kanyang mga paa'y hindi niya maigalaw. Pati na ang kanyang boses ay tila nawala, at 'di nya mahagilap. Papalapit na ito nang papalapit sa kanyan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na hawak. Nagulat ulit siya doon, at mistulang bumalik ang lahat. Ang kanyang boses, at paggalaw. Nakahinga siya nang maluwag doon. Pero nang tingnan niya si Jaqy ay wala na ito doon. Kahit nanginginig ang kanyang tuhod ay pinilit na nyang lumabas doon, at sundan ang mga kaibigan. Pagbukas naman nya ng pinto'y naroon pa si Elma.

"Waaaaah!", malakas nyang naisigaw. Kasabay din si Elma na napasigaw.

"Waaaaah!"

Naglabasan naman ang magkakaibigan sa kwarto ni Zian.

"Guys, ano 'yon?!", kanya-kanya nila tanung. At nang makalabas, ay naabutan nila ang dalawa na nagtatawanan. Sina Aileen, at Elma.

"Anyare?!", banat na tanong agad ni Franz sa dalawa.

"Hay naku wala! Tayo nah! Balik na tayo sa room ni Zian!", si Elma. Nameywang pa ito at naunang lumakad na.

Napailing na lang si Aileen. Nawala ang kaninang takot niya. Pero naiwan sa kanyang isipan ang katanungang, ''Bakit nagpakita sa kanya ang kaibigan? Ano ang nais nitong iparating?"

parang nararamdaman niya ang aura nito. Pero binalewala na lang niya ito. Baka kase matakot ang kanyang iba pang mga kaibigan. Nakakaramdam kase siya ng mga spirits.

Pagkapasok pa lang ng magkakaibigan sa room ni Zian ay isinara agad ang pinto. Dumerecho sa mini kitchen si Reymark para maghanda ng meryenda nila. Sanay na kase ito doon. Chinito ang mga mata nito na bumagay sa complexion nito na maputi. Bagsak ang buhok nito na parang pina-rebond. Mahaba kase 'yun at alaga nito. Kahit na lalaki ay 'di nakabawas iyon sa kanyang sex appeal. Maganda ang pangangatawan nito, dahil na din sa alaga sa fitness exercise lagi. Mahahalata mo talagang mayaman ang pamilya nito sa tingin pa lang. Pati na ang damit nito na puro signature ang tatak ay nagpapatunay kung gaano kayaman ito. Sina Aileen, at Elma naman ay naupo sa nag-iisang sofa sa kwarto ni Zian. Nag-share nalang ang dalawa dito. May hawig ang mga ito kung titingnan mo. Maikli lang ang buhok ni Elma. Hanggang upper shoulder lang ito. Samantalang kay Aileen ay lagpas balikat. Malamlam ang mga mata ng dalawang babae na 'to sa barkada. Kaya lang si Aileen ay nakasalamin ng makapak. Nerd looks, kumpara kay Elma na in ang style ng pananamit nito. Laging daring ang ang mga suot, at may pagka-spoiled brat. May kaitiman ang skin tone ni Elma sa barkada. Pero makinis naman 'yun, at makurbang katawan. Minsan maarte talaga ito. Kabaliktaran ni Aileen na tahimik at seryoso.

Si Angeline naman ay sa kama pumuwesto. Nahiga pa ito doon, na parang nasa bahay lang. Pinaka-bata ito sa barkada. Malambing, at napaka masayahin. Pero minsan tinutopak din ng pagka-suplada. Lalo na pag napapag-tripan na asarin ng dalawang lalaki sa barkada. Si Zian, at Reymark. Maputi din ito, at di patatalo ang angking ganda na namana sa mga magulang na galing din talaga sa mayamang pamilya.

"So, guys! Ano nang plano nyo? Panimula nang usapan ni Aileen. Wala kaseng nagsasalita kanina pa sa kanila. Nanatiling tahimik ang lahat, matapos mailapag ni Reymark ang juice, at cake sa maliit na mesa. Walang nagtangkang kumuha man lang. Lahat tulala, at malalim ang iniisip.


Nabigla kase sila sa bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang nila nakasama si Jaqy, pero ngayon ay wala na ito, at sa isang nakakapangilabot pang pangyayari na kahit sino'y hindi gugustuhin.

"Punta ba tayo sa wake nya?", tanong pa muli ni Aileen sa mga kaibigan.

"Oo naman, Lyn!", si Elma.

"Pero ano ba talagang nangyari kay Jaqy?", usisa na tanong naman ni Reymark.

"Hello, Mark! Ba't parang wala kang alam d'yan? Tss!", paninita ni Elma sa kaibigang lalaki. Medyo nainis kase sya dito, pakiramdam niya'y wala ito sa barkada para magtanung pa kung ano ang nangyari kay Jaqy. Gayo'ng kasama naman nila ito kanina sa harap ng eskwelahan nila na tiningnan ang kaibigan nilang ni hindi pa nagagalaw nang mamatay ito. Labis talaga silang nasaktan, at hindi kaagad natanggap ang nangyari dito. Pero nagdudumilat talaga sa kanila ang katotohanan.

"No, I mean, hindi naman nya magagawang tumawid dahil may dumadaang truck. Unless may mali, or may nagtulak sa kanya para makatawid agad, at abutan ng rumaragasang sasakyan na parating. And think this guys, ha, nawawala ang cellphone ni Jaqy, which means may foul play ang nangyari sa kanya!", paliwanag naman ni Reymark sa barkada. Ibinahagi nya lang ang kanyang mga kuro-koro sa mga ito. Hindi nga naman kapani-paniwala ang nangyari kay Jaqy. Kahit anung isip nila'y hindi 'yun magagawa ng kaibigan nila, pagkat may sapat naman itong kaalaman. Isa pa malinaw ang mga mata nito, at pandinig para gawin na lang basta ang ikamamatay nito.

"Yeah, 'yan din ang nasa isip ko, Mark! Pero wala tayo du'n nang mangyari mismo ang aksidente!", si Aileen 'yun. Nakuha ang atensyon nya sa mga sinabi ni Reymark.

"Teka! Pwede bang 'wag na natin muna pag-usapan ang nangyari kay Jaqy. Let's respect her wake muna guys, please. Huwag muna ngayon. Palipasin na muna natin ang kanyang burol, at libing. And besides wala na rin naman tayo magagawa pa. Nangyari na ang lahat, at sa malao't madali, aksidente lang talaga ang kalalabasan ng lahat.", si Elma. Naintindihan nya ang mga kaibigan pero mas tamang igalang muna nila ito.


Itutuloy...

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon