Chapter 8

66 4 0
                                    

 Subalit napakalakas na ng busina ng isang van sa kanyang likuran. Iiwas pa sana si Angeline dito, ngunit 'di na niya nagawang maka-galaw pa, sapagkat biglang may humawak sa kanyang kamay. Napaka lamig niyon, at tila naaagnas na. Hindi agad siya nakahuma sa pagka bigla. At huli na ang lahat. Lumapat na sa katawan ni Angeline ang unahang bahagi ng van na mabilis ang pagpapatakbo ng driver. Napatilapon ang katawan ni Angeline sa gater ng kalsada. Ang ilang nakasaksi ay nagulat din sa nangyari, pero wala na silang nagawa pa.

Nagka-bali-bali ang buto sa katawan, at pumutok ang ulo nito na tumama sa semento. Mulat pa ang mga mata ni Angeline na binawian ng buhay.

Ilang sandali pa'y may mga pulis na sa lugar, at ambulansya. Ang lahat ay pawang aksidente ang nangyari. Subalit ang katotohanan ay nakakubli.

~

" Saan galing ang cellphone na 'yan Franz? " Ani tita nito sa kanya.

" Ewan ko tita, napulot ko lang 'yan! "

" Iba ang pakiramdam ko dyan. Parang may negatibong enerhiya na bumabalot. "

Si Franz ang pulis na unang nag imbestiga sa kaso ng pagkamatay ni Jaqy. At ang cellphone na 'yun ay sa huli.

Nakita niya ito ilang dipa sa katawan nito, napatilapon iyon sa mga halamanan. At imbes na ibigay niya, at ireport sa mga kasama ay kinuha niya ito. Pagkat natukso siya. Maganda kase ang unit nito. Pinaka latest model ng iphone, kaya naman palihin nya lang ito na tinago at iniuwi.

Ang Tita Darling niya na isang medium ay nakakaramdam ng mga kakaibang inerhiya. Mula sa mga bagay at lugar na may 'di pangkaraniwan.

" Sige, po tita, matutulog muna ako! Sa inyo na 'yan. Bigay ko! " Muling baling ni Franz sa kanyang tita. Saglit kase siyang nanuod ng balita sa telebisyon.

" Talaga? Di ka nagbibiro? " Ani nito, na parang di makapaniwala.

" Ou naman po. Bago pa naman phone ko. Kaya di ko yang kailangan. Nagandahan lang po kase ako. "

" O, di sige, wala nang bawian , ha?! "

Sumenyas lang ng pagsang-ayon si Franz dito, at nagtuloy na sa kwarto na inuokupa nito.Naiwan ang Tita Darling ni Franz sa sala. Patuloy nitong tiningnan, at binuksan ang cellphone na binigay dito ni Franz. Wala sa loob na napangiti pa ito sa sarili. Ang ganda pa kase nito, at mukhang kabibili lang.

" Mmmmmhm, papalitan na kita ng simcard! Teka, kunin ko muna ang cellphone ko sa kwarto... " Pagkausap sa sarili ni Darling. Saka tumayo ito, at iniwan nalang basta sa sofa na inuupuan ang cellphone na bigay ni Franz. Wala sa loob itong pumunta sa kanyang kwarto. Kumakanta pa ng paborito nitong awit.

" Mmmmmmhmm, yeah... And I.... Found the very special love in you, and, mmmmhm, mmmhm... "

Matandang dalaga si Darling. Kapatid ito ng papa ni Franz. At ito na ang nagpalaki sa pamangkin dahil maagang namatay ang mga magulang nito. Mataas ito na may kaputian. Mahilig sa mga super powers, at anting. Kaya naman katagalan naging isang medium na ito. Pero hindi ganu'n kahusay. Minsan totoo, madalas pumapalpak ito sa mga pasyente nito na nagpapakunsulta.

~

Na-shock ang magkakaibigan sa nakarating na balita sa kanila. Ang kaibigan nilang si Angeline ay namatay na din. Ayun sa mga magulang nito na nakausap ni Zian nu'ng tumawag siya sa bahay nito.

Naroon sila sa funeral parade ni Jaqy, dahil ililibing na ito. Kadarating lang nga magulang nito, at inasikaso na nga agad ang pagpapalibing. Hindi iniwan ng magbabarkada iyon hanggat hindi natatapos.

" Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng takot! Aksidente lang ba ang pagkamatay nilang dalawa, o may dahilan? " Simula ni Aileen. Nagtipon muna sila sa van ni Reymark. Katatapos lang ng seremonya at paglilibing sa kaibigan nilang si Jaqy.

" Same, Aileen! Natatakot ako na baka isa na naman s'tin ang sumunod! " Segunda ni Elma. Iniyakap pa ang sariling braso sa katawan.

" Look guys, 'wag tayo masyado mag negative ng iniisip. Baka by accident lang ang nangyari?! Chill! Relax! " Si Zian. Aminado ito na natatakot din sa nangyari, pero nilalakasan ang loob para sa mga kaibigan.

Nanatili namang tahimik, at walang kibo si Reymark sa manibela ng van. Nakatanaw sa malayo at tila may iniisip na malalim.


Natatandaan kase niya nu'ng madaling araw na naghahanap siya ng banyo. Narinig niyang umiiyak sa dilim si Angeline. Subalit malalim ang boses nito. " Hindi kaya? " Biglang kinilabutan sa isipin si Reymark. Ayaw niyang yun nga ang nangyari nu'n. Pero nagtugma ito sa pagkamatay nito nung umaga din ng araw na iyon.

May naramdamang pagkalabit si Reymark sa likuran niya, kaya nakabalik siya sa reyalidad. Nilingon niya ito, at halos mapasigaw siya sa takot. Tumambad kase sa kanyan ang duguang mukha ng kanyang kaibigan na si Angeline. Galit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Maputla ang labi, at balat. Maging ang suot nito damit ay puro dugo din.

" Aaaaaaaaaahhhhhhh! " Naisigaw ni Reymark. Gumalaw na kasi ito at susugurin siya. Ngunit mga kamay sa kanyang balikat ang naramdaman niya, at inalog siyang pilit. Sabay may malakas na nagtawanan.

Pupungas-pungas na nagmulat si Reymark na mga mata.

" hahahaha! Anyare sa'yo 'tol, huh? Langya tinulugan mo na kami, eh! Nag uusap pa, tapos iniwan mo kami! " Ani Zian. Tatawa-tawa pa ito, dahil sa itsura ng kaibigan niyang si Reymark. Gulo kase ang buhok nito, at parang takot na takot pa sa sarili.

" Tsk! Tsk! Si kuya Reymark talaga oh, kahit kelan. Hahaha! " Ani Elma naman na nalilibang sa pagtingin dito.

Umiling lamang si Aileen, at nagkibit ng balikat, saka umayos ng upo sa van.

" Nakita n'yo ba siya guys?! Andito siya! Nakita ko! " Nasabi nalang bigla ni Reymark sa mga ito.

" Teka, sino nandito, 'tol, huh?! " Sagot agad ni Reymark na nakuha ang interes sa sinabi ng kaibigan.

" S-Si...S-Si G-Gel...- " Nauutal na sagot nito. Pero naputol din, at biglang nanlaki ang mga mata nakita sa likod na upuan ng mga kaibigan.

Natakot na din si Elma, at biglang tumayo sa inuupuan. Sumugod ito sa pwesto ni Aileen sa unahang upuan ng van, at nagsumiksik.

" Kuya naman, wag kang manakot dyan....

Itutuloy...

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon