Chapter 2

122 6 0
                                    

 Pero nakapagtatakang nawala na agad ito. Luminga si Jaqy sa paligid. Tinitingnan kung mahahagip pa niya ng tingin taong dumaan kanina lang. Ngunit wala na, at tahimik na ang buong lansangan.


Ipinag-kibit iyon ng balikat ni Jaqy. Inisip niyang baka nagmamadali lang iyon, o namalik-mata lang siya. Bigla ding sumagi sa isip niya ang panaginip kagabi. Ewan niya, pero parang may mali talagang nangyari, eh!. Napailing na lang siya, kahit ano kaseng isip niya'y 'di talaga niya matandaan ang lahat ng ginawa niya kagabi.


Sa hi-way, maingat na nagmaneho si Jaqy ng kanyang kotse. Medyo may kalayuan pa kase ang pinapasukan niyang school. Tipikal na maputi ang kutis nito. Katulad ng mga mayayamang ka-level niya. Hindi din pahuhuli ang kanyang styles outfit. Updated iyon sa uso. Maging ang mga gadgets nito'y kumpleto rin.

Bilugan ang mata nito. Impis ang pisnge, na parang isang koreana. Straight ang buhok with bangs. Ang kulay niyon ay medyo light brown na kaka-salon nya lang ng nagdaang linggo.


Pagdating sa school ay ipi-nark na muna niya ang dalang kotse sa nakahiwalay na building. Pinasadya talaga iyon ng school para sa mga student na may sasakyan, katulad niya. From there, kailang pa niyang lakarin at tumawid sa kalsada para makapasok sa school mismo nila. Mangilan-ngilan pa lamang ang mga studyante na nakakasabayan niya, dahil maaga pa naman. Habang naglalakad ay panay ang pindot niya sa kanyang cellphone. Naga check kase siya ng mga emails through website niya. Nang may nahagip ang kanyang paningin sa gilid ng kanyang mga mata. Napatigil siya bigla, at kumabog ang kanyang dibdib. Hindi siya maaring magkamali. Ang multo ngayon na nakikita niya sa kanyang tagiliran lang ay ang multo na nakita niya sa panaginip. Mangali-ngaling tumakbo na siya pero 'di niya magawang humakbang. Na-estatwa na siya sa kinatatayuan. Saglit pa'y gumalaw na ito. Palapit sa kanya sa mahinang paghakbang. Pati ang boses ni Jaqy ay tila nawalang bigla. Labis na takot na ang naghahari sa kanyang dibdib. Gusto na niyang mawalan ng malay, pero ayaw makisama ng kanyang pakiramdam. Parang mas pinapanigan pa nito ang multo, na ngayon ay papalapit na sa kanya. Parang siya din lang ang nakakakita dito.


Lumipas ang ilang sandali, malapit na ito sa kanya. At himala namang nakisama ang kanyang mga paa. 


Napa-atras siya ng lakad. Hindi pa gaano matibay ang kanyang tuhod, sanhi ng nararamdaman niyang takot.

"Waaaaaaag! Lumayo kaaaaa!", himalang naisigaw niya. At kasabay noo'y hamakbang na ng paatras si Jaqy. Wala na siyang pakialam sa paligid niya. Basta ang importante sa kanya'y ang makalayo sa multo ng babaeng paulit-ulit na nagpapakita sa kanya. Mula pa kagabi. Maging sa kanyang panaginip. Tinakbo ni Jaqy ang layo ng gate mula sa kanyang kinaroroonan. Nakaagaw siya ng pansin sa ilang studyante na kasabayan niya, at nakatigil sa tabi ng kalsada pagkat marami pang dumadaang sasakyan. Derecho si Jaqy na tumakbo doon. Kasabay ng sigawan, at hiyawan ng mga nakakita.


"Maaaay truuucccckk!!''

"Pigilaaaaan nyoooo!"

Pero wala silang nagawa, dahil sa bilis ng mga pangyayari. Para silang nanood lang ng live road accident. Tumilapon sa ilang metro ang katawan ni Jaqy. Huli na nakapag preno ang driver ng truck, lumapat na ito sa katawan ng dalaga, at ang lakas ng impact nito doon. Basag ang ulo nito. Lasog ang katawan, at 'di makilala. Karumal-dumal ang nangyaring iyon. Maraming nakasaksi. Saglit pa'y parang may shooting na sa pinangyarihan ng krimen. Hindi na mahulugang karayom sa dami ng studyante na nakiki-usyuso.Ang iba ay naawa, nandiri, nasuka, at sobrang natakot sa bangkay.


Nang dumating ang mga pulis,ay nagsialisan na rin ang maraming studyante doon.


Mabilis kumalat ang balita, at ang kaibigan at kaklase ni Jaqy na si Aileen ay hindi makapaniwala sa narinig. Lumabas din siya ng school campus para makasigurado. May mga yellow ribbon na doon...


Itutuloy...

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon