Chapter 5

92 6 0
                                    

 "Tama si Elma guys, saka na lang natin isipin ang nangyari!", pagsang-ayon ni Zian. Nagkatinginan din ang lahat at nagsitanguan sa isa't-isa. Makikita sa mga mata nila ang labis na dalamhati para sa kaibigang namatay.

Saglit pa'y papunta na sila sa chapel kung saan naka burol na si Jaqy. Isang sasakyan nalang ang dinala nila. Ang mini van ni Reymark. Tamang-tama lang 'yun para sa kanilang lima, at ngayon ay luwag na din dahil wala na ang isa nilang kaibigan.

Dumaan muna sila sa flower shop, at nagpagawa ng bulaklak para sa patay na kaibigan. Namili din ang barkada ng mga juice, candies, and biscuits para ambag nila dito.


Kahit na alam nilang marami rin naman doon. Tinawagan ni Aileen ang mga magulang ni ng kaibigan. Wala pa ang mga ito sa bansa. Pero pauwi na din naman. Ipinaalam niya na sila na muna ang mag-aasikaso sa lamay ng kaibigan. Hindi din naman sila matatahimik, o makakapag-aral ng maayos hanggang pinaglalamayan pa ito.

Mag-aalas singko na ng hapon ng makarating ang barkada sa chapel. Kunti pa lang ang mga naroong tao. Ang ilan ay staff lang ng funeral parlor. Binabantayan nila ito. Pagkat nagpasabi na din ang mga magulang ni Jaqy na mahuhuli ng dating. Tinulungan sila nito na ibaba sa sasakyan ang mga dala nila. Si Aileen ay nauna nang pumunta sa harap ng kabaong ng kaibigan. Hindi ito kita sa salamin, pagkat nakasara din 'yun.

Nagtatanung na tiningnan nya ang nasa malapit na crew ng funeral. Napatigil din ito sa ginagawa.

"Ah, ma'am kase di na po talaga maayos ang bangkay. Kahit tahiin pa ito. Mas makabubuti po na close coffin ang paglagyan sa kanya.", anito. Nag-aatubili man ay nagawa pa rin nito na sumagot.

"ganu'n ba? Okey, pasensya kana. Nais ko lang kase syang makita. Pero kung ganyan na nga talaga. Ayos lang.", si Aileen. Malungkot ang tinig nito at may kahinaan. Kahit anung pagpipigil niyang hindi maiyak ay kusa pa ring tumulo ang mga luha nya.

Eksakto namang nagsilapitan na rin sina Zian, Reymark, Elma, at Angeline.


"Lyn, tama na! Hindi matatahimik si Jaqy nyan, kung makita nya tayong malungkot para sa kanya. Isipin na lang natin na may plano ang Diyos para sa kanya.", ani Elma. Habang hinahawakan ang kamay ng kaibigan. Nasa harap na silang lahat ngayon ng kabaong ni Jaqy.

"Hindi ko matanggap, Elma! Bakit sya pang kaibigan natin?"


"Ssssh! Halika nga muna. Maupo tayo.", si Reymark. Inakay si Aileen sa unahang upuan lang malapit pa rin sa kabaong. Binigyan nya ng panyo ang kaibigan na umiiyak ng labis. Sina Zian, at Angeline ay tahimik ding naupo. Walang gusto magsalita sa mga ito. Naiwan si Elma sa harap ng kabaong ng kaibigan nyang si Jaqy. Sandali nyang kinausap ito sa isip, at nag-alay ng panalangin para dito. Ipinagpasa-Diyos nalang nya ang kaibigan dahil mas makabubuti iyon dito.

Habang sina Aileen, at Reymark ay magkatabi. Pinapakalma ni Reymark si Aileen. Kilala nya ang kaibigan. Iyakin talaga ito, at maramdamin. Kaya hangga't maari ay kailangan nito ng magpapa lakas ng loob dito.


Lumipas ang apat na oras na nanatili silang lima sa chapel. May mangilan-ngilang dumadating, pero hindi lumalagi doon. Umaalis din agad. Siguro'y sumaglit lang talaga para makilamay ang mga ito.

"Huh, guys' its so boring here! Di pa ba tayo aalis?", si Angeline. Tumayo ito sa pagkaka upo at nag-unat ng katawan. Naka semi sleeveless blouse ito na purple color. Hangging ang style nu'n kaya't nang mag-taas ito ng kamay, lumabas din ang tiyan nito.


"Angie! Ayusin mo nga 'yang ginagawa mo! Kita na, oh!", si Elma. Pinandilatan nito ng mata ang kaibigan dahil sa ginawi nito.

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon