Kabanata 7

17.4K 464 19
                                    


"Are you okay?"

Napaigtad ako nang may magsalita. Napatingin ako sa kama ni Lake.

"Yes..." mahinang sagot ko.

"You don't look like one, Haines. You've been staring at the door for two hours now."

"H-Ha?" Napakurap-kurap ako. "Totoo ba?"

"Yes, I can understand Tagalog." Umirap siya.

"Oh, s-sorry. I forgot. But don't mind me. I'm fine."

"You sure? You're not usually like that. I mean yes, you're always slow. You hardly pick up and understand things easily but today, it's tripled. You know what I mean?"

Tumango ako. Tama naman siya. Sobrang hina ko sa mga bagay-bagay. Palagi akong mahina at kailanman ay hindi naging matatag.

Gaya kagabi. Hindi ako naka-hindi sa sinabi ni Mr. Bonneville. Hindi ko rin naitanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang hindi na ako single.

Pagkatapos niya iyong sabihin ay iniwan niya akong mag-isa sa kwarto at hindi na bumalik pa. Kaninang umaga ay hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita.

Ngayon, gabi na lang, hindi ko pa rin siya nakikita. Wala rin ang ibang body guards sa labas. Kaunti na lang ang natira.

"I think you need rest, Haines."

Napatingin ulit ako kay Lake sa sinabi niya.

"What's that? I don't know what's rest anymore. Ever since I started working for Mr. Bonneville, I don't know what's rest anymore," biro ko na may kasamang katotohanan.

Simula no'ng dumating kami dito sa France, wala.pa akong maayos na tulog. Lalo na kagabi. Hindi nga yata ako nakatulog kahit kaunti, e. Dahil 'yon sa sinabi ni Mr. Bonneville.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Lake sa sinabi ko. Ngumisi lang ako sa kaniya pero nawala rin kaagad nang marinig ko ang sinabi niya.

"You know, Haines, I really like you."

Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinuupuan ko. Tanging mata ko lang ang nagalaw ko dahil umiwas kaagad ako ng tingin.

"Oh, why did you become silent all of a sudden?" Tumawa siya. "Can't I like you? Or you have a boyfriend perhaps?"

"No, I don't have a —"

Natigil ako nang biglang nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Mr. Bonneville.

"And today is also the last day that you are single."

Mabilis akong tumayo at hindi mapakaling tumingin sa kaniya.

"I-I need to go," mabilis na sabi ko bago tumalikod at tinungo ang pinto.

"Haines—"

Binuksan ko na ang pinto at tumakbo palayo. Palayp sa lalaking walang habas na umamin sa akin ngayon lang.

Kaninang umaga ay sinuyod ko ang mansion kaya alam ko na ang mga daanan dito.

Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa harden sa likod nang mansion na may isang malaking kahoy at may duyan. Duyan na hindi ko maipaliwanag kung bakit ipinagawa.

Maliban sa nasa likod ito ay mukha rin itong hindi nagagamit. Bakit pa ipinagawa kung hindi gagamitin?

Gabi na at tahimik na rito. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mga huni nang iba't-ibang maliliit na insekto.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon