Kanina pa ako hindi umiimik dahil sa hiya. Daegan heard us. Narinig niya kaming nagtatalo sa kung ano ang totoong relasyon nila ng babaeng kasama niya.
Ano na lang ang iisipin niya? That we are gossiping about him? I mean yes we really are. Pero baka iniisip na niya na bina-backstab namin siya.
Nag-uusap sila ni Mama at Jaines. Lake's here as well.
Hindi na napag-usapan ang babaeng kasama niya kanina dahil walang maglakas loob na mag-open.
"Okay ka lang?" bulong na tanong ni Lake na inilapit pa ang bahagya ang mukha sa akin.
Napatingin ako sa kaniya at lumapit rin ng bahagya. "Oo naman. Ikaw ba?"
"Oo rin. Okay ako." Tumango siya. "Bata ba 'yang girlfriend ni Jaines? Bakit ang liit?"
Nakagat ko ang labi ko. Pinandilatan ko siya ng mata sa sinabi niya.
"Graduate na nga 'yan ng college, e. Maliit lang pero mabait. 'Yon ang mahalaga."
Natatawa ako sa ginagawa namin. Nag-uusap silang lahat maliban sa amin ni Lake na may sariling mundo at nagbubulong-bulongan lang.
Si Lake kasi, e. Ang kulit. At talagang nilait pa ang height ni Petal.
Nabalik at napaupo kami ng maayos ni Lake ng malakas na tumikhim si Daegan. Natatawa pa si Lake at nilalabanan lang.
"As I was saying, Tita, hindi ko siya girlfriend. She's my friend. Doctor rin siya."
Bahagyang nanlaki ang mata ko. Nag-uusap na pala sila tungkol sa babae.
"Who?" sabat ni Lake. Hindi talaga matahimik ang chismoso side niya.
"Garnet," sagot ni Daegan sa kapatid. "Akala nila girlfriend ko siya."
"Oh, Garnet. That fine lady," walang hiya-hiyang sumipol si Lake at ngumiti na animo'y nakikita si Garnet dito.
Maliban sa chismoso ay chickboy rin pala itong taong 'to. Masabihan nga mamaya ng hindi makapanakit ng babae.
"Kung gano'n ay ano ang inyong ginagawa rito, hijo? Nakita kasi namin kayo kanina na magkasama."
Itong si Mama rin, kung makapagtanong. Pero aaminin kong pabor sa akin ang pagtatanong ni Mama. Hindi ko kasi siya matanong kasi bakit ko naman siya tatanungin, 'di ba?
Wala namang kami.
"Nagpapasama lang po siyang bumili ng damit. Umayaw nga sana ako kaso nagpumilit at natatakot raw siya mag-isa."
Huminga ako ng malalim. Ayokong magkasala at mag-isip ng masama.
Si Jaines ay napahagikgik at sinaway kaagad ni Petal.
"Man, sana ako na lang ang sinabihan mo. I'm free."
"I told her pero ayaw niya."
Tama si Mama. Mukhang may gusto nga 'yong Garnet kay Daegan. Natatakot mag-isa na mamili? Is she a kid?
Umiling ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magkakasala talaga ako sa utak ko.
"Where is she, by the way?" tanong ni Jaines.
"Oh, I told her to go home alone because I saw you, guys. But even though I didn't, I was still planning to go to your house later."
"Oh?" agap kaagad ng kapatid ko, mukhang hindu makapaghintay. "Bakit? Anong gagawin mo sa bahay?" Sumulyap sa akin ang kapatid ko kaya napangiwi ako at pinulot ang inumin ko para uminom.
"To visit Haines."
Napaubo ako sa bigla atailapag kaagad ang iced coffee ko sa table. Habang ang hagikgik ni Jaines at Lake ang naririnig ko sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
The Captivated Billionaire
RomanceWhat will happen if the billionaire is captivated? | ABOUT THE BOOK COVER, MY FRIEND JUST GAVE ME THIS SO I REALLY DON'T KNOW WHO OWNS THIS. BUT THE CREDITS GOES TO THE REAL OWNER. |