"Chef, pinapatawag ka ng isang costumer!"
"Ako?" kumunot ang noo ko. "Bakit daw?" tanong ko.
"May reklamo po yata. Ewan ko." Nagkibit balikat si Kay.
Imbis na magtaka ay lumabas na ako ng kusina at hinanap ang nagpapatawag sa akin na costumer.
"Here, chef!" Nagtaas ng kamay ang isang dalaga.
Humakbang naman ako at pumunta roon. Puno ang restaurant ngayon kaya sobrang busy. Hindi ako pwedeng magtagal.
"Hello, good day. I am the chef. How may I help you?" magalang at may ngiti na tanong ko.
"Miss, ano ba naman ang pagkain ninyo dito. Sobrang tabang. Para namang hindi kayo professional!" malakas ang boses na reklamo ng Ginang-Mama yata no'ng dalaga na tumawag sa atensiyon ko kanina.
Mukhang buong pamilya sila dahil may iba pa silang kasama. Tahimik nga lang ang iba.
"I'm sorry about that, Ma'am. May I know what food you are referring to?"
"Ito, oh!" Turo niya sa pagkain. The special pancit. Ang pancit na hindi naman ako ang nagluto kundi si Chef Tim.
"I'm sorry again, Ma'am. We will just replace this one and we will make it better. I'm really sorry." Yumuko ako ng bahagya.
"Dapat lang. Ayusin niyo ang trabaho niyo. Kilala ang restaurant niyo pero hindi naman pala masarap ang mga pagkain. Tse!"
"Mom..." marahang tawag ng anak.
Ngumiti lang ako sa kaniya kahit napapahiya ang restaurant ko dahil halos lahat ng costumer ay nakatingin.
Umalis na lang ako sa table nila at sinabihan ang isang server na palitan 'yon. Ibang klaseng pancit nga lang pero luto ko na.
Pagbalik ko ng kusina ay nakaabang ang mga tao.
"Anong nangyari, chef?"
"Nagreklamo lang na matabang daw ang special pancit." Umiling ako at bumalik sa niluluto ko kanina.
"Ha? Bakit ikaw ang tinawag, chef, e recipe ko 'yon?" tanong ni chef Tim.
"Hayaan niyo na. Let's just continue dahil madaming costumers."
"Per-"
"Chef Tim, let it go. Baka matabang talaga. Let's make it as a inspiration to do better," payo ko sa kaniya.
Ganiyan siya lagi. Kapag may nagrereklamo sa luto niya ay hindi niya matanggap dahil masarap daw ang mga luto niya.
Totoo naman. Pero minsan talaga sa buhay natin ay nagkakamali tayo. At kailangan nating tanggapin iyon para makapagpatuloy.
Natapos ang buong araw sa restaurant at halos sumakit ang buong katawan ko. Kilala ang restaurant ko kaya maraming kumakain. And as a chef, talagang kayod kung kayod.
"'Ma, pahilot ako, please?" pakiusap ko kay Mama pag-uwi.
"'Yan. Bakit kasi doble kayod ka. Para ka namang sobrang hirap sa buhay dahil sa ginagawa mo, anak." Umiling siya. "Oh, siya, pupuntahan na lang kita sa kwarto mo mamaya para hilutin."
"Salamat, 'Ma." Umakyat na ako at pagdating sa kwarto ay humiga kaagad ako.
Tatlong taon na akong chef sa sarili kong restaurant at laging ganito ang eksena ko pag-uwi. Laging si Mana ang kinukulit ko para magpaghilot pag-uwi.
"Anak naman kasi, sabi ko sa 'yong sa kompanya ka na lang ng Daddy mo mag-focus. Hindi mo naman na kailangang magtrabaho pa." Ayan na naman siya sa sermon niya.
BINABASA MO ANG
The Captivated Billionaire
RomanceWhat will happen if the billionaire is captivated? | ABOUT THE BOOK COVER, MY FRIEND JUST GAVE ME THIS SO I REALLY DON'T KNOW WHO OWNS THIS. BUT THE CREDITS GOES TO THE REAL OWNER. |