Kabanata 11

15.2K 382 13
                                    





Mabilis akong tumalikod pagkapos sabihin iyon. Narinig ko ang pagtawag ni Lake sa akin pero hindi ko siya nilingon.

Pumasok ako sa kwarto ni Mr. Bonneville. Wala rin naman akong ibang pupuntahan. I can’t escape. But even if I can, I still won’t. Baka magpatayan pa ‘yong magkapatid kapag ginawa ko ‘yon.

Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay tuluyan nang bumagsak nang makapasok ako sa kwarto.

Hindi naman ako galit. Maybe disappointed. Disappointed sa sarili ko.

Did I assumed too much that finally, I have a place in this mansion? Kasi bakit niya naman ako liligawan kung wala, ‘di ba?

Pero mukhang wala nga. Kahit maging kami ay wala talaga. Mananatiling wala hanggang sa huli.

Pero okay lang. Magiging okay lang. I need to understand. I need to.

Huminga ako nang malalim at pinahid ang luha ko. Hindi ako magtatampo. Susubukan kong hindi dahil ayoko sa ugali ko kapag nagtampo. Hindi. Dapat kalma lang ako. I need to breathe.

Kalma lang, Haines.




Ilang oras din siguro akong nanatilinsa kwarto ni Mr. Bonneville bago siya pumasok sa kwarto. Hindi ako tumingin sa kaniya nang pumasok siya at nagbusy-busy-han ako kahit nasa kama lang naman ako at nakahiga.

"Won’t you eat?" tanong niya pagkapasok.

"Hindi. Busog pa ako," hindi ko maiwasang hindi maisatinig ang pait sa boses ko.

"Are you sure? It’s already 2 in the afternoon. You haven’t eaten anything since this morning."

Alam ko pero hindi naman ako gutom. Nawalan na ako ng gana. At saka busy ako kakakumbinse sa sarili ko na huwag magtampo kahit ang sarap-sarap magtampo.

"Yes," tanging sagot ko.

Hindi na rin naman siya nagpumilit pa. Hinayaan ko siyang gumalaw-gumalaw at gawin ang gusto niya sa kwarto.

Naligo siya at nagbihis. Naramdaman ko ring nag-spray siya ng perfume. Habang ako, ito wala pang ligo at hindi pa rin nakakapagbihis. Gagawin ko ‘yon mamaya kapag wala na siya.

"I’m going somewhere," aniya pagkatapos gawin ang lahat nang kailangan niyang gawin sa loob ng kwarto.

"Sige lang." Tango ko.

Sa dinami-dami ng araw na umalis siya, ngayon lang siya nagpaalam. Ngayon pa na nagpipigil akong huwag magtampo sa kaniya.

"Do you want to come with me?"

Nagulat ako sa tanong niya. Parang biglang nangati ang paa ko at gustong sumama. Pero bakit naman ako sasama sa kaniya?

"Hindi na po." Iling ko.

"You sure?"

Akala ko ba ayaw niyang inuulit-ulit niya ang mga tanong niya? Bakit siya nagtatanong nang paulit-ulit ngayon?

"Opo."

Marahas siyang bumuntong hininga at naglakad papaalis. Nang sumara ang pinto ay saka ko lang binitawan ang mabigat kong paghinga.

Grabi ang pagpipigil kong huwag siyang tingnan at samaan ng tingin. Kahit anong pigil ko ay nagtatampo talaga ako.

How can he ask me to be his girlfriend kahit wala rin naman pala akong lugar sa mansion na ito?

Nakakapagtampo lang.

Huminga ako nang malalim bago bumaba sa kama at tinungo ang banyo para maligo.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon