Kabanata 47

8.4K 214 10
                                    


Gaya ng sabi ni Daegan ay pumunta nga ako sa hospital. May dala pa akong pagkain para sa kaniya dahil 7 pm at saktong dinner time 'yon.

Pagka-park ko ng kotse ko ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinext siya.

6:50 na kaya baka tapos na 'yon ngayon o break. Hindi ko alam dahil hindi ako dumaan sa pagka-doctor.

Me:

I'm here in the car park. Are you done na?

I waited for him to reply at nanatili muna sa kotse. Five minutes after pero wala pa rin. It's almost 7 pm.

Hindi ako nakapaghintay at tinext ko siya ulit.

Me:

Daegan, I'm here na. I brought food for you. Saan ka na? Mag-reply ka naman.

At naghintay ulit ako ng ilang minuto para sa reply niya. Ayoko naman pumasok roon na hindi ako sigurado kung tapos na ba siya. May dala pa naman akong pagkain.

I am waiting for twenty minutes already pero wala talagang reply mula sa kaniya. Malapit na akong mainis at mukhang ginagawa niyang katuwaan ito. Gabi na at kailangan kong umuwi ng maaga dahil kay Mama.

Me:

Busy ka pa ba? Uuwi na lang ba ako?

Mabilis na dumaan ang oras at alas otso na kaagad at wala pa rin siya. Inip na inip na ako kakahintay sa kotse ko. Kaya bumaba ako at pumasok sa hospital, without bringing the food.

If he's not busy, nasa cafeteria siya ngayon. Sure ako.  Sa isipin ay tinungo ko nga ang cafeteria. Gaya ng ginawa ko kanina ay iginala ko ang mga mata ko.

And there, I saw him again. At a table, talking to Garnet. Again.

Si Garnet ang nakakita sa 'kin dahil nakatalikod siya sa gawi ko. Ininguso ako ni Garnet kaya napalingon sa akin si Daegan.

He looked shocked when he saw me.

Namuo ang galit sa akin kahit hindi ko siya inentertain. Galit ako ngayon. Galit ako sa kaniya.

How dare he text me to come here at seven tapos ngayon aakto siyang gulat?

So disappointing!

Umiling-iling ako at tumalikod. Tama na 'to. Hindi na tama 'to. Hindi na tama 'tong mga pakiramdam na ibinibigay niya sa akin. Galit. Tampo. Inis. Lahat-lahat na. Maliban sa saya.

Mabilis akong naglakad paalis roon. Half run pa ang ginawa ko para hindi niya ako maabutan pero mukhang dakilang mananakbo siya't naabutan niya talaga ako.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako pabalik sa kaniya. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako binitawan.

"Ano ba! Let me go!" marahas na sabi ko.

Nakakuha 'yon ng atensiyon ng mga tao sa loob ng hospital kaya medyo kumalma rin ako.

Huwag kang mamahiya, Haines. Hindi 'yon tama.

Huminga ako ng malalim. "Anong kailangan mo? Bakit mo 'ko pinigilang umalis?"

"Wala akong kailangan. Ikaw, may kailangan ka ba sa 'kin? Are you here to visit me?" Ngumisi siya.

Napamaang ako. Ang sarap manakit ng mga oras na 'to. Kung hindi lang 'yon kasalanan talaga, nako!

"Nandito ako dahil sa text mo. Don't pretend, Daegan."

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon