Kabanata 48

9.1K 233 4
                                    

"Ma douce, matamis o hindi?"

"No, please! Thank you!"

"Noted!"

"Anak, bakit naman si Daegan ang pinagtitimpla mo ng gatas mo? Pagod 'yan, ano ka ba," saway ni Mama sa 'kin.

Nasa kusina kasi si Daegan at ipinagtitimpla ako ng gatas. Kagagaling niya lang sa trabaho kaya sinaway ako ni Mama.

"'Ma, hindi ko siya inutusan. Pinigilan ko pa nga, e, pero ayaw niya. Nagmamatigas."

"Gusto ka nga kasing pagsilbihan, Ate." Tumawa si Jaines.

"Ito na ang gatas mo, ma douce. Sa 'yo rin, Tita at Petal." Isa-isang binigay sa amin ni Daegan ang gatas namin.

Bahagya pang nagulat si Petal at Mama sa ginawa niya. Habang ako ay nagpasalamat na.

"Salamat, bayaw." Ngumisi si Jaines. Siya ang nsgpasalamat para kay Petal.

Kailangan talagang i-work ni Petal ang pagkamahiyain niya.

"Salamat, hijo." Ngumiti si Mama.

"You're welcome." Umupo si Daegan sa tabi ko at isinandal ang katawan sa sandalan ng sofa.

Bumuga pa siya ng marahas na hininga na mukhang  pagod na pagod siya. Ipinikit niya ang mga mata niya pero ang kamay ang naglakbay sa bewang ko.

Siniko ako ng bahagya ni Mama kaya napatingin ako sa kaniya. "Bakit?" walang boses na tanong ko.

Pinandilatan niya ako at ininguso si Daegan. "Patulugin mo," bulong niya.

"Ha?" gulat na tanong ko.

Pinandilatan ko ni Mama kaya wala akong nagawa. Inilapag ko ang gatas sa table at bahagyang lumapit kay Daegan.

"Daegan, you can rest upstairs," marahang sabi ko.

"Hm." Ungol niya pero hindi naman binukas ang kga mata.

"Daegan, sa taas ka na matulog."

Mukhang pagod na pagod siya at hindi na talaga gumising. Ganito siya lagi kapag free niya. Pumupunta siya rito at pinagsisilbihan ako. Kahut anong pigil ko, ayaw niya.

Pero kapag sumapit ang gabi at inaya ko siyang matulog ay sasabihin niyang uuwi siya. Pero ngayon mukhang hindi siya makakauwi.

"Buti na lang at hindi ako nag-doctor, Ate. Tingnan mo, oh. Mukhang pagod na pagod ang boyfriend mo," komento naman ng kapatd ko. 

"Oh siya, tama na ito. Magpahinga na tayong lahat," sabi ni Mama at ininom ang gatas na tinimpla ni Daegan para sa kaniya.

"That's a good idea, 'Ma. Para makapagpahinga na rin 'tong si Petal. Ayaw mauna sa kwarto, e. Gusto kasama ako."

"Kapal," rinig kong pabulong na reklamo ni Petal.

Napailing ako. "Sige na. Mauna na kayo. Dito na muna ako kay Daegan."

"Okay. Goodnight, Ate." Tumayo si Jaines at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi. Gano'n rin si Mama. Si Petal ay nagdadalawang isip pa pero lumapit rin.

"Goodnight, 'nak."

"Goodnight po."

Umalis na sila pero nilagay muna nila sa kusina ang mga baso nila. Ako naman ay hindi pa naiinom ang sa akin.

Nilingon ko si Daegan na natutulog. Mukha talaga siyang pagod. Lagi naman pero ngayon yata ang pinaka.

It's been two weeks no'ng sinagot ko siya at kapag may panahon siya na umuwi o kaya ay off niya, dito siya umuuwi sa amin muna bago uuwinsa bahay nila.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon