Pagkalapag nang sinasakyan naming eroplano ay hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
Yes! Finally, nakauwi rin.
Pumunta muna kami sa office ni Mr. Bonneville na hindi na naman nagsasalita. Hindi ko na rin kinausap dahil mas imporatnate sa akin ang makauwi kami. Nasasanay na ako sa ganiyan niya. Moody talaga.
Pero ngayon ay mukhang kailangan ko na talaga siyang kausapin at maunang magsalita dahil kailangan kong makauwi sa bahay namin. Miss na miss ko na sila.
"Ah, Sir.." paunang tawag ko.
Nakaupo lang kasi ako dito sa sofa sa office niya kahit sobrang lalim na ng gabi. May ginagawa siya sa laptop niya kahit kakauwi lang namin dito.
Hindi siya sumagot kaya napatikhim ako. Pahirapan na naman 'to. Naiisip ko tuloy na gamitin sa kaniya 'yong gusto niya akong maging girlfriend para kahit papaano ay maging maayos siya sa pakikitungo sa akin.
Pero mukhang malabo talaga.
At saka kapag ginamit ko 'yon ay para na ring pumayag nako na maging girlfriend niya. Huwag na lang talaga.
Tiningnan ko ang orasan kung anong oras na.
10:26 pm
Gabing-gabi na nga.
"Sir..." tawag ko ulit. "Pwede po bang makauwi na ako?"
Wala na rin naman akong ginagawa dito, e.
"You're home, ma douce."
Parang tumalon ang puso ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. Kahit hindi naman siya tumingin sa akin nang isinagot 'yon ay nag-impact pa rin sa akin. Matagal-tagal ko nang hindi naririnig ang boses niya na tawagin akong gano'n.
Hindi ko man alam ang ibig sabihin no'n ay iba talaga ang dating.
"S-Sa bahay po namin ang ibig kong sabihin, Sir."
"Hm." Tumango siya habang busy sa pagtitipa sa laptop niya.
Nabuhayan naman kaagad ako ng loob. Tumayo ako at inayos ang damit ko.
"Sige po, Sir. Uwi na po ako." Nakangiting paalam ko.
Nagmamadali akong tumakbo palabas. Kung nagpaalam lang sana ako kanina ng mas maaga, edi nakauwi ako kaagad.
Natakot kasi ako, e.
Tahimik na sa buong building habang naglalakad ako. May mga ilaw pero ang tahimik talaga.
Naisip ko si Mr. Bonneville. Siya lang mag-isa doon dahil uuwi na ako. Hindi ba siya natatakot?
Pero kung natatakot siya, hindi sana siya papayag na umuwi ako, 'di ba?
Matagal-tagal bago ako nakababa sa first floor. Buti at may guard pa naman pala roon.
"Uuwi ka na po, Ma'am?" salubong na tanong niya sa akin.
"Yes po, kuya guard. Una na ho ako." Ngumiti ako at bahagyang yumuko para magbigay galang.
Mas matanda si kuya guard sa akin. Nasa 40's na yata siya. Kaya nararapat lang na gumalang ako.
"Sige po. Ingat po kayo, Ma'am."
"Ikaw rin p, kuya guard." Ngumiti ulit ako bago siya nilampasan at lumabas na ng tuluyan ng building.
Gabi na kaya sigurado akong pahirapan ngayon sa pagsakay pauwi. Maliban sa pahirapan ay nakakatakot pa.
Nilalaro ko ang paa ko habang naghihintay ng masasakyan.
BINABASA MO ANG
The Captivated Billionaire
RomanceWhat will happen if the billionaire is captivated? | ABOUT THE BOOK COVER, MY FRIEND JUST GAVE ME THIS SO I REALLY DON'T KNOW WHO OWNS THIS. BUT THE CREDITS GOES TO THE REAL OWNER. |