Para akong nabingi sa sinabi ni Mama. Naghintay ako ng ilang sandali para bawiin niya ang sinabi niya pero hindi niya ginawa.
"A-Anong ibig mong sabihin, ‘Ma?"
Umiling lang siya at umiyak.
"‘Ma, ano ba! Sagutin mo naman ako. Anong siya ang ama ko? Paano?"
"A-Ate, totoo. Siya ang Papa mo. Ang totoong Papa mo."
Mas lalo akong maguluhan. "Ano bang pinagsasabi mo? May peke ba akong papa? Anong totoong papa ka diyan? Ayusin niyo nga, Jaines. Pinaglalaruan niyo ba ako?"
Gustong-gusto kong umiyak dahil sa kaguluhan. Parang pinaglalaruan na nila ako. Walang matinong sagot.
Hindi naman ako magagalit kapag nagsabi sila ng totoo. At alam nila ‘yon dahil pamilya ko sila.
"A-Ate—"
"Mr. Czusena, Mr. Sin has arrived."
Nabaling sa pinto ang paningin ko. Nakita ko kung paano tumango ang sinasabi nilang ama ko sa lalaking nagsalita.
"I’ll follow."
Tumango ito bago umalis. Tumitig naman sa akin si Mr. Czusena. Ang ama ko kuno.
"We’ll talk later, Haines," seryosong aniya bago tumalikod at sinara ang pinto.
Naiwan ako kasama ni Mama at Jaines. Si Mama ay umiiyak pa rin.
"Ano? Hindi pa rin kayo magsasalita na tayo-tayo na lang ang nandito? Gusto niyo pa talagang sa iba ko malaman ang katotohanan kung ano mang katotohanan ‘yon."
"Ate, hindi naman namin intensiyon na itago sa ‘yo. Ayaw niya lang talagang ipaalam muna sa ‘yo ang totoo dahil nasa puder ka pa ng kalaban."
"Kalaban?"
"Oo. Si Daegan Bonneville. Kalaban siya ng daddy mo. Sa lahat. Siya at ang pamilya niya. Kaya para iwasan na baka gamitin ka nila ay hindi niya muna kami pinauwi para ‘di kami magsalita."
"Isa siya sa kalaban ni Mr. Bonneville?" Kumunot ang noo ko.
Alam kong marami silang kalaban dahil sa uri ng pamumuhay nila pero si Fery Dan lang ang kilala ko.
"Oo."
"Pero paano niyo nasisiguro na ama ko siya? At bakit ama ko lang? ‘Di ba magkapatid tayo?"
Namutla siya at dahan-dahang nilingon si Mama na parang humihingi ng tulong.
"‘Ma?" tawag ko sa kaniya. "Please naman. I deserve to know the truth," nakikiusap na wika ko.
"A-Anak Haines..."
"Ano, ‘Ma? Ano ang totoo? Bakit panay banggit ni Jaines na Daddy ko lang? Hindi ba kami magkapatid? Ano? Magkaiba ba kami ng ama? O ampon siya?"
"Ate naman!" reklamo niya kaagad pero hindi ko siya pinansin dahil hindi ako nagbibiro. Wala na akong lakas para magbiro ng gano’n.
"O a-ako ang ampon?"
Hindi siya nakasagot at napaiwas ng tingin. Doon na tumulo ang luha ko.
So ako ang ampon.
Sunod-sunod at hindi na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Napahawak ako sa bandang puso ko ng maramdaman ang kakaibang pagsakit roon.
Mas masakit pa yata ‘to kaysa no’ng nabaril ako, e.
Ang sakit. Ang sakit-sakit.
Bakit pa ako naging ampon? Sa tinagal-tagal kong nanatili kasama sila, hindi ko man lang ‘yon napansin.
BINABASA MO ANG
The Captivated Billionaire
RomanceWhat will happen if the billionaire is captivated? | ABOUT THE BOOK COVER, MY FRIEND JUST GAVE ME THIS SO I REALLY DON'T KNOW WHO OWNS THIS. BUT THE CREDITS GOES TO THE REAL OWNER. |