"I'm sorry."
"Why are you saying sorry? Are you the one who killed my father?"
"No. But still, I'm sorry."
Nilingon ko si Fery Dan. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon lalo na't kakalibing lang ng Dad ko kahapon.
Pinalibing ko siya kaagad dahil ayokong pag-piyestahan pa siya ng mga kaaway niya. Iilan ang may alam na pinalibing ko siya kaagad dahil ayokong pag-usapan siya.
Araw-araw nandito si Fery Dan para kumustahin ako at hindi naman ako nagsisinungaling. Umuuwi rin naman siya kaagad at naiintindihan ko dahil busy siyang tao.
"Kumain ka muna, anak," aya ni Mama pagkapasok ko ng bahay.
Galing ako sa abogado ni Dad at gusto niya raw ako makausap tungkol sa naiwang kayamanan ni Dad. Hindi naman ako interesado doon.
It's not my money. It's my Dad's.
"Wala po akong gana, 'Ma," pagtanggi ko.
Nitong mga nakaraang araw ay wala pa akong nakakausap ng maayos maliban kay Mama at Jaines. Pero sina Fery Dan, Lake, at Mr. Bonneville ay hindi ko pa nakakausap ng maayos. Kapag nagtatanong ay sinasagot ko ng maayos pero maikli.
Alam kong naiintindihan nila ang nararamdaman at pinagdadaanan ko.
"Pero, anak, baka mangayayat ka niyan. Lagi ka na lang hindi kumakain."
"Okay lang ako, 'Ma. Sige ho. Aakyat na ho ako." Binigyan ko siya ng maikli at pilit na ngiti bago umakyat sa kwarto ko.
Sa kwartong ipinasadya pa talaga ni Dad para sa akin.
Humiga ako sa kama ko at iilang segundo lang ay bumgsak kaagad ang mga luha ko.
Magda-dalawang linggo na pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Miss na miss ko na si Dad. Ang strikto niyang mukha. At ang nakakatakot niyang tingin.
Hindi kami naging mag-ama gaya ng iba pero alam ko na kahit hindi masiyadong maayos ang trato niya sa akin ay mahal pa rin niya ako. At gano'n rin ako.
I love him so much.
Nakatulog ako kakaiyak at nagising lang ng gisingin ako ni Jaines.
"Bakit?"
"Nasa baba po si Sir Lake. Gusto ka raw makausap."
Tumango ako at bumangon sa kama. "Susunod ako."
"Sige po."
Pagkawala ni Jaines ay bumaba ako ng kama at naglinis ng katawan. Nagbihis rin ako ng pambahay at saka sumunod pababa.
Naabutan kong inaasikaso ni Mama si Lake sa hapagkainan dahil gabi na at oras na ng dinner.
"Kain ka lang, hijo." Ngiting-ngiti na aya ni Mama. Ganiyan talaga siya sa lahat ng bisita niya.
"Sure, Tita. Thank you."
"Oo naman."
"Lake," tawag ko sa kaniya para makuha ko ang atensiyon niya.
Napalingon siya sa gawi ko at mabilis na tumayo ng makita ako.
"Good evening." He smiled.
"Evening." I nodded. "What brought you here?"
"Ah. I want to talk to you." He smiled a little and he's not like that kaya nagtaka ako.
Lagi siyang confident at hindi ko pa siya nakitang ganito. Na parang nahihiya o may gustong sabihin na ikakapahiya niya.
BINABASA MO ANG
The Captivated Billionaire
RomanceWhat will happen if the billionaire is captivated? | ABOUT THE BOOK COVER, MY FRIEND JUST GAVE ME THIS SO I REALLY DON'T KNOW WHO OWNS THIS. BUT THE CREDITS GOES TO THE REAL OWNER. |