Kabanata 1

17.6K 433 25
                                    

Kabanata 1

[ Cassidy's point of view ]

Para akong tanga na nakauwang ang labi habang nililibot ang mata sa mall na pinag dalhan sakin ni Bettina at Carmilla.

Sobrang laki nito, sobrang ganda. Halos lahat ng tao ay puro amerikano, malayong malayo sa mga mall na nasa pilipinas.

Pero syempre natural lang naman yun, amerika ito e. Napakamot ako sa sariling ulo.

"Hey you guys, sumunod lang kayo samin dahil kayo ang mag bibitbit ng lahat ng bibilhin namin. Understand?" mataray na utos ni Bettina sa tatlong bodyguard na kasama namin.

Tumango naman ang mga ito sa kanya kaya mabilis na tumalikod si Bettina para siya ang mag turo samin kung saan kami dapat pupunta.

"You look really amaze Ate." si Carmilla, kumapit siya sa braso ko habang pareho kaming nasa likod ni Bettina.

"Ang ganda sobra dito." tumawa siya "By the way, same school lang ang papasukan natin hindi ba?" tumango ako.

"Kinakabahan nga ako, natatakot ako." pag amin ko, totoo naman talaga. Hindi pa 'ko masyadong marunong mag english.

"Dont worry, if I'm not mistaken ay classmate mo si Kuya Sergio. He volunteered na sasamahan ka niya since sinabi samin ni Tita Emily na this is your first time here." nakahinga naman ako ng maluwag.

Sobrang bait ni Carmilla, simula nung pumunta ako dito ay lagi siyang nakadikit sakin para kausapin ako nang kausapin. Magkapatid pala sila ni Sergio, kahit isang beses ko palang nakikita si Sergio ay halata dito na mabait din ito.

Talagang bagay silang dalawa na maging magkapatid, nakakatawa lang dahil naalala ko na kapatid din nila si Calculus. Pero hindi naman mukhang mabait ang isang yun hindi tulad nilang dalawa.

"Oh my god! Is this the limited edition of dolce and gabbana bag?" tanong ni Bettina sa isang babae habang hawak hawak nito ang bag na kulay itim na may kulay gold na design.

"Yes young madam and there are only 4 bags like this in the entire country." kitang kita na kuminang ang mata ni Bettina habang tinitignan ang bag na yun.

"Then, I'll buy 4 of this." kita ko ang gulat sa mga mata ng babae dahil sa sinabi ni Bettina.

"A-are you sure young madam?" alinlangan nitong tanong, kinalabit naman ni Carmilla ang pinsan.

"Hey are you sure you are going to buy all of them? I mean one is enough Bettina." tumaas ang kilay ni Bettina sa dalawa.

"I don't care, gusto ko na ako lang ang may ganyang bag sa buong america." muli nitong hinarap ang babae.

"I'll buy 4 of them, dont worry I have money." tumango ang babae pero halata ang pag aalinlangan dito "This will cost 2 million dollars young madam." mabilis na nanlaki ang mata ko.

2 million? At dollars pa, kung hindi ako nagkakamali ay mas malaki ang dollars kesa sa pera sa pilipinas.

Tsaka si Bettina 12 years old pa lang siya, pwede na ba sa kanya gumastos ng ganoong kalaking pera para lang sa isang bag?

Inabot na ni Bettina ang black card sa babae. Si Carmilla naman ay umiling lang "Kakabili niya lang nung nakaraang araw ng bag sa gucci." bulong nito.

His Selfish Desires (Chavilire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon