Kabanata 12
[ Cassidy's point of view ]
Nandito na 'ko sa sasakyan at siyang pauwi na galing sa bahay nila Aliyah. Dito sa maynila ay meron din kaming mansyon, tila nga lahat ng lugar na mapuntahan ko ay may bahay sila Mommy.
Ngayon na tapos na ang birthday ko, hindi ko alam kung muli ba 'kong babalik sa america para dun ulit ipag patuloy ang pag aaral ko o mananatili nalang ako sa pilipinas.
Ang magiging desisyon ko sa dalawang yun ay nakadepende kay Kuya Alessandro. Kung ano man ang magiging susunod niyang pagtrato sakin sa oras na magkita ulit kami ang magpapapili sakin sa dalawang desisyon na yun.
Sana lang ay maging maayos na ang utak niya, malabo mang isipin na baka isang biro lang ang ginawa niyang paghalik sakin ay pinagdadasal ko pa din na sana ganoon na lang nga yun.
Pagdating sa mansyon ay agad na 'kong natigilan, hindi pa 'ko tuluyan nakakapasok ay nakita ko na agad si Kuya Alessandro na nasa pintuan.
"Where did you go?" sa malamig niyang boses na yun ay tila gusto kong manginig. Hindi ko inaasahan na nandito siya lalo't buong akala ko ay sa hacienda siya mananatili.
"Sa kaibigan ko po Kuya." mahina ang boses kong usal.
"I see, are you really excited to meet that friend of yours that you left the hacienda without letting me know?" habang nakatingin kay Kuya ay muli kong naalala ang halik at yung mga sinabi niya nung nakaraan.
"Hindi yun dahil sa kanya, naisip ko lang na hindi ko naman kailangan sabihin sayo ang lahat ng gagawin ko." at isa pa, paano ko yun masasabi sa kanya kung iniiwasan ko siya?
Natigilan naman siya sa sagot kong yun ngunit pagkaraan ay napangisi siya sakin "Is that really the reason or you're just avoiding me? Do you think I'm not aware that my pretty little sister are avoiding me because she can't still accept that I like her?" tumawa siya nang mahina.
Ang kamay kong nakakuyom ay nilagay ko sa aking likuran upang hindi niya yun makita "K-kuya please itigil mo na 'tong mga sinasabi mo, hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan." ayoko maniwala.
Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya dahil kung hindi kapatid ang turing niya sakin, ako ay isang Kuya ang tingin ko sa kanya.
"This is what you want, right? You wan't me to like you, you wan't me to love you that's why you did everything to get close to me and now you've succeeded, you suddenly want to get away from me?" unti unting pinaandar ni Kuya Alessandro ang wheelchair niya palapit sakin.
Nanginginig ang aking mga paa at tila napako na yun sa lupa ngunit pinilit ko pa din igalaw yun para maglakad paatras "Do you think I will let that happen?"
Nagsimula na 'kong matakot dahil sa kakaibang ginagawa at pinagsasasabi niya, hindi ko alam kung bakit naging ganito si Kuya Alessandro. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pakikitungo niya sa akin.
"K-kuya t-tumigil ka na.." takot kung usal, dahil doon ay napahinto naman siya sa paglapit sakin, akala ko ay nagising na siya sa sarili niya matapos makita ang takot sa mga mata ko pero muli lang ulit tumawa si Kuya Alessandro.
"Hmm, looks like my sweetheart is really afraid to me now huh?" ang kasiyahan na nakaukit sa kanyang mukha ay mabilis lang din nawala. Tumingin siya sakin ng malamig, isang titig na para bang pinag babantaan ako.
BINABASA MO ANG
His Selfish Desires (Chavilire Series 3)
General FictionHe is your brother but he's also crazy to fall in love with you.