Warning: Spg
Kabanata 20
[ Cassidy's point of view ]
Palabas na 'ko sa kwarto ko habang buhat buhat ang asong binigay sakin ni Alessandro. Hindi ko maiwasan mangiti dahil naalala kong sinabi niya sakin na anak daw namin dalawa ito.
I can't believe he would say a joke like that because he's really not a funny person, he's more like a terrible and ruthless one.
Tumingin ako kay Snow, I named her snow because her fur is super white like one. And she's very cute, ngayon lang ako natuwa kay Alessandro dahil binigay niya sakin si Snow.
Although this is not the first he gave me such an unexpected gift for my birthday. Bigla ko tuloy naalala yung singsing na binigay niya sakin noon.
I wonder kung nasaan na yun ngayon? Simula kasi nung mangyari ang 18th birthday ko ay nagkagulo na rin kami ni Alessandro. Ngayon ay hindi ko na maalala kung nagawa ko bang itapon ang singsing na yun o naitago ko.
Naglalakad ako ngayon sa malawak naming hallway dahil bababa na 'ko, ngayong tanghali na kasi ang uwi nila Aliyah pamaynila.
I actually don't know kung bakit siya nagmamadali lalo pa't balak ko sanang mag bonding kami dito sa cebu ngunit baka busy din siya at ayaw kong mang-istorbo.
Malapit na 'ko sa hagdan nang bumagal ang aking paglalakad. Sa hallway kasi ay nakita kong makakasalubong ko si Isabella.
Yung little sister ni Yno na kasing edad lang din ni Aliyah "Hi!" bati ko bago ngumiti. Kita ko naman napapitlag pa siya matapos akong makita sa harapan niya.
"A-ahh, m-magandang hapon po Senyorita.." katulad noon ay mahinhin pa din ang boses niya, kita ko pa din sa kanya na mahiyain pa din siya.
"Kamusta ka na? Kamusta si Yno at Nanay Meding?" nakangiti kong tanong, napatigil naman siya dahil sa sinabi ko at bahagya pang natulala.
Hindi ko maiwasan makaramdam ng iba kaya hinawakan ko siya sa braso para sana pukawin lang ang isip niya ngunit muli lang siyang napapitlag bago kumurba sa mapula niyang labi ang isang ngiwi.
Nilayo niya sakin agad ang katawan niya kaya hindi ko maiwasan magulat, maging siya ay nagulat sa biglaan niyang pag kilos palayo kaya naman mabilis siyang yumuko sa harapan ko.
"P-p-patawad po Senyorita.." utal utal niyang usal, hindi ko naman maiwasan makaramdam ng pagtataka sa kinikilos niya.
"Ayos ka lang ba?" isang mabagal na pag tango lang ang sinagot niya.
"Kung ganoon ay mukhang malalim ang iniisip mo. Pasensya kana at inistorbo pa kita."
"H-hindi po, a-ayos lang po ako Senyorita." ngumiti nalang muli ako ng tipid "O siya, bababa na 'ko. Magpahinga ka muna."
"O-opo." nanatili pa din siyang nakayuko sa harapan ko kaya naman muli na 'kong naglakad patungo sa hagdan. Bago pa 'ko bumaba doon ay muli kong tinignan ang kinaroroonan ni Isabella ngunit laking gulat ko lang dahil wala na siya agad doon.
Lalong sumidlak ang pagtataka sa loob ko dahil sa kakaiba niyang pagkilos. Limang araw na 'kong nandito sa Hacienda ngunit ngayon ko lang siya nakita, maging si Yno ay hindi ko pa nakikita o kahit nakakasalubong man lang. May nangyari ba dito na hindi ko alam?
BINABASA MO ANG
His Selfish Desires (Chavilire Series 3)
General FictionHe is your brother but he's also crazy to fall in love with you.