Kabanata 11
[ Cassidy's point of view ]
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko habang nakatingin kay Kuya Alessandro. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko.
"B-bakit ka nandito Kuya?" hindi ko maiwasan mautal, akala ko ba ay hindi siya makakapunta dahil bawal siya sa eroplano? Bakit nasa harap ko siya kung ganoon?
"Why? You don't want me here?" napakurap kurap ako bago pilit na ngumiti "H-hindi sa ganoon Kuya, sabi mo kasi sakin ay hindi mo kaya sumakay sa eroplano.""Mm, pinilit ko lang dahil gusto kong kasama ka." ramdam kong dumiin ang kanyang titig sakin, mabilis ko namang iniwas ang tingin sa kanya dahil tila hindi ako makahinga, tila may sumasakal sakin sa uri ng titig niya.
Binalingan ko na lang ang maliit na box na siyang inaabot niya, kinuha ko 'to "Thankyou Kuya, masaya din ako dahil nakapunta ka dito." buong akala ko kasi ay talagang hindi siya makakadalo dahil sa pilipinas gaganapin ang birthday party ko.
Ang box na bigay niya ay may kulay pulang ribbon na nakatali sa may labas kaya inalis ko muna yun bago tuluyang binuksan.
Hindi maiwasan ng mata ko ang manlaki ng may lumabas na kulay lilang paro paro doon at lumipad. Sa loob din ng box ay nakita ko ang isang singsing.
Sobrang ganda nito, ang kulay ng dyamante na nandito ay kulay lila din. "W-wow, Kuya ang ganda po." namamangha kong sabi.
Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakakita ng amethyst, sobrang ganda at labis na kumikinang ang dyamanteng ito sa liwanag ng ilaw.
Tinignan ko si Kuya at nakangiti pa din siya sakin, kinuha niya ang singsing at ang kanang kamay ko para isuot yun sa pala singsingan ko.
"I'm right, this really suits your delicate finger." hinaplos muna ni Kuya ang kamay ko bago yun halikan ng marahan.
"Alessandro anak you're here." natigilan kami dahil lumapit si Mom at Dad "I thought you wouldn't come?" tanong ni Daddy sa kanya.
"My mind changed."
"Mabuti yan, sana lang pati ang kabaliwan mo ay nagbago." natigilan si Kuya sa sinabi ni Daddy na yun, pagkaraan ay umangat ang sulok ng kanyang labi.
"You two! this is Cassidy's birthday party, don't try to make a scene." mahinang bulong ni Mommy sa kanila. Ako naman ay nakaramdam ng pag bigat ng aura kay Daddy at Kuya.
"I didn't do anything Mom, why don't you tell Dad that don't be too nervous about my presence?" lalong sumama ang tingin ni Dad sa kanya.
Tila magpahanggang ngayon ay mainit pa din ang ulo ni Dad at Kuya sa isa't isa simula nung nagsagutan sila sa america, buong akala ko pa naman ay nagkaayos na sila.
"Then make sure you'll not create a scene that will ruined your sister's party." huling banta ni Dad bago ako binalingan para akayin palapit sa kanyang mga business partners upang ipakilala ako.
Nilingon ko naman si Kuya ngunit nakatingin lamang siya sakin habang inaakay ako ni Daddy palayo sa kanya.
Pagkatapos nun ay nandito na kami sa pinaka mahabang table.
BINABASA MO ANG
His Selfish Desires (Chavilire Series 3)
General FictionHe is your brother but he's also crazy to fall in love with you.