Kabanata 23

13.4K 328 26
                                    

Kabanata 23

[ Cassidy's point of view ]

"Anak, we miss you!" bungad sakin ni Mommy pagkababa ko pa lang sa sasakyan. Mabilis ako nitong niyakap kaya napangiti ako.

"Namiss ko din po kayo Mom." sabi ko, nasa likod nito si Daddy at nakangiti din samin "Mag e-stay lang kami ng Dad mo dito sa America for two weeks, alam mo na. Masyadong lumalago ang bussines ng pamilya natin sa Australia kaya naman hindi kami pwede mawala ng matagal sa bansang 'yun." sabi ni Mom.

Si Snow na hawak hawak ko ang collar ay tumahol kaya napatingin dito si Mommy bago niya hinawakan si Snow sa ulo para haplusin ito.

"Oh! Beautiful Snow! Ang laki mo na." para namang naintindihan ni Snow ang sinabi ni Mommy sa kanya dahil humugis ngiti ang bibig nito. Hindi naman namin mapigilan tumawa dahil sa pagiging cute niya.

"You have upcoming movie right? Your Mom and I were very happy ng malaman namin na si William ang partner mo." nagsimula na kaming maglakad papasok sa mansyon.

Hawak hawak ako ni Mommy sa bewang habang sabay kaming nag lalakad tatlo nila Daddy.

"Yes Dad, actually malapit na din po kami matapos sa pag shoot at dalawang buwan muna daw ang lilipas bago yun ipalabas nationwide."

"That's good, pinag usapan namin ni Mr. Scot ang tungkol sa lagi niyong pagiging partner ng anak niya sa mga movie. And he actually proposed a engagement para sainyong dalawa ni William." dahil sa sinabi ni Daddy ay mabilis akong napahinto sa paglalakad.

Gulat ko silang tinignan ni Mommy "E-engagement?" gulat ko din usal.

Gusto ng Daddy ni William na ma-enggage kami ng anak niya!?

"Oh sweetie, don't worry. Hindi naman kami pumayag ng Daddy mo dahil hindi na kami naniniwala sa mga ganoong bagay at isa pa, gusto namin na ikaw ang mag desisyon para sa buhay mo." ang pangangamba sa loob ko ay mabilis na nag laho matapos yun sabihin ni Mommy.

Akala ko ay maging sila ni Dad ay pumayag doon. William is a great guy but I want him to remained my friend. Ayoko ng higitan pa kung ano ang meron samin dalawa at isa pa,

I already have Alessandro. Paniguradong magagalit na naman siya kapag nalaman niya ang bagay na 'to.

At dahil lunchtime na 'ko umuwi sa mansyon namin ay sabay sabay na kaming nag tanghalian. "Natawagan ko ang assistant mo kanina at sabi niya ay madalas daw na gusto mong kainin nitong nag daang buwan ay Filipino food. Na-mimiss mo ba ang pilipinas?" si Mommy.

Tumingin ako sa mga nakahain samin at hindi ko maiwasan mapalunok dahil mabilis akong nakaramdam ng gutom habang tinitignan ang mga filipino foods na nasa lamesa.

"Tingin ko po, madalas din kasi akong nag hahanap ng ganitong pagkain." ngiti ko, hindi ko alam pero nitong mga nagdaang araw ay parang lagi ako nag hahanap ng filipino foods.

Pag kumakain kasi ako nito ay parang mas lalong sumasarap ang lasa nun sa dila ko.

"Buti na lang pala ay tinawagan ko ang assistant mo kaya ito ang pinaluto ko." tumatango tangong anya ni Mom.

Nang magsimula na kaming kumain ay mabilis kong kinuha ang pininyahang manok dahil dito talaga ako nag lalaway simula pa kanina.

His Selfish Desires (Chavilire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon