Kabanata 3
[ Cassidy's point of view ]
Nakadapa ako sa kama habang nasa harapan ko ang isang notebook. Sinusulat ko lahat dito ang mga plano ko para mapalapit kay Kuya Alessandro.
Sa mga araw kasi na nag daan ay wala pa din nagbago dito sa bahay. Tila nga hindi siya dito nakatira dahil halos lagi ay wala siyang ginawa kundi mag kulong sa kwarto niya.
Tumihaya ako ng higa bago binasa ang mga plano na sinulat ko. "Unang plano, kailangan kong humanap ng pagkakataon para makalapit sa kanya." napaisip ako.
Eh paano ko naman gagawin yun kung halos hindi ko siya makita sa buong bahay?
Hindi ko tuloy maiwasan mapalabi, buti nalang ay wala sa bokabolaryo ko ang sumuko agad "Senyorita Cassey, kakain na po." nilapag ko agad ang notebook sa kama bago tumingin kay Mira.
"Susunod ako." tumango ito, weekend kasi ngayon kaya wala kaming pasok. Mabilis akong lumabas sa kwarto ko para pumunta sa kusina.
Kagaya ng nakasanayan ay puro kasambahay na naman ang nandoon "Hindi po ba bababa si Kuya?"
"Utos ng Senyorito na dalhan siya ng pagkain sa kwarto." napatigil ako, tinignan ko si Nay Norma "Nadalhan niyo na ba siya ng pagkain?"
"Hindi pa, Senyorita." muli akong natigilan, hindi ko maiwasan mapangiti nang may maisip "Kung ganoon ay ako nalang ang magdadala sa pagkain niya." tinignan ko si Nay Norma, kita ko kung paano siya natigilan.
"Hindi maari Senyorita, kasama sa pinag uutos ng Senyorito na walang ibang maaring makapasok sa kwarto niya kundi kasambahay lang na siyang magdadala ng mga kailangan niya."
"Kapatid niya naman ako, tingin ko ay ayos lang naman kung papasok ako dun." umiling siya "Hindi ako makakapayag." tumingin ako sa pagkain ko sandali bago muling tumitig kay Nay Norma.
Sa pagkakataong ito ay seryoso ang mga mata kong nakatitig sa kanya "Hindi ba ay Senyorita ako ng mansyong ito? Kung sinusunod niyo ang utos ng Kuya ko, bakit ang akin ay hindi?" sa uri ng titig maging ang tono ng boses ko ay nanlaki ang kanyang mga mata.
"H-hindi sa ganoon Senyorita, sinusunod lang namin--"
"Sasabihin ko nalang kay Mommy ang tungkol dito." pagputol ko pa bago nagpatuloy sa pagkain. Sa gilid ng mata ko ay kita kong bumuntong hininga si Nay Norma.
"Sige po Senyorita, kayo ang magdadala ng pagkain ni Senyorito Alessandro." halos gusto kong mapatalon sa tuwa dahil sa wakas ay pumayag siya pero nag panggap ako na parang wala lang yun.
Palihim kong tinignan si Nay Norma habang sa loob ko ay nag sosorry ako sa kanya. Pasensya na po Nay Norma, kailangan ko lang gawin ito para mapalapit kay Kuya Alessandro.
Wala naman talaga akong plano na isumbong ka kay Mommy kahit hindi mo 'ko payagan, joke joke lang yun.
Pagtapos kumain ay nasa loob ako ng kusina, hinahanda ng chef ang pagkain ni Kuya Alessandro at nilalagay sa tray.
Tatlong klase ito ng pagkain at sa may gilid ay may prutas. "Sigurado ka ho ba Senyorita na kaya mong dalhin ito?" tanong ni Nay Norma.
BINABASA MO ANG
His Selfish Desires (Chavilire Series 3)
Aktuelle LiteraturHe is your brother but he's also crazy to fall in love with you.