Kabanata 7
[ Cassidy's point of view ]
Nang mapagtanto ang mga salitang lumabas sa bibig ko ay mabilis akong natigilan. Bahagyang nanlaki ang mata ni Kuya Alessandro at napuno yun ng gulat.
Maging ako din naman ay ganoon dahil hindi ko inaasahan na masasabi ko yun sa kanya.
"Really Casiddy? Bagay lang sakin ang malumpo?" tumawa siya ng pagak, hindi ko maiwasan makaramdam ng takot dahil napuno ng galit ang malamig niyang mga mata kanina.
"H-hindi ka ba napapaisip na baka kaya nangyari yan sayo ay dahil masama kang tao?" pahina nang pahina ang aking boses.
Alam ko na dapat ay humihingi na 'ko ng tawad kay Kuya Alessandro o kaya naman ay hindi ko dapat sinasabi ang lahat ng ito.
Pero ang sama niya talaga, bakit kailangan niya yun gawin kay Mira. Ano bang akala niya sa buhay ng ibang tao? Isa lamang laruan?
"You have the guts to talk to me like that after my parents picked you up in the mud. Tell me, what did you do and they adopted a stupid idiot like you?" pinaglandas niya ang mga mata niya na puno ng pangungutya sa buong katawan ko bago ngumisi ng pagak.
Mabilis akong nakaramdam ng sakit sa aking puso, para akong naging bato na hindi makagalaw dahil sa sinabi ni Kuya Alessandro.
"W-wala akong ginawa para ampunin nila ako." dahan dahan akong yumuko, hindi ko kayang tignan ang mga mata ni Kuya Alessandro dahil nanliliit ako.
"Really? You claim my behavior is horrible, but who are you to judge? Have you ever faced adversity? Since then, you've had nothing except absolute comport in your life. Wala kang karapatan pag sabihan ako dahil hindi ka naman nakaranas ng hirap lalo na ngayon na buhay prinsesa ka dahil sa yaman ng pamilyang umampon sayo." madiin niyang usal.
Hindi nakaranas ng hirap? Puro kaginhawaan lang ba talaga ang naranasan ko?
Ramdam ko ang pag tulo ng luha sa aking mata, hindi na napigilan ang sarili na umiyak sa harapan ni Kuya "A-alam kong nagkamali ako sa sinabi ko sayo pero w-wala ka din namang alam sa naging buhay ko noon pa." hindi ko maiwasan ang panginginig ng boses ko.
"T-tingin mo hindi ako nakaranas ng hirap? T-tingin mo buong buhay ko naging masaya ako? M-mali ka Kuya, bata pa lang ako kailangan ko na mag trabaho para may makain, bata pa lang ako wala na 'kong magulang na nakasama sa buhay ko. Yung kaisa isang tao na kasama ko sa hirap ng buhay ay nawala pa. T-tingin mo purong kadalian lamang ang naranasan ko?"
Siguro ang salitang yun ni Kuya ang nag tulak sakin para mabalik ang lahat ng masasakit na karanasan na yun sa buhay ko. Kung paano ko naranasan na tignan ang ibang bata na kumakain habang ako ay nagugutom.
Kung paano ko iniisip noon na sana kasama ko din ang magulang ko, na sana katabi ko sila, sana kagaya ng ibang bata ay maganda ang buhay ko at hindi ko kailangan na mag hihirap pa para lang mabuhay sa mundo.
"Oo sobrang masaya ako nung naging pamilya ko kayo pero hindi yun dahil sa mayaman kayo, masaya ako dahil sa wakas sa ikalawang pagkakataon ay binigyan ako ng Diyos ng mga magulang, ng pamilya na noon ko pa hinihingi sa kanya."
Kita ko ang gulat sa mga mata niya, pilit kong pinunasan ang luha ko bago ko piniling tumakbo palabas sa mansyon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Parang kanina lamang ay sobrang saya ko ngunit ngayon ay lumuluha na 'ko dahil sa labis na lungkot.
BINABASA MO ANG
His Selfish Desires (Chavilire Series 3)
General FictionHe is your brother but he's also crazy to fall in love with you.