Kabanata 15
[ Cassidy's point of view ]
"Cassidy anak!?" ang boses na yun agad ang aking narinig ng unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nabungadan nun si Mommy na siyang umiiyak habang hawak hawak nito ang aking kamay.
"M-mommy.." bulong ko dito, mabilis siyang tumawag ng nurse bago ako muling dinaluhan "M-may masakit ba sayo? M-may nararamdaman ka ba!? Please tell me anak!" halos pasigaw ngunit puno ng pag aalala niyang sabi, dahan dahan naman tumulo ang luha sa aking mga mata dahil doon.
Itinaas ko ang kamay ko kaya lumuluha siyang yumakap sakin "I'm sorry anak, hindi ko dapat sinabi yun sayo. Hindi dapat kita sinisi, a-ang sama kong Ina. Please forgive me Cassey.."
Wala naman sakin ang mga nasabi ni Mommy nung huli kaming nagkita, nasaktan ako oo pero hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. Sobrang saya ko nga dahil hindi na siya galit sakin ngayon at humingi pa siya ng tawad.
Pero hindi sa bagay na yun nakatuon ang aking isip, magpahanggang ay hindi pa din natatahimik ang aking loob.
"M-mommy b-buti nandito ka na, p-please po wag niyo po akong iwan, p-please po wag niyo na 'kong ipakita pa kay Kuya..g-ginahasa niya po ako, a-ang sama niya." pagmamakaawa ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya na tila ba isa akong bata na takot na takot na humiwalay sa magulang.
"Shh, your Dad and I will do everything para hindi na makalapit sayo si Alessandro. I-im sorry anak, we failed to protect you. Hindi namin lubos maisip na magagawa lahat ito ni Alessandro." she look devastated, nakahawak siya sa kanyang noo habang umiiyak din kagaya ko.
"M-mommy a-ang sama niya..M-mommy ayaw ko na po siyang makita.." parang may kakaiba sakin, wala na dito si Kuya Alessandro pero pakiramdam ko ay nakakulong pa din ako sa kanya.
Pakiramdam ko nandito lang siya at nag mamatyag sakin, ang takot ay nasa puso ko pa din. Nandito man si Mommy sa tabi ko ay hindi pa din nawawala ang panginginig ng aking katawan sa sobrang takot na yun.
"Because of what happened to her, she suffers from mild trauma. We also discovered a wound in her femininity as well as a few bruises that had not healed properly." nasa magkabilang gilid ko si Mommy at Daddy habang kausap namin ang doctor."But you can take her home now, we'll just give her medicine for her wounds, and I recommend that you should see a psychiatrist to help her." nag pasalamat si Dad sa doctor kaya nagpaalam na din ito samin, muli kaming naiwang tatlo nila Daddy.
Napag-alaman ko din pala kanina na mahigit dalawang araw akong walang malay dito sa hospital, hindi na 'yun nakakapagtaka lalo't putol putol ang tulog ko nung nasa poder ako ni Kuya Alessandro.
"Cassidy anak I'm sorry for not protecting you from my dumbass son, kung alam ko lang na aabot siya sa ganito ay hindi kami umalis ng Mommy mo. Hindi ka namin iniwan." si Daddy yun na lumapit agad sakin, nabababalot sa boses niya ang labis na pagkakonsensya habang sinasabi ang mga bagay na yun sakin.
Napayuko ako at tinignan ang aking kamay "W-wala na po tayong magagawa Daddy, h-hindi niyo din naman po yun ginusto."
Hindi ko masabi ang salitang okay lang ako dahil magpahanggang ngayon ay labis labis na takot pa din ang nararamdaman ko.
Iniisip ko pa din na muling makakalapit sakin si Kuya Alessandro, na magagawa niya ulit akong ikulong sa mga kamay niya.
"I wan't to send him to jail but we can't, halos kalahati ng kayamanan ko ay pinasa ko na sa kanya. Higit na mas malakas na ang kapangyarihan ni Alessandro sakin pag dating sa business industry at sa iba pang mga connection." hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba dahil sa nalaman.
BINABASA MO ANG
His Selfish Desires (Chavilire Series 3)
BeletrieHe is your brother but he's also crazy to fall in love with you.