Nathaniel POV
Kakatapos ko lang mag linis sa kwarto ni sir Oscar medj natagalan nga ako doon dahil todo ingat ako sa mga gamit baka kasi mabasag o madumihan ko ito kaya ingat na ingat talaga ako
Tapos ko na rin linisan ang balcony at iba pang mga kwarto ang sala, kusina at pool na lamang ang hindi ko pa nalilinisan kaya napagdesisyon ko nalang muna na unahin ang kusina.
Ilang minuto rin ang tinagal ko doon dahil kumpara sa mga nilisan ko kanina ang kusina talaga ang may madaming pwedeng mabasag na bagay
Pagkatapos ko naman sa kusina ay pumunta nako sa pool at kumuha panglinis na di ko alam kung anong tawag dito. Mukhang malinis naman ang pool at walang dumi pero nilisan ko nalang din kasi parte naman ito ng trabaho ko.
Sa wakas ay natapos na rin ako dahil kaunti lang naman talaga ang dumi doon sa pool kaya dumiretso na ako sa sala at nakita ko si sir Oscar na nakaupo. Saglit na tagpo ang mga mata namin kaso una na akong umiwas dahil naiilang ako at nagsimula ng maglinis
Habang naglilinis ako sa sala ay di ko maiwasan na sulyapan si sir Oscar na ngayon ay naka upo ngayon at nanunuod ng tv at nakabuka ang mga paa nito at kanina ko pa napapansin ang malaking bukol sa pagitan ng hita nito
Jusq naman ehh nagiging bastos na ako nito, eh pano ba naman kasi manipis na sando at sweatpants lang ang suot nito kaya bakat na bakat talaga idagdag mo pa na nakabuka ang dalawang paa nito kaya malayang malaya ko itong tignan
Ilang sandali rin ay tumayo na ito at pinatay ang tv at tumingin sakin
"I'll just go to my room, just continue cleaning and if you need something just call me" sabi nito sakin
"Opo sir" sagot ko at umalis na ito at pumasok sa kwarto niya. Nagpatuloy lang din ako sa paglilinis. Ilang oras din ang tinagal ko bago matapos dahil ang laki talaga ng sala ni sir Oscar kung iisipin ko ganito na ata kalaki ang buong apartment namin
Naisip ko tuloy si Nate kung sana buhay pa sila mama at papa di siguro kami maghihirap masyado ni Nat ngayon at sana tapos nakong makapag aral at may stable na trabaho ako. Dahil sa malalim kung pag iisip di ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya pinahid ko mga luha ko at huminga ng malalim
Medj nauuhaw ako pero nahihiya naman akong basta basta nalang kumuha ng tubig sa kusina ni sir Oscar kaya magpapaalam muna ako.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto nito pero wala namang sumagot siguro natutulog ito? pero baka din kasi di nito narinig kaya kumatok ulit ako pero wala pa ring sumagot.
Nagdalawang isip naman ako uhaw na uhaw na kasi ako pero baka kasi natutulog ito at ayaw ko naman itong maistorbo. Aishhh bahala na nga
"Sir papasok po ako ah" sigaw ko at pagbukas ko ng pinto ay napanganga ako sa nakita ko si sir Oscar na bago lang lumabas sa cr nito
Tanging maliit na towel ang nakatakip sa pang ibaba kaya kit na kita ko ang naghuhuminding nitong dibdib at 6 pack na abs idagdag mo pa na tumutulo na tubig nito galing sa buhok niya na pinupunusan niya. Biglang nag slow motion ng tumingin ito sa kin kaya napa balik ako sa realidad at na realize ang nangyari kaya lumaki ang mata ko at napasigaw
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH" malakas na sigaw ko at agad isinara ulit ang pinto
"Fuck" narinig ko ring sabi ni sir Oscar
Pakshetttt huhu mukhang nagalit ko si sir Oscar pero di ko naman iyun sinasadya eh nagulat lang ako dahil first time kung makakita ng totoong katawan. Eh sa tv namin noon lang naman ako nakakita ng hubad na katawan at minsan din sa mga magazine tulad ng model na si Kit Wilson
YOU ARE READING
Bachelor Series 2: Oscar Anderson
Любовные романыOscar Anderson & Natalie Sagardo WARNING: MATURE CONTENT (R-18) A waitress struggling to support her younger brother, crosses paths with a billionaire seeking solace from his high-stakes life. Moved by her charm, Oscar offers Nathalie a high paying...