Natalie POV
"2,346 po lahat maam" nabalik naman ako sa realidad ng biglang magsalita ang cashier at kumuha ng pera sa wallet ko
Napag desisyonan ko kasi na mag grocery nalang muna para hindi ko masyado isipin ang mga nangyari sa nagdaang tatlong araw
Simula kasi non ay lagi na akong binabagabag ng mga banta ng lola ni Oscar. Oo sinabi ko na ito kay Oscar
Nagalit ito pero sinabihan niya lang ako na kapag bumalik ulit ang lola at ate niya ay agad ko siyang tawagan para agad niya akong mapuntahan pero sa di malamang dahilan hindi parin ako mapakali
Dumagdag pa iyong bagong nalaman namin ni Jackie tungkol kay Kate at maam Olivia, dati pala silang magkasintahan at ng malaman ito ng lola nila maam Olivia ay pinag hiwalay sila at hindi na muling nagkita
Kaya pala parang malungkot at naiiyak si maam Olivia nung nakaraan dahil nagkita ulit sila
Nang makalabas na ako sa mall binaba ko muna ang mga pinamili ko para kunin sa bag ang cellphone ko dahil etetext ko sana si Oscar na tapos na akong mag grocery
Pero nagulat nalang ako ng biglang may humalbot ng cellphone ko
"Yung cellphone ko" sigaw ko at agad hinabol ang magnanakaw, nakalimutan ko na ang mga pinamili ko dahil gusto ko mabawi ang cellphone ko
Hindi ito pwede mawala sakin iyun ang pinakamahal na natanggap ko galing kay Oscar at marami kaming mga litrato doon kaya hindi ako makakapayag na makuha ito ng magnanakaw
Mas binilisan ko pa ang pag takbo pero medyo lumalayo na ito at nagsisimula na rin akong mawalan ng hangin dahil kanina ko pa ito sinusundan at hindi hinahayaan mawala sa paningin ko
Nawawalan na ako ng pag asa ng biglang may sumagasa dito
Bumaba ang isang lalaki sa kotse niya at lumapit sa magnanakaw at piniid ito sa malapit na pader at napa aray naman ito sa sakit
"Give it back to her" madiin na sabi ng lalaking tumulong sakin, naka cap kasi ito kaya medyo hindi ko makita ang mukha
"O-oo ibibigay ko na pakawalan mo lang ako"
Ibinigay naman ng nito ang cellphone ko sakin at agad ko itong tinignan kung may damage pa o wala. Mabuti naman at wala kaya ibinalik ko na ito sa bag ko baka kasi manakaw na naman ulit
Pinakawalan naman ito ng lalaki at tumingin sakin at tinanggal ang cap niya kaya nakilala ko na kung sino ito
"Sir Christopher"
"Nat, are you okay?are you hurt?" tanong nito sakin at hinawakan pa ang mga braso ko at tinignan
Agad ko naman binawi ang braso ko ng di na ako comportable sa hawak nito
"Opo okay lang ako sir, salamat po sa pagtulong niyo sakin" pasasalamat ko dito
"Its nothing, Im just glad that you're okay" titig na titig ito kaya naiilang ako, bakit ba kasi ganyan maka tingin si sir christopher sakin
"Ahmm sige sir babalik na po muna ako naiwan ko po kasi ang mga pinamili ko doon sana naman andon pa iyon" sabi ko nalang ng hindi na ito muling nagsalita
"Let me give you a ride then pwede na din tayong dumiretso sa apartment namin ni Jackie, I will tell him na bibisita ka" sabi naman ito at napa isip isip naman ako
"Sige po sir" sabi ko at sumakay na sa kotse at ganon din si sir Christopher
Tinext ko na rin si Oscar na bibisita muna ako sandali kay Jackie pero bigla itong tumawag
YOU ARE READING
Bachelor Series 2: Oscar Anderson
Любовные романыOscar Anderson & Natalie Sagardo WARNING: MATURE CONTENT (R-18) A waitress struggling to support her younger brother, crosses paths with a billionaire seeking solace from his high-stakes life. Moved by her charm, Oscar offers Nathalie a high paying...