Chapter 22

16 1 0
                                    


Natalie POV

Sa nagdaang araw ay wala naman bago, ganon pa rin ang ganap sa flower shop 

Nagluluto ako ngayon ng kakainin namin dahil kami ang magbubukas ng flower shop ngayon. Tumawag kasi si ate Flor na may lakad daw muna siya at importante iyon kaya ibinigay niya sakin ang susi kahapon

Siya kasi ang nagbubukas ng flower shop dahil iyung isang kasamahan ko sa flower shop ay kabuwanan niya kaya hindi muna ito pinatrabaho ni ate Flor at nasa kanya ang spare key

Nang matapos akong magluto agad ko na itong inilatag sa lamesa dahil kanina pa naghihintay ang dalawang bulilit

"Lets eat na" sabi ko at umupo sa gitna at nasa magakabilang side naman ang dalawa

Nilagyan ko ng tig isang itlog at kanin ang plato nila. Si Natasha ay gustong magpasubo kaya sinubuan ko na ito baka kasi umiyak mahirap pa naman patahanin itong si Natasha

Habang si Nataria naman ay tahimik lang kumakain paminsan minsan ay sinusubuan ko ito dahil minsan ay naghihirap ito pero nauna parin itong natapos 

"Mama" tawag sakin ni Nataria. Tinignan ko ito at ininguso nito ang wala ng laman niya plato

"Good girl anak" ginulo ko naman ang buhok nito at napatawa ito. Tinigil ko muna ang pagsubo kay Natasha at kinarga si Nataria at dinala sa sala

"Dito ka lang muna anak ha" tumango lang ito at bumalik ako sa lamesa para muling pakainin si Natasha at kumain na din ako

Ilang minuto rin ay tapos na kaming kumain ni Natasha at kinarga ko na din ito at dinala sa sala kung saan ang kambal nito na naglalaro 

"Wait niyo lang si mama ha? kukunin ko dress ninyo" wala naman akong nakuhang sagot sa kanila nawili na kasi kakalaro

Pumasok ako sa kwarto at kumuha ako ng pink at red na dress at inilagay sa kama at saka kumuha ng towel dahil papaliguan ko muna sila bago maghuhugas at ako na naman ang sunod maliligo

Madali lang naman natapos ang pag ligo ko sa kanila dahil hindi sila malikot at saka binihisan ko na rin sila at hinayaan ko na ulit silang maglaro habang nag hihintay sakin

Nang matapos ako sa paghuhugas ay agad din naman akong naligo dahil mag dedeliver pa kami ng bulaklak na inorder noong nakaraan, sa cafe lang naman na malapit sa river ang sabi nito hindi kalayuan sa flower shop

Nagsuot lang din ako ng isang puff dress na may ribbon sa likod at naglagay ng powder at lipstick, inayos ko rin ang buhok ko at nilagyan ng ribbon, kinuha ko na ang bag ko at inilagay ang mga kailangan at lumabas na ng kwarto

"Pwetty mama" sabi ni Natasha ng makalapit ako sa kanila kaya napangiti naman ako, nako bolera din itong anak ko mana sa tatay nila

Umalis na kaming tatlo sa apartment at ilang minuto rin ay nasa flower shop na kami. Ang kambal ay nakaupo at naglalaro lang sa couch na andito sa ground floor habang nag inaarange ko ang purple roses at heather 

Mas mabuti na nakikita ko sila baka kasi mapano sila kung sa second floor ko sila papaupuin

Nang matapos ko na ay agad kung inispray ng tubig ang bulaklak para fresh parin ito at inilagay ko ito sa isang malaking box na may tela at dahan dahan inilagay ang bulaklak at tinakpan ko na at nilagyan ng sticker logo ng flower shop

Sumakay lang kami ng taxi at ilang minuto rin ay nasa coffee shop na kami kung saan namin e dedeliver ang bulaklak

Pumasok kami sa loob at nakita ko nga ang customer at iginawayway niya ang kamay niya kaya ngumiti ako at hinawakan ang kamay ng kambal

Bachelor Series 2: Oscar AndersonWhere stories live. Discover now