Natalie POVIlang araw na rin ang nakalipas ng makabalik kami sa penthouse ni Oscar
Sa nagdaang araw naging normal naman ang takbo ng buhay naming apat. Hindi ko na muli nakita si maam Olivia simula nung family dinner
Ako lang mag isa ngayon sa penthouse ngayon at naglilinis ako sa sala dahil wala din naman akong magawa dahil mamaya pa naman dadating sila Jackie at Kate dito
Nagpaalam kasi ako kay Oscar kung pwede ba sila bumisita dito sa penthouse niya at pumayaga naman ito. Gusto rin din naman kasi makita ng dalawa ang tinitirhan ko kaya nag paalam ako
Si Nate naman ay andon sa mansion kasama si Oliver dahil sabado naman ngayon at doon ito matutulog
Maya maya pa ay dumating na si Jackie at Kate na may dalang mga pagkain
"Natttt" bati ng dalawa sakin at yumakap, yumakap naman ako pabalik sa kanila at sinipat ang mga dala nila
"Mabuti naman at andito na kayo"
"Oo nga te natagalan kasi kami sa pagbili ng pagkain at saka antagal din nitong kumilos ng babaitang Kate nato" kwento ni Jackie habang nakabusangot na nakatingin kay Kate
"Che masyado ka lang talagang excited bakla noh"
"Oh siya pumasok na kayo at ihain na natin yung mga pinadala niyo"
Pumasok na sila at sinirado ko ang pinto at pumunta sa kusina upang kumuha ng plato at bowl na paglalagyan ng mga pagkain
"Oh ito" sabi ko at inilahad ang plato at bowl sa kanila
Nang matapos na nilang ilagay ang mga pagkain ay agad ko na silang inaya sa movie threather dito sa penthouse
"Grabe ang ganda naman dito te" sabi ni Kate habang pinapalibot ang tingin sa loob
"Oo ngaa at ang lamig pa ahhh nako kung ako ang nakatira dito hindi na talaga ako aalis" natawa naman ako sa sinabi ni Jackie
"Anong gusto niyong panuorin?"
"K-drama te para mag iyakan tayo" si Jackie
"Eh horror nalang te para intense" suhetsiyon naman ni Kate at nagtalo na naman ang dalawa at napangiti nalang siya dahil sa kakulitan nito at kumuha ng isang pirasong pizza
"Ang corny talaga ng mga choices mo Jackie"
"Bitter ka lang talaga Kate"
"Wag na kayong magtalo comedy nalang ang panuorin natin"
"Sige te" sabay na sagot nila. Pumili kami ng comedy na movie at pinatay q ang ilaw at iniwan lang ang dim light
Nagsimula na ang pinapanood naming palabas at nagtatawanan kami habang kumakain. Sa kalagitnaan ng panonood namin narinig kung may nag doorbell kaya nag paalam muna ako sa dalawa na titignan kung sino ang nasa labas
Nang buksan ko ang pinto ay nagulat naman ako dahil si maam Olivia pala ito as usual naka slit na naman ito ng suot
Ang pinagtataka ko lang ay hindi siya nag iisa ngayon dahil may kasama siyang isang ginang na nakataas ang kilay na nakatingin sakin ngayon
"So, you're the one who poisoned my grandson" biglang sabi nito kaya agad ko ng nalaman kung sino siya
Ang lola na tinutukoy ni Oscar
"Wala ka bang balak na papasukin kami? Rude" bigla naman sabi ni maam Olivia kaya binuksan ko ng malaki ang pinto at naunang pumasok ang ginang at sumunod naman siya at sinadya pang banggain ang braso ko
YOU ARE READING
Bachelor Series 2: Oscar Anderson
RomantizmOscar Anderson & Natalie Sagardo WARNING: MATURE CONTENT (R-18) A waitress struggling to support her younger brother, crosses paths with a billionaire seeking solace from his high-stakes life. Moved by her charm, Oscar offers Nathalie a high paying...