Chapter 15

101 3 2
                                    


Natalie POV

Habang tinitignan ko si sir Oscar at ang babaeng nakayakap sa kanya ay naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit ni Oliver sa kamay ko kaya tinignan ko ito

Seryoso lang itong naka tingin sa dalawang tao na nasa harapan namin, naramdaman ko rin ang paglapit ni Nate sa pwesto namin at humawak na rin sa isa ko pang kamay

Nang kumalas sa pagyakap ang babae ay biglang nagawi ang paningin nito saming tatlo at bigla ako nitong tinaasan ng kilay. Kalaunan naman ay tumingin ito kay Oliver at ngumiti 

"bonne soirée, mon petit frère" sabi nito kay Oliver at di ko naman naintindihan ang alam ko lang ay ang frere dahil minsan ito ang tawag ni Oliver kay sir Oscar, brother kasi ang ibig sabihin ng frere nalaman ko ng minsan akong na curious kaya sinearch ko ito sa google 

Pero bakit tinawag niya itong frere? Di kaya kapatid nila itong si Olivia?

"sœur" bigla naman nagsalita si Oliver kaya napabalik ako sa pag iisip isip ko

"Where is your manners Oliver?wala bang good evening din dyan?hmm?" malambing nitong tanong pero mahihimigan mo din ang pang uuyam sa tono nito 

"I dont respect people like you" 

Nagulat naman ako sa sagot ni Oliver at bigla namang tumawa ang babae at nang uuyam parin na tumingin kay Oliver 

"Tsk, you're attitude really sucks huh no wonder grandma doesn't like yo-" naputol ang sasabihin nito ng biglang sumigaw si sir Oscar na ikinagulat naming lahat

"SHUT UP OLIVIA!"  galit na galit nitong sabi sa babae, kitang kita ang galit sa mga mata ngayon ni sir Oscar kung galit siya kanina ay mas lalong galit siya ngayon kuyom na kuyom ang mga kamay niya at lumalala ang tensyon na nakapalibot samin

Akala ko magkakaroon kami ng masayang hapunan ngayong gabi pero parang hinahadlangan kami na gawin iyon ngayong araw dahil pansin ko na puro kamalasan ang nagaganap sa buhay namin ngayon araw at ayaw ko nito 

Gusto ko pagaanin ang atmospera pero di ko naman alam ang gagawin at di ko rin naman kilala itong sinasabi nilang Olivia 

"Please Oscar stop defending that brat again because you know to well that Im saying the truth kaya nga pinadala yan dito sa pilipinas ni lola because that little brother of ours is gay" sabi naman ni Olivia na ikinagulat ko so tama nga kapatid nila si Olivia

"AGAIN SHUT THE FUCK UP! DONT SPEAK TO OLIVER THAT WAY" 

"DONT YOU DARE SHOUT AT MY FACE OSCAR! Remember Im still your older sister show some respect wag kang tumulad sa iba dyan na bakla na nga wala pang respeto sa nakakatanda niya" nagsisigawan na sila at habang sinasabi ni Olivia ang huling kataga na sinabi niya ay nakatingin siya ng diretso kay Oliver na ngayon ay may namumuo ng luha sa mata

"Oliver" mahina kung tawag nito at tumingin naman ito sakin habang nagpipigil na umiyak, di ko naman maiwasang masaktan para sa kanya, tang ina naman kani kanina lang ay nalait kami at mauulit naman ngayon? pero ngayon ay mas malala nga lang dahil mismong ate ni Oliver ang nagsasabi sa kanya ng masasakit na salita

"Mawalang galang lang po maam Olivia pero nasasaktan na po si Oliver sa mga sinasabi niyo" di ko maiwasang sabi at tumaas naman ang kilay nito habang nakatingin sakin at halatang hinuhusgahan ako. Di ko naman maiwasan kabahan pero kailangan ko rin naman silang ipagtanggol tulad ng pagtanggol nila samin kanina

"Its none of your business kung ano ang sasabihin at gagawin ko sa kapatid ko and sino kaba ha? the nerve of you to talk to me like that" 

"A-ako po si Natalie at kapatid ko po si Nate" tumingin naman ito kay sir Oscar

Bachelor Series 2: Oscar AndersonWhere stories live. Discover now