Chapter 1

269 5 0
                                    

Natalie POV

"Table 3!" sigaw ng kasama ko sa tinatrabahun kung bar at agad ko namang kinuha ang order na hawak niya

"Diba tapos na mag order ang nasa table 3?" tanong ko naman

"Nag dagdag sila ng 2 Mozzarella sticks at 12 pieces na wings Nat" sagot naman nito at napatango nalang ako at agad pumunta sa table 3 baka kasi mainip sila at mag gugulo na naman 

Kahit kasi may bouncer di parin talaga maiiwasan ang mga customer na maggulo lalo na kapag lasing minsan may mga bastos din at nang hihipo na mga customer

Naalala ko pa noong una ko na pag trabaho dito ay hinawakan at pinisil nito ang pwet ko kasi akala nito na isa rin ako sa mga babae na sumasayaw at pinagsisilbihan sila

mabuti nalang ay tinulungan ako ni Jack or should I say Jackie kaibigan ko dito sa bar tulad din siya ng mga ibang babae dito na pinapaligaya ang mga customer 

Tulad ko ay wala na ring mga magulang si Jackie kaya kumakayod siya para mabuhay dahil laki rin siya sa hirap

Kaya kahit labag man daw sa kalooban niya ay nagdesisyon siya na ibenta ang sarili dahil kumpara sa pagiging waiter ko mas malaki ang nakikita niya minsan niya na din akong inaya kaso tumanggi ako dahil una alam kong hindi ko kakayanin ang ganyang trabaho

Pangalawa ay may kapatid akong naghihintay sa maliit na apartment na inuupahan namin kaya waiter nalang ang kinuha kung trabaho dahil alas diyes palang ay makakauwi nako dahil may papalit na sakin para sa midnight shift pero sobrang hanga ako kay Jackie dahil kahit labag man sa loob niya ay nakakaya niya parin mag tiis 

"ATE KOOOO!" speaking of Jackie ito siya ngayon sumisigaw habang papunta sa direksiyon ko

"Grabe ka naman sumigaw Jackie parang nasa ibang bar ako" biro ko at napansin ko na naman na may pasa siya sa leeg niya parang galing sinakal

"Anyare dyan sa leeg mo Jackie? sinaktan ka na naman ba?" mahina kung tanong sa kanya at ngumiti lang siya 

"Ano kaba wala lang yan sanay nako bakla medj rough lang talaga customer ko ngayon may fantasy siya beh" natatawa nitong sabi pero alam ko namang nasasaktan siya pero bumugtong hininga lang ako nakisabay na ring tumawa para naman gumaan din ang pakiramdam niya

"Sige sabi mo eh pero gagamutin natin yan mamaya ha pagkatapos ko maibigay itong order sa table 3" sabi ko naman at tumango siya

"Sabayan na kita" sabay naman kaming pumunta sa table 3 at nakita namin silang nagtatawanan habang may nakapatong na mga babae sa kanila

"Here's your add order sir" sabi ko at binaba ang 2 Mozzarella sticks at 12 pieces na wings aalis na sana kami ni Jackie ng bigla nalang hinawakan ng isang customer ang kamay ko 

"Whats the rush cutie? sabayan mo muna drink a little" alok nito sakin at tinanggihan ko naman

pero mapilit ito kaya nagsisimula na akong matakot kahit tinutulungan na ako ni Jackie ay ayaw parin nitong magpatinag kaya naitulak ko ito ng malakas 

"Aba ang arte mo ha kala mo naman malinis kang babae ka eh siguro marami din na namang kumasta sayo" malakas na sigaw nito kaya napunta samin ang lahat ng atensyon

"Ayaw ko po nga kasi sir pero nagpupumilit kayo" natatakot kung sagot

"Aba sumasagot ka pa ah" sabi nito at bigla akong sinampal ng malakas na ikinatumba ko

"NAT!" gulat na sigaw ni Jackie at bigla ring sinampal ang lalaki

Mas lalo naman itong nagalit at bigla nalang nitong sinabunutan ang buhok ni Jackie at tinulak kaya natumba na rin si Jackie

Bachelor Series 2: Oscar AndersonWhere stories live. Discover now