Natalie POV
Nagluluto ako ng umagahan namin ng biglang may magsalita ang kapatid ko sa tabi ko
"Ate anyare po sa pisngi niyo? bakit po namumula" tanong nito at napahawak naman ako sa isang pisnge ko
"Wala to Nate its just a small wound na ano kasi si ate nabunggo sa pinto habang nag wowork" palusot ko as much as I can ayaw kung e expose ang kapatid ko sa magulo kung trabaho and plus I know na matalino ang kapatid ko he can easily guess something kaya di ako nagpapahalata
"Sige na umupo kana at tapos nako magluto" sabi ko at sumunod naman siya nilapag ko naman ang itlog at hotdog na niluto ko
"Pray muna" nagdasal muna kami pagkatapos ay kumain na ilang minuto rin ay tapos na kaming dalawa kumain
"Ate maliligo na po ako" sabi ng kapatid ko at napangiti naman ko lumalaki na talaga siya
"Di muna kailangan ang tulong ni ate? tanong ko pa at umiling naman siya
"No po Im a big boy na" sagot nito at napatawa nalang ako
"Oh siya sige na maligo kana don at baka ma late ka pa be careful ha" pangaral ko at agad naman itong pumasok sa banyo habang ako ay pinagpatuloy ang paghahanda ng baon niya para sa skwela at naghugas na din ako ng mga pinagkainan namin
Ilang minuto rin ay tapos na din maligo sa Nate kaya sumunod nako kumuha muna ako ng damit ko sa cabinet namin na nasa sala at naligo na rin
Pagkatapos ay nag bihis nako simpleng ay simpleng black tshirt at gray na jogger naman para sa baba nagpulbo na rin ako at lumabas sa cr
Nakita ko naman si Nate na tapos na magsuot ng uniform niya
"Done na po ako ate"
"Nalagay mo na ba ang baon mo sa bag mo?" tanong ko at tumango siya, bumunot naman ako ng bente sa pitaka ko at binigay ito sa kanya
"Ito bente yan muna baon mo bunso ha? wala pa kasing sweldo si ate pero wag kang mag aalala kapag may sweldo si ate ay pupunta tayo sa mall at maglalaro sa arcade" sabi ko at ibinigay ang bente pero hindi nito tinanggap ang pera
"Ate may sampo pa po ako dito kaya wag mo na ako bigyan may biscuit naman po ako dito eh sapat na to sa recess ko" nagalak naman ang puso ko sa sinabi ng kapatid ko
"At saka po di na po natin kailangan pumunta sa mall at maglaro ng arcade kuya alam ko naman po na sobrang mahal doon at saka masaya nako ate basta kasama kita dito tapos naglalaro tayo ng mga laruan na binili mo sakin" dagdag ni Nate kaya niyakap ko ito
Matalino si Nate at alam niya ang halaga ng pera kahit alam kung gusto rin nito maranasan magkaroon ng mga magagandang bagay ay mas pinili nito na itago at ipunin ang pera
"Pasensiya kana Nate ha ito lang talaga ang kaya ibinigay na buhay ni ate sayo" malungkot kung sabi
"Masaya po ako ate kahit ganito lang ang buhay natin at saka mabuti nga ito kuya ay may nakakain at bahay akong inuuwian di tulad ng ibang bata na palaboy laboy kaya kuntento na po ako kasama ka mahal na mahal po kita"
"Mahal na mahal din kita Nate" sabi ko at niyakap ito ulit
"Oh siya tayo na baka ma late ka pa sa klase mo" napatawa naman kaming dalawa at umalis na ng bahay at naghanap ng masasakyan
Ilang minuto rin ay nasa harap na kami ng skwelahan ni Nate at agad naman akong nagbayad
"Ito ho manong" sabi ko at binigay ang pera
"Salamat ng marami ina" ani nito at umalis na
"Tara na Nate" hinawakan ko ang kamay nito at sabay kaming pumasok

YOU ARE READING
Bachelor Series 2: Oscar Anderson
RomanceOscar Anderson & Natalie Sagardo WARNING: MATURE CONTENT (R-18) A waitress struggling to support her younger brother, crosses paths with a billionaire seeking solace from his high-stakes life. Moved by her charm, Oscar offers Nathalie a high paying...