Natalie POV
Lulan kami sa sasakyan habang tinatahak namin ang daan patungo sa mansion nila sir Oscar o ng mga Anderson
Hawak ngayon ni Oscar ang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay nasa munibela diretso lang tingin niya sa daan pero paminsan minsan ay nagnanakaw siya ng tingin sakin at saka ngingiti di ko naman maiwasang pamuluhan
Bat kasi ang gwapo nito
Lumingon naman ako sa backseat at nakita ko naman sila Nate at Oliver na masayang nag uusap buti nalang talaga ay naging masigla na ulit si Oliver at pinapansin na niya kami lalo na si Nate
Sabi nga sakin ni Nate ay sorry ng sorry daw sa kanya si Oliver kahit wala naman itong kasalan sa kanya kasi naiintindihan naman daw niya kung bakit ito tahimik
Nakapag usap na rin sila ng maayos ni Oscar at Oliver, sinabi niya dito na proud siya sa kapatid niya kaya natunaw naman ang puso ko sa narinig ko dahil ambait niya sa kapatid niya ano pa kayat sa magiging anak namin
Siguro magiging sobrang mabait siya na ama sa magiging anak namin hehe
"Penny of your thougths hon?" biglang tanong ni Oscar kaya napatingin naman ako sa kanya
"Ahmm w-wala Oscar kinakabahan lang po ako"
"Dont be okay and I really like you just calling my name without sir?" tumango naman ako at napatawa sa sinabi niya, yeah tama nga siya medj nasasanay na din ako na di siya tinatawag na sir at muli na itong bumalik sa pagmamaneho
Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa mansion nila, pinagbuksan kami ng butler nila at sinalubong naman kami ng ibang maid nila
"Welcome iha" salubong agad ni tita samin pagpasok namin sa mansion nila
Nasa likod naman niya si tito at nakayakap pa ito sa bewang niya ehe ang sweet talaga nila alam na alam ko na kung saan talaga nag mana itong si Oscar
"Magandang gabi po tita at tito" sabi ko at nagmano sumunod naman sakin sila Oliver at Nate na nagmano habang karga ni Oscar sa magkabilang kamay
Sabi ko naman sa kanya na wag an buhatin ang dalawa kaso matigas ang ulo nito kaya hinayaan ko nalang din mukhang gusto rin naman ng dalawang bata
"Hi mom, dad" bati naman ni Oscar sa mga magulang
"You can put me down now frere" sabi naman ni Oliver kaya binaba na siya ni Oliver
"Ako din po kuya Oscar" sabi rin ng kapatid ko
"Mom, Dad" tawag ni Oliver sa magulang at agad yumakap niyakap naman nila ito pabalik
"di kaba naging bad doon anak?" tanong ni tita kay Oliver at tumango naman si Oliver
"Yes po mom good boy naman po ako parati diba kuya Nath?" lumingon naman sila sakin kaya tumango naman ako
"Oo po tita sobrang bait niyang si Oliver minsan nga ay tumutulong ito sakin" sabi ko at natuwa naman sila tito at tita. Nakita ko naman si sir Oscar na nakatingin samin na nakangiti
Nagkakamustahan lang kami ng biglang may nagsalita kaya napatingin kaming lahat kung saan ito nanggagaling at ng tignan namin ay wala palang iba kundi ang ate ni Oscar na si maam Olivia
Pababa ito ng hagdan at nakasuot na naman siya ng dress na may slit at naka off shoulder ito ngayon at kulay itim kahapon kasi ay naka pula siya at naka tube dress
Mahilig ata siya sa may slit na mga damit
Nakangiti itong bumaba at naglakad patungo samin halata sa ngiti nito na peke kalaunan nman ay tumikhim si tito

YOU ARE READING
Bachelor Series 2: Oscar Anderson
Roman d'amourOscar Anderson & Natalie Sagardo WARNING: MATURE CONTENT (R-18) A waitress struggling to support her younger brother, crosses paths with a billionaire seeking solace from his high-stakes life. Moved by her charm, Oscar offers Nathalie a high paying...