Natalie POV
Andito ako ngayon sa waiting area sa skwelahan ni Nate at Oliver dahil ako ang magsusundo sa kanila ngayon dahil sabay kaming pupunta sa kompanya ni sir Oscar kasi sa labas daw kami kakain kasabay ang buong pamilya nila
Nung una ay di pa ako pumayag dahil una ay nahihiya ako dahil family dinner iyon at kahit sabihin pa na kasama na kami sa pamilya nila hindi parin naman maitatangi na hindi kami belong ni Nate
Pero wala din naman akong nagawa ng pilitin ako nila sir Oscar at Oliver kaya no choice ako na sumama pati si Nate
Tumitingin tingin lang ako sa paligid dahil nakalimutan kung dalhin ang cellphone ko
Napansin ko namang may dalawang babae nakatingin sakin niningitan ko naman pero irap lang ang natanggap ko at nagbulong bulongan naman sila
Inilihis ko nalang ang tingin ko sa ibang direksyon baka kasi kapag tumingin pa ako ng matagal ay bigla nila akong suguron mukhang masungit pa naman sila at ayaw ko namang magkaroon ng away
Masama kasi ang pumatol sa kapwa mo babae iyon ang turo ni mama sakin nung nabubuhay pa siya
Napangiti naman ako ng maalala ko si mama miss na miss ko na siya kung saan man sila ngayon ay sana mapayapa sila at masaya ni papa
Dahil sa pag iisip ko ng matagal ay di ko napansin na papalapit na pala iyung dalawang babae sakin
Tumigil naman sila sa harap ko at hinagod ako ng tingin head to toe, nahiya tuloy ako dahil simpleng short at tshirt lang suot ko at puting sapatos
Samantala naman sila ay naka jacket ba na sobrang kapal at naka skirt at naka boots din
Grabe naman sila nanahimik lang naman ako dito pero parang jinajudge na nila buong pagkatao ko nailang naman ako sa mga binibigay nilang tingin kaya nag lakas loob na akong tanungin sila
"Ahm a-ano ang kailangan niyo?" mahina kung tanong at napataas naman ng kilay ang isa sa kanila. Luh siya nag tanong lang naman eh
"Ano pangalan mo?" masungit na tanong ng isa sa kanila
"Natalie, bakit po?" magalang kung sabi
"And your surname? "
"Sagardo po"
"Magkaiba kayo ng apilyedo pero bakit kayo magkasama huh? ka ano ano ka ba niya?" sunod sunod nitong tanong na nagtatak ng malaking question mark sa ulo ko ha?
Sino ba ang tinutukoy nito? may sinabi ba siyang pangalan? baka sadyang slow lang talaga ako
"ha? sorry ah pero di kita maintindihan miss"
"nag mamaangan ka pa talaga" singhal nang isa sa kanila
"promise di ko talaga alam ang ibig niyong sabihin"
"Si Oscar Anderson sino paba ha?" sagot nito at di ko naman alam ang tamang isagot. Ano ba dapat isagot ko? yaya? kaibigan?
Walang kaibigang nagsesex
Napatampal naman ako sa iniisip ko ang halay naman pero tama nga naman walang magkaibigang naghahalikan at nagsesex pero alangan naman sabihin ko na friends with benefits kami ni sir Oscar diba?
Di ko naman din pwede sabihin na manliligaw ko si sir Oscar kasi halata namang fans ni sir Oscar ang dalawang babae na kausap ko ngayon
"Hoy ano? bingi kaba?"
"huh?"
"sagot na ka ano ano mo si sir Oscar? bakit magkasama kayo ng kapatid niya na si Oliver?"
"Ahh a-ano k-kaibigan ko sir Oscar" iyun nalang ang sinagot ko pero mukhang di naman sila kumbinsado pero bahala na
YOU ARE READING
Bachelor Series 2: Oscar Anderson
RomansOscar Anderson & Natalie Sagardo WARNING: MATURE CONTENT (R-18) A waitress struggling to support her younger brother, crosses paths with a billionaire seeking solace from his high-stakes life. Moved by her charm, Oscar offers Nathalie a high paying...