Epilogue

27 1 0
                                    

Natalie POV

"Mamimiss ko kayo lalo na ang dalawang bulilit nato" sabi ni ate Flor at pinisil ang pisngi ng dalawa

Andito kasi kami ngayon sa office niya kasi kakabalik niya lang

Hinatid kami kanina ni Oscar dito dahil pupuntahan niya daw muna ang mga kaibigan niya pero babalik din naman siya kaagad

Gusto niya kasing makita si ate Flor at magpasalamat dahil sa pagtulog nito samin

Bukas na bukas kasi ay babalik na kami ng Pilipinas kaya ito kami ngayon namamaalam na

Sinabi ko kasi nung nakaraan kay Oscar na sa makalawa pa babalik si ate Flor kaya hindi muna kami umalis

Ayaw ko kasing magpa alam na aalis kami na naka videocall gusto ko ay iyong personal para naman mayayakap ko pa siya at mayayakap din niya ang kambal

Naiiyak na nga kami dito kasi napamahal na nga kami lalo na dito sa flower shop

Sobrang mamimiss ko ang mag trabaho dito

Pero nangako naman kami na bibisita kami dito ulit

"Mama... Papa" nabaling naman ang atensyon ko kay Natasha, mukhang hinahanap niya si Oscar

Alam na din kasi ng kambal na si Oscar ang papa nila, sinabi ko sa kanila nung pag gising nila nung nakaraan

Madali lang nakuha ni Oscar ang loob ni Natasha pero si Nataria ay medyo ilang pa ito sa kanya pero alam ko naman na masaya ito na makilala ang papa niya

Balang araw ay makakapag adjust din siya

"May nilakad pa ang papa" sabi ko at pinainom nalang muna ang dalawa ng gatas at binigyan ng tig isang cookies na bigay ni ate Flor

"Nako mukhang nagiging clingy na iyan si Natasha sa ama niya ah" natatawang saad ni ate Flor na sinang ayunan ko

"Oo nga ate eh nalingat nga lang saglit si Oscar umiiyak na si Natasha"

Simula kasi nong araw na yun ay ayaw ng humiwalay ni Natasha kay Oscar

Gustong gusto na nito na lagi silang magkatabi kaya pati sa pagtulog ay napilitan si Oscar na humiga sa maliit na kama kung nasan natutulog ang dalawa

Natatawa pa nga ako kasi napapagitnaan siya ni Natasha at Nataria at hirap siyang gumalaw

Ang laki naman kasing tao at pinahiga sa maliit na kama

Humingi pa ito ng tulong pero tinawanan ko lang ito kaya nung nakatulog na ang kambal ay hinabol ako nito sa sala at marubrub na hinalikan

Namula naman ako ng maisip ko ulit yun muntikan na kasi na may mangyari non kung hindi bumitaw sa halik si Oscar

"Namumula ka Nat, okay ka lang ba?" nagulat naman ako ng biglang mag tanong si ate Flor

"H-huh? Wala to ate" sabi ko nalang

Ilang oras din ay nakabalik na si Oscar at nakapag usap na sila ni ate Flor at mukhang nagkasundo naman sila agad

"Thank you again for helping my family, I owe a lot" rinig kung sabi ni Oscar at ngumiti lang si ate Flor

"Wala iyon, I was glad to meet them" ngumiti lang din pabalik si Oscar at tumingin sakin

"I'll guess well get going now" 

Nagpaalam muli si ate Flor sa kambal at binigyan sila ng cookies sa huling pagkakataon

"Behave kayong dalawa don sa magiging bagong house niyo ha?at saka wag niyo akong kalimutan bisitahin" sabi nito sa kambal 

Bachelor Series 2: Oscar AndersonWhere stories live. Discover now