Chapter 19

11 1 0
                                    


Natalie POV

Nagising ako na masakit parin ang ulo, napatingin naman ako sa paligid at nawindang ako dahil hindi ito ang kwarto namin ni Oscar

Nang tignan ko ang sarili ko ay iba na ang suot ko at wala naman akong nararamdaman na kakaiba

Pero bakit iba na ang suot kung damit?

Ano ba kasi ang nanyari sakin ang huli ko lang naman naalala ay hinihintay naming dalawa ni chris si Jackie

Tama! si Chris, nasan siya? Nasa bahay niya parin ba ako? 

Akmang bababa na ako ng bumukas ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni chris tulad ko iba na din ang suot nito kagabie

"Mabuti naman at gising kana" sabi nito

"Ano ba ang nangyari? bakit ako biglang nakatulog ha?anong ginawa mo sakin?" sunod sunod na tanong ko pero tinitigan lamang ako nito at hindi sumagot

Naiinis naman ako sa inaakto nito pero pinipigilan ko lang dahil boyfriend pa rin ito ng kaibigan ko kaya tinanong ko nalang kung anong oras na baka kasi hinahanap na ako ni Oscar

"Anong oras na?" tinitigan pa ako nito bago sumagot

"9 in the morning" sagot nito

Ano? alas nuybe na ng umaga? shit hindi ko na etext si Oscar baka nag aalala na iyon. Agad ko naman kinuha ang bag ko sa may couch dito sa kwarto at hinanap ang phone ko pero wala ito sa loob ng bag ko

"Looking for this?" tanong ni chris at nakita ko naman na hawak niya ang cellphone ko

"Bakit na sayo ang cellphone ko?" takang tanong ko dahil mayroon naman siyang sariling cellphone ah namumulubi na ba siya

"I just need to do something" iyon lang ang sinabi niya at ibinulsa ang cellphone ko

"Pwede mo bang ibalik sakin ang cellphone ko? kailangan kung tawagan si Oscar pls" sabi ko ba at umiling ito at umupo sa kama, sinundan ko naman siya ng tingin

Ano ba ang trip niya at nangunguha siya ng cellphone na hindi naman sa kanya 

"Sorry to burst your bubbles Nat pero hindi na kayo pwede magkita ni Oscar and I suggest that you should break up with him hanggang sa wala pang nasasaktan" 

Naguluhan naman ako sa sinasabi niya, bakit naman hindi na pwede na magkita kami at saka hindi ako papayag na mag hiwalay kami ni Oscar 

"Hindi kita maintindihan chris, ano ba ang pinagsasabi mo ha?" nagsisimula na talaga akong mainis sa kanya at naririnig ko na ito sa tono ng boses ko

"Wala ka ba talagang naalala? ouch you're hurting my feelings Nat sabagay dyan ka naman magaling, ang saktan ako"

"Huh? pwede bang diretsohin mo ako chris?at ano sinaktan? hindi naman kita sinaktan ah" 

"Acting dumb I see" nagulat nalang ako ng bigla itong tumayo at unti unting lumapit sakin

Natatakot ako sa binibigay nitong tingin sakin dahil parang galit na galit ito

Napahiyaw naman ako ng bigla nitong hinawakan ng mahigpit ang siko ko 

"You know that I liked you... no I love you since the first day we've met but you act dumb and didnt acknowledge my feelings towards you and maririnig ko nalang na binabahay at mahal mo na ang Anderson na yon?" may diin ang bawat bigkas niya dahil kung bakit mas lalo akong natakot

Oo alam ko na gusto niya ako pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil hanggang kapatid lang talaga ang kaya kung ibigay sa kanya dahil hindi ko naman siya mahal

Bachelor Series 2: Oscar AndersonWhere stories live. Discover now