Chapter 3: Pochemuchka

1.1K 62 20
                                    

Pochemuchka

(png.) taong laging nagtatanong ng "bakit"


Patuloy yung pagtukso sa amin ni Mark sa classroom. Well, matapos 'yon nang prinisinta namin yung kanta sa klase. At dahil wala siyang alam na kahit isang instrument, ako yung tumugtog at kumanta, at siya yung taga-maracas na wala pa nga sa beat.

"Uy," biglang tawag ni Kenli nang makasabay ko siya habang naglalakad kami pabalik sa room mula sa flag ceremony.

Isa sa mga kabarkada ng almoranas—este ni Crissander—si Kenli. Close kami noong first year. Pero hindi kami naging magkaklase noong second year tapos poof. Nag-break kami ni Cris, at ito na nga, nabalitaan kong nililigawan na niya si Dane.

"Balita ko, may Mark ka na a," tukso niya.

"Tumahimik ka nga," depensa ko. "Hindi 'yon totoo."

"Type mo?"

"Oh please."

"Tama lang 'yon nang maka-move on ka naman."

"Move on ka diyan! Okey na ako."

"Sa kuwento sa 'kin ni Cris, hindi."

"WHAT THE!" sigaw ko na may halong pagsusungit. "Ano'ng ibig mong sabihin sa kuwento niya?"

"Wala."

"Oy!"

Pero tumakbo palabas yung ungas. Wow! At talagang tinakbuhan ako, 'no? Grabe! Di ko ma-take! Ano'ng ibig sabihin ni Cris na hindi pa ako moved on? Nakakaimbyerna!

"Uy, ayos ka lang?" biglang may bumulong sa tabi ko.

Sumulpot sa tabi ko yung anghel na si Dane. Kinaiinggitan ko siya kasi sobrang bait niya na tipong nakakainis na yung kabaitan niya tapos ang ganda pa niya. Nang umulan ng kagandahan at kabaitan, nakalimutan niya dalhin yung payong niya.

"Yup," sagot ko.

"Ano'ng pinag-usapan n'yo?" tanong ni Dane. Ang tinutukoy niya yata ay yung pag-uusap namin ni Kenli.

"Uy! Wala lang 'yon a. Baka mamaya isipin mo—"

"Ano ka ba," sabi niya na may ngiti tapos umalis na rin siya sa tabi ko.

Habang tumalikod siya kasama ng mahaba niyang buhok, isa lang ang naramdaman ko—inggit. May gusto sa kanya si Kenli at si Mark, at hindi ako magtataka kung marami pang iba.

Babalik sana ako sa upuan ko nang nakita ko na naman si Mark. Iba na yung binabasa niyang libro. Chinese pa nga yung nakasulat.

"Uy, 'sta?" sabi ko sa kanya.

"Ayos lang," sagot niya sabay lipat ng pahina.

"Ano 'yan?"

"Bakit?"

"Wala, masama bang magtanong?"

"Bigay sa 'kin ni mama. Hindi ko mabasa yung title."

"Marunong ka mag-Chinese?"

"Hindi."

"E bakit mo binabasa 'yan?"

"Pictures lang. Astig kasi. Tingnan mo."

Pinakita niya sa 'kin yung libro. Well, oo nga. Maganda yung pagkakakuha. Ah . . . hindi naman pala niya binabasa. Tinitingnan lang niya yung mga picture.

"May lahi ka bang Intsik?" tanong ko.

"Porke may pagkasingkit, Instik kaagad?"

"Seryoso nga ako sa tanong ko."

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon