Chapter 4: Noon Ooh-Soom

851 56 11
                                    

Noon Ooh-Soom

(png.) porma ng mata na nagiging arko kapagngumingiti o tumatawa


Dalawang araw nag-absent si Mark pagkatapos tapos may Sabado at Linggo. Bale apat na araw ko na siyang hindi nakikita.

Nag-text ako sa kanya pero hindi siya nagre-reply. Well, baka may sakit. Ako naman, nagte-text lang ako sa kanya ng mga assignment. Hindi ko lang alam kung nare-receive niya.

Nang sumunod na Monday, nakapila ako sa para sa flag ceremony. Tiningnan ko yung paligid pero walang lalaking naka-pony ang buhok at nakasalamin. Well, siguro may sakit pa rin siya. Hala, baka Dengue? Uso pa naman ang Dengue ngayon.

Pagbalik namin sa classroom, tiningnan ko yung paligid kung nandiyan na si Mark. Apat lang naman ang nakasalamin sa room, at tatlo lang silang nakita ko, at hindi sila si Mark. Ang bruho, absent na naman.

Natapos ang dalawang subject at recess na. Ang ingay ng klase, lalo na yung mga babae, at hindi ko alam kung bakit. Kinuha ko yung headphones ni Mark at sinaksak sa cell phone ko at nagpatugtog ng animé music para lang hindi sila marinig. Nagbasa-basa rin ako pagkatapos.

Maya-maya, may pumunta sa harap ko, harang-harang ng anino niya ang liwanag na ginagamit ko sa pababasa. Nang hindi man lang tumitingin kung sino 'yon, utos ko, "Alis. Nagbabasa ako."

Pero kung sino man yung nasa harap ko, hindi siya umalis. Tumunghod pa nga siya.

Sino ka? naisip ko. Pamilyar yung mukha niya pero parang hindi ko pa siya nakikita—teka.

Kilala ko 'to.

"Woah!"

Napasigaw at napaatras ako sa may upuan ko dahil sa sobrang gulat. At siya?

Nginitian lang niya ako hanggang sa parang wala nang makita sa mata niya dahil nga singkit siya. Tipong parang may nabuong buwan sa mga mata niya.

"Ikaw ba 'yan? Ano'ng nangyari sa—"

"'Wag mo na itanong," sagot niya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Ngumiti siya ulit.

Oo, yung lalaking hindi ko nakilala ay si Mark. Ewan. Parang hindi ko siya makilala. Wala na yung naka-pony niyang buntot, at wala na rin yung salamin niya. Umaliwalas yung mukha niya.

"Ang linis mo yata a," komento ko.

"O, nagkakagusto ka na sa 'kin?"

"Wow! Feeling mo! Pasalamat ka nga, kinompliment ko pa yung itsura mo."

Pero sa totoo lang, nanibago talaga ako sa kanya. Parang hindi niya kamukha na kamukha niya si Mark, yung dating Mark, ang ibig kong sabihin. Basta, ang gulo.

Tapos lumapit siya sa 'kin para may ibulong, tipong yung isang kamay niya nakasandal sa likod ng armchair ko at nag-bend over siya papunta sa may tainga ko para lang ibulong, "Papasa na ba 'to kay Dane?"

Pero bago ko pa man sagutin, biglang nagtilian ang mga babae sa classroom. Nagulat ako at napatingin.

Mali ba yung akala ko o talagang . . . kinikilig sila?

"Ano'ng nangyayari?" tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Naiinggit lang 'yan kasi binulungan kita."

"Grabe yung hangin! Kasama ba yung pagkahangin sa ultimate makeover mo?"

"Ito naman," sabi niya, medyo nagpapa-cute. "Pero ano?"

"Mmm . . . okey na."

Tapos ngumiti na naman siya at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka nag-absent noong—" Napatigil ako dahil sa mga nanunukso sa likod. Umirap na lang ako at itinuloy, "Anyway, bakit ka nag-absent?"

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon