Chapter 17: Greng-jai

554 46 5
                                    

Greng-jai

(png.) ang pakiramdam na ayaw mong ipagawa ang isang bagay sa isang tao dahil alam mong magiging masakit 'to para sa kanila


"Okey lang bang kausapin ka?" tanong ni Dane.

Yung totoo, ayoko. Una, hindi ako sanay na kausapin siya. Pangalawa, hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sa 'kin.

"Bakit tayo mag-uusap?" tanong ko naman. Lumapit ako sa kanya nang may pagaalinlangan sa mga intensiyon niya. Dati pakiramdam ko e sobrang perpekto niya—maganda at sobrang bait pa, tipong parang masusunog ako pag nakatabi ko siya. Pero ngayon, nagdadalawang-isip ako kung siya pa yung Dane na hinahangaan at kinaiinggitan ko dati.

"Concerned ako sa 'yo," sabi niya at ngumiti, sabay tapik do'n sa ledge. "Dito ka, o. Upo ka."

Umupo ako kung saan niya sinabi. Medyo naghanda na ako ng speech na "'Wag kang magselos sa 'kin dahil wala 'kong panama sa 'yo." Tingin ko kasi, si Kenli lang naman ang pag-uusapan namin.

"Tungkol ba 'to kay Kenli?" tanong ko. Pero nang umiling siya, napatanong ako, "E di, tungkol saan?"

"Sa 'yo . . . at kay Mark."

Bigla akong napakunot. I mean, bakit madadamay si Yuan in the first place, tama?

"May idea ka ba sa feelings niya para sa 'yo?" dagdag niya.

"Wala," sabi ko, kahit na Ano ba'ng gusto mong sabihin ko? ang nasa isip ko.

"Di mo tingin na may gusto siya sa 'yo?"

"Wala. I mean, friends. Gano'n."

"Tingin ko kasi, may gusto siya sa 'yo."

Hindi ko kailangan ng opinyon mo, isip-isip ko. Hinga . . . buga. Wala naman siyang ginawang masama bukod sa nag-hack siya ng account ni Kenli at niloko niya 'ko. Pero kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako puwedeng mag-astang bata.

"Sabi nga ng lahat," sagot ko na lang sabay tawa.

"Pero tingin ko, may nagkakagusto sa kanyang iba."

"O, keri lang! At least, di ba—"

"Na kaibigan mo?"

Napatingin ako sa kanya. May alam kaya siya tungkol kay Belle?

"Si Belle?" tanong ko. Pero nang ngumiti siya at umiling, napakunot ako ng noo. "Teka, ba't mo 'to sinasabi sa 'kin? Di ko maintindihan—"

Tapos biglang nag-ring yung phone ko.

Si Yuan.

"Wait lang, ha?" sabi ko kay Dane. Umalis muna ako sa puwesto namin para ako lang ang makakarinig ng pinaguusapan namin ni Yuan sa telepono. Nakita ko na rin si Kenli na papalapit sa 'min, at dinaanan ko lang siya.

"Hello?" sabi ko sa telepono.

Pero imbis na "hello" rin pabalik, ang natanggap ko ay "May sinabi sa 'yo si Dane?"

"Na?"

"Punta ka rito sa footbridge," utos ni Yuan.

"Saang bridge—"

Pero bago pa man niya 'ko sagutin, wala na siya sa kabilang linya. Napamura na lang ako at bumalik kina Dane at Kenli. Pinaliwanang ko na tumawag si Yuan pero binabaan niya 'ko ng tawag.

"Pumunta ka na," sabi ni Kenli.

"Teka lang," putol ni Dane. "Hindi ko pa nasasabi—"

Pero seryosong napatingin si Kenli kay Dane at sinabing, "Mag-uusap tayo."

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon