Chapter 2: Toska

1.4K 80 30
                                    

Toska

(png.) galit na walang dahilan, pananabik sa isang tao o bagay, o pagkawala ng ginagawa


Nasa pangatlong buwan na ng taon, at sabihin nating wala talagang nangyayari. Mag-pe-periodical tests na rin, kaya kailangan mag-review.

Nagising ako nang mga alas kuwatro ng umaga kahit alas singko y medya pa ang alarm ko. Nagtimpla ako ng kape para magising at nakinig ng music tapos nagbasa. Ewan ko pero parang merong mabigat sa damdamin ko na hindi ko alam yung rason.

Basta . . . parang ang lungkot lang.

Pinilit ko naman ulit matulog, pero kahit anong gawin ko, hindi na talaga kaya. Nakatulala lang ako hanggang sa narinig ko na ang alarm ko.

Pumunta ako sa school nang tulala. Kahit nang nag-umpisa na ang unang subject, parang may iba akong mundo. Habang naghihintay ng umpisa ulit ng klase, nagbabasa lang ako ng libro. Wala ako sa mood makipag-usap, at alam nina Belle at Ciara yung mood kong ganito. Maya-maya, umupo sa tabi ko si Mark tapos naglagay siya ng headphones sa tainga ko. May pinapatugtog na kanta na di ko alam. Hindi ko rin type, actually. More of rock kasi ako.

"Anong kanta 'to?" tanong ko.

"Dreaming with a Broken Heart," sagot ni Mark.

"Kaboses ni Mayer."

"Si John Mayer nga."

"Seryoso, nakikinig ka sa kanya?"

"Hindi."

Sinara ko yung libro tapos idiniin ko yung headphones habang ninanamnam yung masakit na lyrics. Hindi ko pa alam yung kanta, pero malinaw sa 'kin yung lyrics. At—

Gusto kong ihagis sa kanya yung headphones niya at sabihing "CLOSE TAYO?" Bakit niya pinaparinig sa 'kin 'to?

Binigay ko sa kanya yung headphones niya na kunwari wala lang at hindi ako apektado sa kanta. Tumayo lang siya na parang walang nangyaring interaksiyon.

Hay.

Lumabas ako sa classroom para makahinga nang maluwag. Ang sikip lang ng damdamin ko dahil sa lungkot. Parang gusto kong sumabog at magalit.

"Uy, problema?" sabi ni Cris.

Tae naman, isip-isip ko. Sa lahat ng lalapit sa 'kin, bakit ikaw pa?

Hindi ako nakipag-usap sa kanya. Una, dahil nababanas ako kapag nakikita ko yung pagmumukha niya. Pangalawa, dahil ayoko magpanggap na okey lang ako pagkatapos ng nangyari sa amin isang taon na ang nakalilipas.

Bumalik na lang ako sa classroom at inilagay naman yung earphones ko para makinig ng mga kanta. Binuklat ko yung libro ko kahit hindi naman talaga ako magbabasa.

At ang manhid—pumasok talaga sa loob ng classroom.

Well, hindi naman dahil sa 'kin. Dahil sa ibang tao na sinaulian niya ng notebook. Naiinis ako dahil nakikita ko sa mata niya yung awa sa 'kin, tipong feeling niya, hindi ko kayang mabuhay na wala siya.

"Tae. Tae. Tae . . . ," paulit-ulit kong sinabi.

"Uy," sabi sa 'kin ni Belle. "Ano ba nangyayari sa 'yo, girl?"

"Ewan ko. Bad mood ako."

"Pangit ang gising?" tanong ni Ciara.

"Siguro."

Sobrang gustong-gusto ko nang mag-uwian. Nang marinig ko yung bell, walang alinlangan na kinuha ko kaagad yung bag ko at ako yung unang umalis sa classroom.

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon