Chapter 8: Nakama

700 43 4
                                    

Nakama

(png.) kaibigan na parang kapamilya mo na rin; hindi mo man kakampi sa lahat ng oras, ipagtatanggol ka niya; hindi mo boyfriend, pero mahal ka niya


Sa totoo lang, ayoko pumasok noong sumunod na araw. Pero wala naman akong dahilan para hindi.

Para akong bacteria sa classroom. Walang kumakausap sa 'kin, kahit sina Belle at Ciara. Siguro, dahil naglalabas ako ng masamang aura na walang gustong lumapit sa 'kin.

Maya-maya, napagtanto ko na bigla silang nag-iikot ng upuan. Pumunta si Yuan sa may teacher's table, kasama ng vice president namin.

"Sabi raw ng iba, open forum daw," umpisa niya. "E di, open forum."

Sa loob-loob ko, Para saan 'tong open forum na 'to?

Kahit naman ayoko, sumunod pa rin ako. Nagkaroon ng open forum, at hulaan n'yo na lang kung ano'ng topic: magkagalit.

Alam ko na 'to. Ang layunin nila ay yung pagbatiin kami ni Yuan. Gets ko naman. Pero may iba ring issues na kailangang resolbahan sa klase. Doon kami nag-umpisa. Wala akong imik hanggang sa binatuhan ako ng tanong ng isa kong kaklase, "Ano sa tingin mo, Anna?"

E, ano pa ba'ng sagot ko? "Okey lang."

Isa-isa na silang nagtaka sa mga pangyayari, lalo na yung nangyari kahapon.

Doon biglang lumabas yung issue na may mga nalalandian sa 'kin, tulad ng bakit ko raw nilalandi si Kenli kung nililigawan na niya si Dane. Napaisip tuloy ako, Ha? Ako ba ang lumalapit sa kanya?

Pinagtanggol naman ako ni Dane. "Guys, walang kasalanan si Anna. Matagal na silang close."

Yung iba, hindi 'yon maintindihan. May pagka-sexist kasi yung iba kong kaklase na ang mga babae, dapat babae lang ang kaibigan. Nakakainis. Ang bababaw.

Hindi na lang ako nagsasalita. Ayoko ring mapuno. Pinalaki ako ng mga magulang ko nang maayos. Ayoko silang patulan.

Ang dami na nilang sinasabing masasakit tungkol sa 'kin. May issue pa pala sila tungkol sa amin ni Crissander noong second year kami. Buwisit nga. Napasok pa 'yon. Ako raw talaga ang may kasalanan at hindi siya. Okey, so, ano'ng tawag diyan? Invasion of privacy?

Pero matatanggap ko na lahat 'yon dahil tapos na 'yon. Makakaya kong hindi umimik. Pero apat na salita talaga ang nagpakulo ng dugo ko: "Tapos ngayon, si Mark."

P——. Ano'ng ibig sabihin n'on?

Napaiyak na lang ako. Gano'n ako kalandi sa mga mata ng mga kaklase ko? Dalawa lang ang kakampi ko sa loob ng room: si Ciara at si Belle. Yung iba, naglalaro sa parehong sides. Yung iba, more of walang pake. Yung iba, obviously, ayaw talaga. Hindi uso sa kanila ang friendship ng isang lalaki at isang babae.

"Teka," biglang pagbasag ni Yuan sa katahimikan. "Ano ba'ng problema n'yo kay Anna at bakit ngayon n'yo lang 'yan sinasabi? Lahat ba kayo, backstabber dito?"

Nakakagulat yung mga sinabi niya na pati yung mga walang pake, napatingin sa kanya.

"Ano'ng masama kung nakipagkaibigan siya sa 'kin? Bakit siya, tinatawag n'yong malandi? Bakit si Dane, hindi? I mean, sorry, Dane. Ang ibig kong sabihin, si Dane nga ang unang nakipagkaibigan sa 'kin. Walang kumakausap kundi siya at saka si Anna. Bakit kayo ganyan?"

Nakasandal siya sa may teacher's table noong mga oras na 'yon. Lahat sila, nakikinig.

May ibang nag-react at di talaga nakumbinsi na mag-iba ng opinyon. Pero itinuloy lang niya ang pagsasalita nang may karunungan na hindi ko alam kung saan galing.

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon