Chapter 5: Razbliuto

817 54 24
                                    

Razbliuto

(png.) pananabik para sa isang tao na minsang minahal mo


Himala na pagkatapos, parang biglang lumalapit ang mga tao kay Mark (at hindi talaga Yuan ang tawag ko kasi hindi ako sanay). Samantalang dati, ako at si Dane lang ang lumalapit sa kanya.

Grabe.

Bumili ako sa canteen ng juice kasi ang init at uhaw na uhaw na ako. Nakita ko roon si Hannah at si Crissander na nag-uusap at parang nagtatawanan at nagiging sweet sa isa't isa. Pero nang makita nila ako, tumahimik sila.

Bumalik ako sa classroom at nagbuntonghininga.

"O bakit?" tanong ni Mark. Lumapit siya sa 'kin at nag-alok ng pagkain.

"Ayoko," tanggi ko. "Wala akong gana."

"Lalim ng buntonghininga mo a."

"Alam mo, Mark—"

"Di ba, sabi ko, Yuan na itawag mo sa 'kin?"

"Fine. Alam mo ba, Yuan," sabi ko nang may diin, "yung feeling na na-mi-miss mo magkaroon ng boyfriend?"

"Hindi ko alam 'yon dahil hindi naman ako nagbo-boyfriend."

"Ay, nako! Wala kang kuwentang kausap."

"Joke lang. Tuloy mo."

"'Wag na," sagot ko. Umupo ako at yumuko na lang pagkatapos. Umalis na rin si Mark, o Yuan, papunta sa upuan niya.

Nakaramdam ako ng lungkot. Oo, hindi ko na gusto si Cris. Pero sa tuwing nakikita ko siya, namumuhi ako at nami-miss ko yung feeling na kami. Iyong feeling lang, hindi yung tao.

Binubuhos ko na lang ang oras ko sa pag-aaral. Gano'n na lang. Tahimik lang ako buong araw.

***

Noong uwian, tinanggihan ko yung pag-aya sa 'kin nina Ciara at Belle na kumain. Tinulungan ko yung cleaners maglinis sa loob ng classroom, tapos gumawa ako ng assignment.

"Wala kang balak umuwi?" tanong lang naman ni . . .

"O, Yuan," sabi ko nang may diin para matuwa naman siyang tinatawag ko na siyang gano'n. "Umalis ka na. Baka ikulong ulit tayo rito."

"Mukhang may naghahanap sa 'yo sa labas."

"Sino?"

Umalis si Yuan sa likod ko . . . at nandoon si Crissander.

Hindi siya nakatingin sa 'kin. Naghihintay lang siya nang tahimik. Nagulat ako sa nakita ko. Bakit kaya siya nandito?

"O, ano, una na 'ko?" tanong ni Yuan.

"T-teka. Dito ka lang."

"Ayoko nga. Bye."

"Uy!"

Tapos tumalikod lang sa 'kin si Yuan.

Hindi ko na magawa yung assignment ko nang matino. Tumagal tuloy yung oras na nandoon ako. Pero dahil magsi-six thirty na, nag-decide na akong tumayo.

Pagkakita ko, nandoon pa rin siya—si Cris.

What the f——.

Kinandado ko yung pinto. Lalakad na sana ako pakanan nang tawagin niya ako. "Anna!" sigaw niya.

"O," sabi ko nang humarap ako sa kanya. "Bakit ka pa nandito?"

"Puwede ba tayong mag-usap?"

"Wow. After one year, gusto mo na akong kausapin?"

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon