Chapter 13: Frisson

620 46 0
                                    

Frisson

(png.) ang "chills" kapag nakikinig ka ng magandang musika


Simula noong araw na 'yon, nag-iba na ang tingin ko kay Yuan. Ang nakakalungkot lang, hindi na kami magkaklase ulit.

Noong summer, dito ako na-paranoid—yung hindi na kami magkaklase ulit at baka mawala yung pagkakaibigan, at di-kalaunan, mawala na rin yung feelings. Kung tatanungin kung ayokong mawala yung mga nararamdaman ko para sa kanya, ang totoo niyan, ayoko nga. Hindi naman sa malandi ako tulad ng iniisip ng iba—na minsan iniisip ko rin, haha—pero ang saya lang kasi na may inspirasyon ka.

"Uy," sabi ni Kenli nang tumabi siya sa 'kin sa may announcement board, "magkaklase tayo."

Tumingin ako sa kanya. Medyo nakakailang kasi nga napag-trip-an ako ng girlfriend niya. 'Wag lang talaga munang makipag-usap sa 'kin si Dane dahil hindi pa ako masyadong handa.

"Oo nga." Ngumiti ako. At dahil wala pa naman ang teacher para sa unang klase namin, pumunta muna ako sa katabing classroom kung saan nandoon sina Ciara at Yuan na magkaklase. Sa katabing classroom nila, nandoon naman si Belle.

"Yuan!" tawag ko sa kanya. Ngumiti siya habang nakikita niya akong papalapit.

"Nalulungkot ako," sabi niya pagdating ko. "Hindi na kasi tayo magkaklase."

Ako rin, gusto ko sanang sabihin, pero dahil sinabi na niya 'yon, masaya na 'ko.

"Ang iniisip ko na lang, magkatabi lang naman tayo ng classroom," dagdag niya.

"'Yon na nga lang din ang iniisip ko."

"Anong oras break n'yo?"

"Nine yung unang recess. Twelve yata yung lunch."

"Twelve ten yung lunch namin."

"Ayos lang 'yon," sabi ko sa kanya. "Sabay tayong mag-lunch!"

"Hindi ayos 'yon," sabi niya. "Ten minutes din na hindi kita makikita."

"Wushu! Kailan ka pa naging cheesy, ha?"

Tawa ako nang tawa, pero sa loob-loob ko, Oh my gosh! Sinabi ba niyang gusto niya 'kong makita lagi? Kilig!

Pagkatapos naming mag-usap, pumunta na kami sa kanya-kanya naming classroom. Ano ba, ano ba, ano ba? Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?

Gano'n ba talaga 'yon? Kapag naging crush mo na ang isang tao, biglang gumaguwapo ang lahat sa kanya? Nakakatawa na sinasabi ko 'to na parang hindi ko pa naramdaman, 'no? Yung kay Crissander kasi, guwapo na siya talaga mula sa umpisa pa lang. Aminado naman ako doon. Ito kasing lalaking 'to, parang bulaklak. Biglang nag-bloom.

***

Hanggang sa pagdating ng lunchtime, nakangiti lang ako, iniisip yung mga linya niya kanina. Gusto niya 'kong makita araw-araw, at malungkot siya na hindi niya 'ko kaklase—hindi kaya may gusto rin siya sa 'kin? E! Kinikilig ako!

"Uy," sabi bigla ni Kenli na katabi ko sa upuan, "mukha kang sira-ulo."

Ito namang si Kenli, panira ng daydreaming. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang ginawa 'yon ng girlfriend niya sa 'kin. Si Dane pa naman yung . . . parang "untouchable" dahil sobrang bait. Bakit niya nagawa 'yon?

Sa kaila-ilaliman naman ng utak ko, naisip ko na ginawa niya 'yon dahil sa selos. Kailangan ko 'yong intindihin dahil nangyari na 'yon sa 'kin.

"Pumunta ka palang Singapore?" tanong ko na lang sa kanya.

"Oo. Bakit? Pa'no mo nalaman? Wala 'kong pinagsabihan kundi si—kay Dane mo nalaman?"

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Aba, malay ko na si Dane lang yung pinagsabihan niya.

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon