Chapter 23: Petrichor

604 41 10
                                    

Petrichor

(png.) amoy ng ulan sa lupa


Natapos ang graduation at ang lahat. Malapit na rin ang enrollment sa mga college namin. Excited ako kahit hiwalay kami ng course ni Yuan. At least, parehas kami ng university na papasukan. Okey na ako do'n.

Isang araw bago ang monthsary namin, nagkita kami sa mall ni Yuan. Wala lang. Nanood lang kami ng sine tapos naglaro kami sa Timezone at namasyal. Pinakamasayang parte do'n ay kasama ko siya.

"Ano'ng gusto mo para bukas?" tanong ko.

"Gusto ko?"

"Oo. Ano'ng gusto mong regalo?"

"Kailangan, may regalo? Noong mga nakaraan naman wala."

"Gusto ko lang. Tutal nasa mall na rin naman tayo."

"Wala sa mall yung gusto ko," sagot niya.

"Alin? Walang cheesy lines, ha."

"Oo nga."

"So, alin?"

"Gusto kong makilala ako ng parents mo."

Nagulat ako sa gusto niya. Hindi naman sa mahirap, pero conservative kasi sina Mama at Papa. Ayaw nga nila na mag-boyfriend ako hangga't wala akong trabaho.

"Oo na," sabi niya nang matahimik ako. "Hindi mo kaya?"

"Titingnan ko."

"Okey lang. Hindi naman kita pipilitin." Kinuha niya yung pisngi ko saka siya ngumiti habang sinasabi, "Ang kyut-kyut ng Anna ko."

"Ano'ng cute sa napakaordinaryong pangalan?"

"Hindi naman yung pangalan mo yung minahal ko, di ba? Yung pagkatao mo."

"Wushu. Ikaw! Kahit kailan napakakorni mo. Kaya mahal kita," sagot ko sa kanya sabay halik sa lips.

"Sa debut mo, dapat ako ang escort," sabi niya.

"Natural."

"Tapos magkikita tayo tuwing may break sa college."

"'Tsaka uwian," dagdag ko.

"Gusto ko 'yon."

"Hindi ba tayo magsasawa?"

"Sa isa't isa? Hindi siguro. Ngayon pa nga lang, nami-miss na kita."

Pareho kaming papunta pa lang sa unang taon namin sa college, at yung totoo, excited ako sa kung ano mang haharapin ko sa mga susunod na taon. Nga lang, kinakabahan ako sa aming dalawa. Gusto kong magtagal kami hanggang dulo. Kahit simple lang yung kuwento naming dalawa—walang fairy, walang kontrabida. Kami lang talaga.

Ito lang yung tanging kuwentong mamahalin ko.

Hinawakan niya yung kamay ko habang papauwi kami. Ang sarap pa rin sa pakiramdam nito—ng pag-ibig. Siguro, may magsasabi na mga bata pa kami at na hindi pa namin alam ang totoong meaning ng "pag-ibig." Pero kailan at paano namin malalaman 'yon kung hindi naming 'to susubukan ngayon?

Hinigpitan niya lalo ang hawak sa kamay ko nang parang naramdaman niya na may iniisip akong malalim.

"Okey lang bang halikan kita?" tanong niya.

"'Wag ka nang magpaalam," sabi ko. Gawin mo na lang."

Tapos hinalikan niya 'ko.

"Bakit kapag hinahalikan mo 'ko, laging parang first—"

Pero pinigilan niya ako sa pagsasalita tapos hinalikan niya ulit ako.

"Sabi sa 'yo," sabi niya, "Nakakaadik. Ugh. Sorry."

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon