Chapter 15: Gokotta

616 46 3
                                    

Gökotta

(png.) paggising nang maaga para lumabas at marinig ang mga huni ng ibon


Mark Yuan

oy matulog ka na.


Alas onse ng gabi nang mapangiti ako dahil nakakita ako ng notification na galing pala sa kanya.


Anna Marie

hindi lang ako makatulog.


Mark Yuan

bakit?


Bakit nga ba? Tayp ako nang tayp pero binubura ko rin. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako hindi makatulog.


Mark Yuan

uy?


Anna Marie

sorry. ugali ko lang talaga mag-backspace pag ang ewan ng sagot ko.


Mark Yuan

e ano ba yung tinatayp mo?


Anna Marie

kung bakit di ako makatulog.


Mark Yuan

bakit nga ba?


Anna Marie

iyon nga yung dahilan kung bakit ako nagbabackspace haha.


Habang nag-uusap kami, may nakita akong status ni Belle na ang nakalagay: Ang gulo, okey? Doon ko inamin kay Yuan na nawiwirdohan ako sa mga inaakto ni Belle. Ang payo niya, pabayaan ko na lang muna.


Anna Marie

bakit ko papabayaan e kaibigan ko yon.


Mark Yuan

:)

kasi nakakatuwa ka.

ang selfless mo masyado.

minsan iniisip ko kung bakit ganon mo na lang hinayaan si crissander mapunta kay hannah. yung pinsan ko, nong iniwan, talagang umabot sa halos pagpapakamatay.


Anna Marie

hindi naman ako ganon.


Mark Yuan

marami siyang hinanakit. ikaw iba ka.


Anna Marie

ano ka ba? may hinanakit din ako. pero anong magagawa ko? at saka matagal na yon. iniisip ko na lang, mga bata pa kami.

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon