Prologue
I believe in luck.
I always believe that luck is everywhere, waiting for it to be claimed. If you have patience, then you know that someday, you'll be able to achieve the luck you deserve.
In our life, it's not bad to believe in luck. Some people even rely on it and there's nothing bad on it. Even I, myself, rely on luck.
Dahil sa tingin ko, ang swerte ng isang tao ay naka-depende sa sarili mo… kung gaano ka katagal maghihintay, at kung gaano ka katagal mag-titiis.
They say that being struck by lightning is more possible than winning in a lottery.
Sa bagay, tama naman sila. Mas malaki ang tiyansa mong matamaan ng kidlat kaysa sa manalo sa lotto.
Pero ako? I like playing and drawing in a lottery because I believe in luck. I believe that someday… I'll be able to win in a lottery rather than getting struck by lightning.
Wala namang masama kung patuloy pa rin akong aasa, hindi ba?
Sa hirap kasi ng buhay, wala ka ng aasahan kundi ang maniwala sa swerte. At siyempre, makakamit mo lamang iyon kung kikilos at gagawa ka ng paraan para makamit mo ang swerteng gusto mong matamasa.
Nagniningning ang mga mata ko habang nakaharap sa telebisyon, inaabangan ang resulta ng lotto para sa araw na ito. Araw araw kasi akong tumataya sa lotto at kung bibilangin kung magkano na ang nagagastos ko para dito ay hindi ko na halos mabilang.
I started doing this when I was first year in high school, pero ni isang beses ay never akong tumama ng lagpas sa apat na numero. Kapag sinuwerte, hanggang tatlong numero lang ang tinatama ko kaya palit ticket lamang iyon.
Bumuntonghininga ako at bumagsak ang balikat nang isang numero lang ang tinama ko para sa bola ngayong araw.
"Ang malas ko naman…"
Araw araw naman, girl. Hindi ka pa nasanay.
Natawa na lang ako sa sarili ko at sinakbat na ang bag ko sa balikat ko para maghanda sa pag-pasok sa night shift ko.
Isa akong part time cashier sa isang convenience store. Tuwing gabi hanggang madaling araw ang shift ko, samantalang sa umaga at hapon naman ang pasok ko sa skwela bilang senior high student.
At sa totoo lang, nakakapagod itong ginagawa ko, pero wala akong choice dahil ako ang breadwinner ng pamilya namin.
I have two young brothers, si Lon tsaka si Azthel. Parehas nag-aaral at dahil ako ang panganay sa pamilya, ako ang nagtataguyod para sa amin. Si mama naman ay labandera sa kung kani-kaninong bahay.
"Tazia! Nakapag-register ka na ba doon sa school na sinasabi mong lilipatan mo? Balita ko hanggang ngayon na lang iyon, ah?" Tanong sa akin ni mama nang makauwi siya sa bahay.
Agad akong nag-bless sa kanya at kinuha ang mga dala dala niyang labahin para tulungan siyang ilapag iyon sa sahig. Nagpunas muna ako ng pawis bago siya sinagot.
"Hanggang ngayon na lang ba 'yon, Ma? Hindi pa kasi ako nakakahiram ng cellphone sa kaibigan ko kaya hindi ako updated."
"Ay naku po! Hiramin mo na ang cellphone ng kaibigan mo bago pa magsara 'yong registration form. Sayang kung hindi ka makakapasok sa school na 'yon, iyon na lang ang natitirang public school dito, e. Iyong iba, puro private na kaya ito na lang ang pag-asa natin."
Tumango ako. "'Tsaka ko na po iyan aasikasuhin kapag natapos na iyong shift ko."
"Nga pala, anak. Sa isang araw na ang debut mo, ah?"
YOU ARE READING
Echoes of Lies
Romance[ stand - alone novel ] Since her father died, she became the breadwinner of the family. That's why she was really working hard to earn money, and at the same time, to finish her studies. She has always been at the top of their class and is known to...