Chapter 3
"Eto! Bagay 'to sa'yo!"
Nandito kami ngayon ni Yozha sa isang clothes store. Siya ang nag-aya sa'kin na mamili daw kami ng mga susuotin kong damit para sa nalalapit naming pasukan dahil wala pa akong uniform na susuotin.
Ang sabi ko nga kay Yozha, bakit hindi nalang uniform ang bilhin kaysa bumili pa ng maraming damit. Pero, sinabi din sa amin ng principal na isang beses sa isang linggo lang ang uniform namin, at sa ibang araw ay puro freestyle na at PE.
"Eto! Bagay din 'to sa'yo! Sa ganda mong 'yan, halos lahat ng damit bagay na bagay sa'yo!"
Pinakita niya sa'kin 'yong isang puff sleeve na top na kulay purple. Alam niya talaga kung anong paborito kong kulay.
Bet ko iyong damit, lalo na kung paparesan mo iyon ng wide leg pants or kaya mga trouser. Iyon ang gusto kong damit, pero hindi ko nasusuot dahil wala akong pera.
Nakita ko kung magkano 'yon at halos lumuwa ang mga mata ko.
"300 pesos para sa isang top? Ang mahal naman n'yan!" angal ko. "Pambili ko na 'yan ng uniform, e!"
"Bakit? E ako naman ang magbabayad kaya huwag ka nang umangal d'yan!"
Umiling ako at binalik na 'yong damit sa dati no'ng pwesto. Nagulat ako nang kinuha niya ulit 'yon at tumakbo palayo sa'kin.
"Yozha kasi! Ang mahal no'n!"
"Pero bet mo 'di ba? Alam ko mga style mo sa damitan, e." mahina siyang tumawa.
Bumuntonghininga lang ako at hinayaan na lang siya. Nakakahiya nga sa kanya na siya pa ang nabili ng damit na susuotin ko!
"Eto ang ipares mo d'yan sa damit mo,"
Pagkatapos ay wide leg pants naman ang iniabot niya sa'kin. 700 pesos naman ang isang pants na 'yon kaya agad akong tumanggi pero wala na akong nagawa dahil si Yozha ang nag-alok.
Sinuot ko na 'yon sa fitting room at nang mapatingin sa salamin, halos hindi ko na makilala ang sarili ko!
Ngayon lang kasi ako magsusuot ng mga ganitong damit, pero ito talaga ang taste ko pagdating sa fashion. Nga lang, dahil sa kahirapan, hanggang pangarap ko na lang 'yon.
Pero dahil nandito si Yozha, natutupad ang lahat ng pangarap ko.
"Perfect! Napaka-ganda mo talaga! Ang ganda pa ng curve ng katawan mo! Perfectly slim sexy ka tapos hourglass pa ang katawan mo! Hmm, may kulang…"
Napakunot ang noo ko sa kanya.
"Ano?"
"Jowa! Charing!" Pagkatapos ay malakas siyang tumawa kaya agad ko siyang kinurot.
Ilang beses akong nagpasalamat kay Yozha dahil binili niya ako ng mga mamahaling damit na susuotin ko para sa first day of classes namin bukas. May nakita akong boutique ng mga sapatos kaya agad napunta ang atensyon ko roon.
Nakalimutan ko na hanggang ngayon ay nakanganga pa rin itong sapatos ko kahit natahi ko na noong isang araw.
Pinagmasdan ko lang ang naka-display sa labas. Isa iyong white and purple rubber shoes. Limited edition iyon kaya alam kong mahal.
Makukuha kita… balang araw.
Kapag yumaman ako, gusto kong bilhin lahat ng gusto ko.
Gusto kong i-spoil ang sarili ko balang araw.
"Cotton candy!" sigaw ni Yozha nang makakita kami ng stall ng cotton candy sa mall.
Agad niya akong hinila papunta roon. Treat niya daw kaya pumayag na lang ako. Ayoko na ding tanggihan ang bawat libre niya sa'kin dahil baka magtampo siya.
YOU ARE READING
Echoes of Lies
Romance[ stand - alone novel ] Since her father died, she became the breadwinner of the family. That's why she was really working hard to earn money, and at the same time, to finish her studies. She has always been at the top of their class and is known to...