Chapter 1
"Nasaan 'yang lalaking 'yan? Ang kapal naman ng mukha niya! Sino siya para sigawan ka ng ganoon? Kapag talagang nakita ko siya, baka masapok ko siya!" sigaw ni Yozha nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kagabi.
Mahina akong tumawa. "Hinayaan ko na lang. Malay ko ba kung may pinagdadaanan pala iyong tao."
"Hayaan? Sinigawan ka niya, Tazia! Wala siyang respeto sa'yo! Nagtatrabaho ka ng marangal kaya wala siyang dahilan para sigawan ka niya ng ganoon!"
"Hayaan na lang natin, Yozha. Mukhang hindi ko naman na ulit makikita iyong lalaking 'yon, e."
"At paano ka nakakasigurado? Paano kung bumalik na naman 'yon mamaya tapos sigawan ka na naman?"
Umiling na lang ako at kinuha na ang pen at card para makataya sa lotto. Nakakahiya si Yozha dahil kanina pa siyang nagbubunganga rito sa madaming tao. Bigla akong nagsisi kung bakit ko pa ba kinwento sa kanya ang nangyari kagabi.
Sa totoo lang, ayoko ng nasisigawan ako. Tanda ko sa tuwing nasisigawan ako nila Mama, palagi akong naiiyak dahil pakiramdam ko, napakabigat no'n sa kalooban ko.
At nang sigawan ako ng lalaking iyon kagabi, halos maiyak ako at halos sumabog ang puso ko.
Wala naman kasi akong ginagawang masama pero sinigawan niya ako. Okay lang sana kung may nagawa ako, pero wala naman. Ginising ko lang naman siya at sinabihan siyang bawal matulog doon dahil hindi ito hotel.
Pakiramdam niya yata ay napahiya siya roon sa sinabi ko kaya sinigawan niya ako ng gano'n.
"Hay nako, Tazia! Dapat sa mga 'yan ay nirereport sa pulis o kaya sa baranggay para hindi na maka-ulit!" reklamo pa ni Yozha.
"Lalong lalala ang gulo kung gagawin ko pa 'yon,"
"E ano naman? Gulo kung gulo! Mukhang iyon naman ang hanap niya, e!"
"Jusko, Yozha. Ika'y manahimik na lang d'yan at mas stress ka pa kaysa sa'kin. Sinabi ko naman sa'yo, ayos lang iyon sa'kin basta huwag na lang mauulit. 'Tsaka, naiintindihan ko iyong tao dahil lasing." marahan kong paliwanag ko sa kanya.
Umiling siya sa'kin habang tinatapik ang lamesa sa harapan namin.
"Sobrang bait mo talaga," naiiling na sabi niya sa'kin.
Nakangiti ako nang natanggap ko ang sweldo ko para sa buwang ito. Hindi gaanong kalaki ang sweldo ko pero sapat na iyon para pag-aralin ang sarili ko at ang mga kapatid ko.
Si Lon at Azthel ay nag-aaral sa public school, at dahil mga high school pa lang sila, hindi pa ganoong kadami ang mga gastusin sa pag-aaral nila. Samantalang ako, incoming college student na next year kaya nag-iipon ako at naghahanap ng maraming raket para mas marami ang kitain kong pera.
Sabi ko nga kay mama, hayaan niya akong tulungan siya sa paglalabada pero ayaw niya akong hayaan dahil alam niyang mas kailangan kong ituon ang attensyon ko sa pag-aaral.
“Lon, Azthel! May pasalubong ako sa inyo!” sigaw ko nang makarating ako sa bahay, wala pa si mama dahil may labada siya sa kabilang bahay.
Agad namang bumaba ang dalawa kong kapatid at agad na nagtatalon sa tuwa nang makita ang dala kong pasalubong sa kanila. Jollibee iyon. Ngayon lang ulit kami makakakain ng jollibee dahil isang beses lang naman ako sa isang buwan kung sumahod.
“Wow! Jollibee! Maraming salamat dito, ate!” masayang sabi ng bunso kong kapatid na si Azthel.
Masaya namang yumakap sa akin si Lon. “Salamat, ate. Pero… dapat hindi ka na nag-abala pa. Dapat dinagdag mo na lang ito sa ipon mo.”
YOU ARE READING
Echoes of Lies
Romance[ stand - alone novel ] Since her father died, she became the breadwinner of the family. That's why she was really working hard to earn money, and at the same time, to finish her studies. She has always been at the top of their class and is known to...