Chapter 5

9 2 0
                                    

Chapter 5

"Diyos ko po! Anong nangyari sa'yo? Bakit wala kang sapatos? Bakit naka-paa ka lang!?" Alalang bungad sa akin ni Mina nang makita akong tumatakbo palapit sa kanya.

Tumatakbo ako habang pinipigilan ang sariling umiyak, pero hindi ko na nakayanan at bigla nalang itong bumuhos na parang isang ilog.

Tanggap ko na palagi akong outcast sa school, ako ang palaging walang kaibigan at kasama. Sa tuwing may partner activity, ako ang laging walang ka-partner dahil walang gustong kumaibigan at lumapit sa'kin.

Dahil sa mahirap ako. Tingin ng iba sa'kin ay mabaho at amoy basura dahil malapit ang bahay namin sa ilog kung saan maraming mga basura.

Pero ang api-apihin ako? Iyon ang isa sa mga bagay na hinding hindi ko kayang matanggap. Ang tapak-tapakan ako kahit wala akong ginagawa sa kanila? Iyon… iyon ang hindi ko kaya dahil pakiramdam ko, pinagbagsakan na ako ng langit at lupa.

Tanggap ko na ganito ang estado ng buhay namin. Naiiba sa mga estudyanteng nag-aaral dito. Inaamin kong wala akong pambili ng maganda at matibay na sapatos dahil ang mahalaga sa akin ay ang makapag-aral ako nang mabuti at makapag-tapos ng pag-aaral.

Dahil sinisiguro ko na kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, babalikan ko ang mga taong umaapi at pilit na inaapak-apakan ang buong pagkatao ko.

Babalik ako hindi para maghiganti, kundi ipakita sa kanila kung sino na ako ngayon.

Mabilis akong niyakap ni Mina at pilit na pinapatahan. Sumubsob ako sa dibdib niya habang walang sawang umiiyak.

"Dapat hindi na tayo nagpunta pa roon! Kasalanan ko! Pasensya ka na, Tazia…"

Umiling ako habang sumisinghot. "Hindi mo kasalanan, Mina…"

"Inapi ka ba nila? Halika, isa isa ko silang babangasan! Ang kakapal ng mukha nila!"

Umiling ako sa kanya.

"Ano, Tazia? Papayag ka bang api-apihin ka na lang nila ng ganoon ganoon lang? Aba, hindi puwede 'yon! Magsusumbong tayo, okay? Ipapa-suspend natin 'yang mga 'yan!"

"Lalo lang lalala…" mahina kong sambit.

"Sa mga pagkakataong ito, hindi dapat na maging mabait ka lang! Dapat, matapang ka rin para ipakita sa kanila kung sinong kinalaban nila! Tara, isusumbong natin sila!"

Sinubukan ko siyang pigilan pero sadyang mapilit siya. Nang mapansin niyang naglalakad ako nang naka-paa, agad niyang binigay sa'kin ang isang pares ng sapatos niya at isinuot iyon sa paa ko, dahilan para mapaawang ang labi ko.

"Mina, paano ka?"

Tumawa siya. "Para hindi ka nag-iisa, parehas tayong maglalakad na naka-paa ang isang paa!"

Umawang lang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa kanya! Paano niya naisip na gawin 'yon?

Para talagang hulog ng langit sa akin si Mina! Sobrang bait niya!

Kinakabahan ako habang nandito kami ngayon sa tapat ng principal office para magsumbong. Ayoko naman na dapat pero mapilit talaga si Mina. At isa pa, makakatulong din naman ito para maparusahan ang dapat maparusahan.

"Sinira po nila ang sapatos niya! Mga walang hiya sila! Binully bully po nila si Tazia!" Pagsumbong ni Mina.

Napatingin sa'kin ang principal at tinaasan ako ng dalawang kilay kaya tumango ako bilang pag-sang ayon.

Kalaunan ay isa isang pinatawag ang mga high school students at nang mamukhaan kung sino sino sa kanila ang mga umapi sa'kin, agad ko silang tinuro.

"I want you all to say sorry to Ms. Balverde. If this happens again, you all know the rules of this school, right?" The principal announced.

Echoes of LiesWhere stories live. Discover now