Chapter 11

8 1 0
                                    

Chapter 11

"Ma, sigurado ka bang wala kang napag-uutangan na malalaking tao? O mga tao na posibleng sangkot sa mga sindikato?"

Halos masamid si Mama nang bigla ko siyang tinanong isang araw. Worried lang ako dahil nitong mga nakaraang araw, madalas kong mapansin na parang may nagmamasid sa bahay namin— o sa mga tao sa bahay namin.

"Anong klaseng tanong iyan, anak? Alam mong nagtatrabaho ako ng marangal. Bakit? May problema ba?"

Umiling ako sa kanya at hindi na sa kanya nagtanong pa. Alam ko namang imposible 'tong naiisip ko dahil hindi ganoon si Mama. Pero… hindi ko lang maiwasang mag-alala. Baka napapraning na lang siguro ako.

Kalaunan ay balik sa klase na kaya ganoon ulit ang routine ko. Papasok, uuwi, magtatrabaho and vice versa.

"What a long weekend! Kumusta bakasyon mo, Tazia?" Nagagalak na tanong sa'kin ni Mina.

"Wala, as usual lang."

"Hindi kayo nagbakasyon?"

"Wala kaming pera para doon," sabi ko.

She sighed. "Sana sinabi mo, inaya sana kita no'ng nag-beach kami."

Habang masaya kaming nagkekwentuhan ni Mina, napansin kong kapapasok lang ni Kaeson sa room na nakabusangot ang mukha. Napakunot naman ang noo ko. Badtrip na naman siya?

At… hindi rin siya umupo sa tabi ko! Doon na kasi siya umuupo palagi kaya nagulat ako nang makita siyang bumalik sa pwesto niya sa likod.

Lumapit ako sa kanya at tumabi ng upo sa kanya. Pabiro kong sinundot ang beywang niya. Madalas ko iyong ginagawa sa kanya kapag inaasar siya, okay lang naman sa kanya pero nagulat ako nang padabog niyang nilayo ang upuan niya sa'kin.

"Huy, may problema ba?"

Hindi siya sumagot, nanatiling nakasimangot ang mukha niya. Naglagay lang siya ng earphones sa tainga niya pero alam kong ginawa niya lang 'yon para hindi ko na siya gambalain pa.

"Kae? May problema ba? Galit ka ba sa'kin?"

Parang umusok ang ilong niya nang binanggit ko ang pangalan niya kaya natahimik ako.

"Hindi ako manghuhula, Kae. Sabihin mo nga sa'kin, galit ka ba? May nagawa ba ako?"

Pilit kong inaalala kung may nagawa ba akong ikagagalit niya pero wala naman! Buong bakasyon ko siyang hindi nakasama at nakausap kaya ano kayang dahilan ng pagkagalit niya sa'kin?

"Talaga? Tinatanong mo ako n'yan?" masungit niyang tugon.

I pouted. "Hindi kita maintindihan,"

"Edi huwag mo akong intindihin,"

Mas lalo akong sumimangot. Tunog nagtatampo siya kaya alam kong may nagawa akong mali.

"I'm sorry kung may nagawa man akong mali na hindi ko alam…"

Tumalikod siya sa'kin kaya naman naglakad ako paharap sa kanya.

"Hindi ko lang kaya na nagtatampo ka sa'kin tapos hindi ko alam ang dahilan. Para akong sira ulo ditong nanghuhula kung anong dahilan mo."

Patago niya akong inirapan.

"So, bakit nga?"

Tumayo siya at naglakad palabas kaya agad akong sumunod sa kanya. Tinahak niya iyong daan papunta sa garden. Saktong walang mga students doon kaya agad siyang naupo sa swing habang nakatutok sa phone.

I sighed heavily.

"Kae kasi! Ba't ka ba galit sa'kin?"

He hissed. "You're really asking me, huh?"

Echoes of LiesWhere stories live. Discover now